❛ ❛ Chapter 1

1.1K 28 7
                                    


"NAIIHI  nako," bulong ko sa sarili ko. Gusto ko mang pigilan ang panirang ihi na'to pero hindi na talaga keri bhie. Sasabog na talaga ang pantog ko.

Nakakahiya naman kung dito ako umihi diba? Edi basa ang panty ko? Malalaman ng iba dahil mangangamoy ang ihi dae! Ansama din kaya sa pakiramdam ang basang panty.

"Ate Bebs. Ihi muna ako," paalam ko kay ate. Tumango lang siya sa akin kaya umalis na ako.

Nasa isang hotel kami ngayon para mag cater. Reception ng kasal ang event dito kaya kinuha na namin agad ang opportunity nung kami ang pinili nila.

Aba! Ang yayaman ng kinasal at malaki ang bayad, tatanggi pa ba kami sa malaking pera?

Kaso nga lang, maganda ang hotel, malaki ang bayad pero hindi ko kabisado ang buong lugar potspa. Naliligaw ako dahil hindi ko alam saan papuntang C.R at mukhang naliligaw na ata ako nung mapansin ko na nasa isang madilim na lugar na ako.

Hoy! Baka merong multo dito ah? Jusme hindi ko 'yon mahahampas huhu.

"Father!"

Narinig kong boses ng kung sino mang multo dito. Father? gagsgo naligaw batong multo na'to? Doon ka sa simbahan please. Walang father sa hotel!

"Father! Where are you?"

Mother ako! mother! Wala pala akong anak. Joke lang.

Akmang aalis na sana ako paalis doon ng nabangga ako ng kung sino mang multo na nagkatawang tao. Tinignan ko ang mukha noon nung lalaking nabangga ko at napa-wow ako sa mukha niya.

Wala akong makita. Andilim dito.

I report ko kaya sa hotel management 'to? Ang yaman yaman ng hotel nila pero may madilim na parte. Paano naman ang mga naligaw na kababayan niyo? Paano kung ma-rape? Paano kung may crime scene tapos dito nalang ginawa dahil walang ilaw? tapos mukhang wala ding CCTV.

Natigil ang kakaisip ko ng kung ano-ano dahil nasilaw ako sa ilaw na itinutok pa talaga sa mata ko. Pinikit ko ang mga mata ko at pinatid ang multong nasa harapan ko.

"Aw!" daing niya kaya naiinis ko siyang tinignan.

"Sino kaba?" tanong ko sa kanya. Biglang bumukas ang ilaw ng lugar kaya kitang-kita ko na ang lalaking nasa harap ko habang hawak-hawak ang flashlight.

Isang anghel!

Gaga! Kung ganito lang pala ang mga multo, ready na akong magpabuntis. Choss!

"I'm sorry. I think I scared you."

Paumanhin niya with british accent. Mahabaging lord, marupok ako sa british accent with innocent face. Napatulala lang ako sa mukha niyang sobrang inosente. Mga matang namumungay, matangos na ilong at dios ko lord, green eyes!

"No, okay lang." Malaki pa ang ngiti ko at bumulong sa sarili ko. "Pakshet ang pogi bhie."

Napa-paypay nalang ako sa sarili ko dahilan nadin na sobrang hot niya kahit ang angelic ng mukha. Idagdag pa na ang lalim ng boses at sobranf attractive niya magsalita.

Naramdaman ko nalang na namasa na ang panty ko. Akala ko dahil sa lalaking nasa harapan ko pero nakalimutan ko na dapat pala akong iihi!

"Father!" sigaw na naman ng kung sino mang dimunyo. Napamaang nalang tuloy ako nung akmang aalis na si Kuyang Father at tinignan ako na parang nagpapa-alam.

Napanguso nalang tuloy ako nang umalis siya at tinuloy ang paghahanap ng C.R. Buti nalang talaga at napigilan ko pa ang ihi ko at unang batch palang ang lumabas.

Nang makapasok na ako sa cubicle ng C.R ay dali-dali na akong umupo para umihi.

Heaven!

"Hello ate? bakit po?" tanong ko sa kanya nung tumawag siya.

"Nasaan kana ba? Akala ko ba iihi kalang?"

"Naligaw kasi ako ate. Sorry."

"Sige, balik ka agad pagkatapos."

Pinatay niya ang tawag at tsaka nako tumayo at naghugas ng kamay. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin at masasabi 'kong napakaganda ko talaga.

Isang ngiti ang nilabas ko at umalis na para bumalik sa reception.

Ngumiti ako sa chubby na babae na pumunta sa pwesto ko upang kumuha ng apat na chicken. Nag-aalalang tumitig siya sa akin.

Natatakot siguro na husgahan ko. Ngumiti lang ako ng malaki at t'saka nag thumbs up. Nagugutom nadin ako kakatingin sa mga pagkain sa harapan ko kaya ang ginawa ko ay itinoun ko nalang ang atensyon ko sa mga bisita sa kasal at napansin na ang groom ay nag-iisa lang pala sa gitna.

Asan ang wife nito?

Mukhang naburyo ata ang groom dahil umalis kaagad at mukhang may hinihila.

Hinihila niya yung wife niya. Mukhang inis ata si kuyang groom dahil iniwan siya ng wife sa gitna. Isang labanan ata ang mangyayari nung umalis sila sa venue.

Sana ol.

"Gaga, andaming pogi dito." Hinampas pa ako ng kaibigan ko na ka-trabaho ko lang.

"May nakita din akong gwapo kanina dae. Pasok sa ideals ko."

"Yung groom gwapo din, pero wala akong panama sa wife. Potsa isang dyosa!"

"Nakita ko silang umalis, papunta na ata sa kwarto nila," bigay alam ko sa kanya.

Sabay kaming napabuntong hininga at nagsalita, "Sana ol."

Nasa kalagitnaan na kami ng panglulumo nang biglang mayroong tatlong napakagwapong mga diyos at pumaroon sa bayan ng mga tao na kasing dukha naming dalawa ng kaibigan ko.

"Is this yummy?" tanong niya sa amin at nakangiti pa. Meron siyang glasses at nunal sa ibaba ng kanyang mata.

"Yes po, kasing yummy ko po." Binilisan pa ni Seaghan ang kanyang mga mata na tila nagpapacute pa ata.

Malanding 'to.

Kaibigan ko kausap ko kanina si Seaghan. Panglalaki yung pangalan pero sobrang landi nito lalo na kapag merong gwapo.

"Really? Should I taste you then?" balik landi nitong lalaki. Napa-wow nalang ako kasi akala ko matino 'to.

"Wolfram really?" tanong ng kaibigan niya. Mukhang naiinis pa dahil sa kalandian ng kaibigan niya.

"What? she said she's yummy."

Napasampal siya sa sarili niyang mukhang ang kaibigan nitong Wolfram, "I can't believe you became a doctor"

"It's my will to serve the one who's in need."

"IN NEED, you say?" Nag qoutation mark sign pa siya sa dalawa niyang daliri at nang-iinsulto na tinignan ang kaibigan. "You just wanna flirt with your patients."

"Yeah yeah whatever, Segris."

Nagkatinginan nalang tuloy kami ni Seafhan dahil sa ginawang away kuno ng dalawa.

"I'll just take this." Biglang sulpot nung lalaki sa gitna nung Wolfram tsaka Sergis.

Hala si Father!

"Is it yummy?" tanong pa niya sa sarili niya. Ngumiti ako ng malaki at sinagot siya dahil narinig ko din naman ang bulong niya sa sarili niya.

"Yes, yummy din like me. So you wanna taste?

Marry Me, FatherWhere stories live. Discover now