❛ ❛ Chapter 2

705 24 2
                                    

"W-WHAT?" Nabibiglang tanong ni Father. Ngumuso ako at malaki ang ngiting sinagot siya.

"Yummy nga po, kagaya ko." Tinuro ko pa ang sarili ko at ang pagkain, "Gusto mo pong tikman?"

Nandidiring tinignan niya ako, "No thanks." T'saka niya kinuha ang pagkain na nasa harapan ni Seaghan at nagmamadaling umalis na para bang isa akong predator at siya ay isang kawawang prey.

Pero kahit nandindiri ang mukha niya, mukha padin siyang santo walanjo.

Edi isa akong demonyo na nilalandi ang isang banal na nilalang. Predator vs Prey. Rawr.

"Ampogi niya padin" tulalang bulong ko sa hangin. Napatingin ako sa katabi ko dahil biglang nawala si Seaghan at walang tao sa pwesto niya.

Asan nayun? May nilalandi?

Tinuloy ko nalang ang patagong kuha ng pagkain dahil nagugutom na talaga ako. Wala naman na yung groom t'saka ang bride at halos lahat ng nandoon ay either lasing or busy sa pagkain. Busog na busog nadin ang mata ko sa dami ng gwapo at magagandang nilalang na nandito.

Nakita ko nga din si Father na nakaupo lang doon sa pinakasulok at nakamasid lang, katabi niya 'yong isang bata na siya atang tumatawag sa kanya. Doon ko lang din napansin na bata pala 'yong tawag nang tawag ng father kanina.

Baka anak niya 'to? Or father lang talaga siya? Father nalang, impossible namang may anak siya. Sobrang banal pa naman ng mukha nito.

"Saan ka galing?" tanong ko sa lukaret na si Seaghan. Walangyang 'to nang-iiwan gusto ko pa naman merong kasama pag nagnanakaw ng pagkain para meron din akong kasama pag nahuli.

"Diyan lang." Nagpunas pa siya ng pawis at namumula ang mukha niya. Morena siya na mestiza na ewan. Basta nasa gitna siya ng brown skin at medyo light ganun.

Ewan, mahirap i-explain.

"Weh?"nagdududang tinignan ko siya. "Diyan lang ba?" pigil ngiti kong tanong. Tinampal niya ang mukha ko at itinulak ng mahina.

"Oo nga,diyan lang..." pagitigil niya at t'saka luminga-linga para tignan kung nasaan si Madame na head namin. "Lumandi lang ganoon," bulong niya sa akin.

"Doon sa kausap mong pogi kanina?"

"Oo! Nakakasilaw ang abs dae."

"Gaga! Nag mo-"Ano ba!" sigaw ko dahil tinakpan niya ang bibig ko bigla.

"Boang! Ang ingay mo!"

"Ah sorry, sorry." paumanhin ko at lumapit sa tenga niya. "Ginawa niyo yun?"tanong ko pa.

Malaki ang ngiti niya at tinaas baba ang kilay, "Hindi, slight lang."

"Slight lang? Ba't slight lang. Chance na 'yon!"

"Gague! Kailangan ko itong i-preserve bebe Janah, malandi man ako pero kailangan ko parin 'tong i-preserve ha."

"Alam ko. Joke lang naman 'teh, forda kiss lang ang nais mo" sabi ko.

"Kaya nga! Pag lumala pa 'wag na oy!"

Alam ko naman ang sitwasyon nitong si Seaghan, mahilig lang sa gwapo — like me, pero hindi siya umaabot kung saan nakikipagmake out or gumawa ng mas malala pa doon, hanggang kiss lang siya at pag lumalala pa doon. Iniiwan niya 'yong lalaking kahalikan niya.

Ilang beses narin akong nilapitan ng mga nakahalikan niya at tinatanong kung nasaan si Seaghan.

Kagaya ngayon.

"Do you where is she?" tanong nitong si Kuya Wolfram.

"Sino she po?" tanong ko, sinabi naman niya na iyong kasama ko kanina. "Hindi po alam," aniko. Nasa ilalim ng table nagtatago,

"Really?" tanong na naman niya kaya nakangiti akong tumango sa kanya dahil kahit gwapo siya, wala akong balak ihain sa leon ang kaibigan ko.

Sabog na umalis si Kuya dahil todo kamot pa sa ulo at merong tinatakpan dahil ang weird ng pagkakatali niya ng jacket sa bewang niya.

Tinapik-tapik ko pa ang ilalim ng lamesa at nagsalita, "Labas na diyan umalis na siya."

Lumabas naman ang gaga at biglaang bumalik si Kuya Wolfram kaya tinulak ko si Seaghan, "Bumalik! Balik sa loob!"

"Are you really sure you don't know where she is?" tanong na naman ng makulit na nilalang na'to.

"I don't know nga," napatigil ako sa naisip ko. "Wait, I think I know where."

Naramdaman kong pinisil ako ni Seaghan, "I'll tell you in one condition."

"Okay, what is it?"

"Tanda mo 'yong lalaking pumagitna sa inyo kanina? Anong name niya?! Saang simbahan siya nagsisimba? Gaano kadalas?"

"Wait, isa-isa lang!" Pinigilan ako ni Wolfram. Kaya naman pala magtalog, english pa nang english. "His name is Angelo Jacob Manuel, katabi lang ng mall yung simbahan nila, and uhh... every Sunday? His mom and cousin always like him to uhm go to church?"

"Yung kasama niyang bata sino?" tanong ko.

"That's Liam."

"Okay, nandoon lang siya sa may C.R. nagrereklamo din kasi siya na naiihi," pagsisinungaling ko.

Kinuha ko pa ang cellphone ko at pinakita sa kanya dahil na gets ata ni Seaghan ang plano ko. Siyempre ilang beses na namin 'tong nagawa, obvious naman na alam na niya ang gagawin.

Pero jusme, kasing banal ng mukha niya ang pangalan niya. Angelo ba naman, Jacob pa.

Nahiya ang pangalan kong muntik ng ipangalan sa Lucifera.

"By the way, thank you." Bumalik lang si Kuya Wolfram para magpasalamat sa walang katotohanan kong sinabi. Nakaguilty naman pero makapal ang mukha ko kaya wala siyang choice sa pagsisinungaling ko.

Naramdaman kong merong humihila sa damit ko kaya yumuko at tinignan kung sino 'yon. Isang cute na cute na batang lalaki.

"Hello!" Kumaway-kaway ako at umupo para magkalevel ang mukha namin. "Dae, bantayan mo muna."

"hewo" mahinang bati ng bata kaya napakagat ako sa labi ko dahil gusto kong pisilin ang mukha ko nung bata sa sobrang cute.

"Hello, what's your name po?" tanong ko sa kanya at ngumiti.

"Noah Jewmil" mahina at mabagal na aniya. Mukhang gusto niyang ayusin ang pronunciation niya dahil ngumuso siya at kumunot ang noo.

Jusme ang cute ng batang 'to at sure akong gwapo 'to paglaki, panigurado iyan.

"Noah?" tanong ng kung sinong malalim ang boses. Tinignan ko kung sino at nakitang si Father lang pala 'yon.

Yumakap sa akin ang bata na mukhang ayaw sumama kay Father, "No! Eat swits! swits!"

"Noah, you're not allowed. You already got many."

"Noah wants swits!" At umiyak na nga siya habang nakayakap sa akin. Lumapit si Father sa amin at magkalapit na talaga kami.

Pigilan niyo ako, mahahalikan ko siya kahit merong bata sa harapan ko.

"Come here baby, we'll eat sweets later okay? Let's just drink many water so baby won't have tummy ache," pang-uuto niya dito at nakababy talk pa nga.

Tang in a juice, mahabaging diyos at dems on. Manghihingi na talaga ako ng sperm niya para maging kamukha niya future anak ko.

"Tummy ache?" tanong ni Noah na nalilito. Hindi alam ni Father kung anong sasabihin kaya sumali na ako sa usapan nila.

"Yayay, tummy yayay like aww, Noah tummy hurts." Hinakawan ko at tiyan niya ng mahina at nangangalay na ako sa sitwasyon namin real talk.

"Father, paki-kuha napo siya."

"Father?"

"Yes, father! Pengeng sperm." Biglang naibulalas ko. Palihim kong kinurot ang sarili ko sa kabaliwan ng bibig ko, sa harap pa talaga ng bata.

Mabuti nalang at hindi nadinig ni Noah iyon dahil nasa chocolate fountain lang ang tingin niya. "S-Sper-what?" tanong niya.

Tinaas ko ang kilay ko na parang bumabati lang sa kakilala sa daan, "Pahingi, kahit donate mo nalang sa akin, hehe."

𖧷𖧷𖧷

Marry Me, FatherWhere stories live. Discover now