❛ ❛ Ch. 4

510 12 1
                                    

CHAPTER 4
𖧷𖧷𖧷

SINO bang hindi magpapatumpik at kakaraka na agad kapag nasilayan mo ang magiging future ama ng iyong mga anak at sisira sa iyong -censored- charot. Siyempre may maliit na dignidad pa naman ako at nais ko padin i-preserve ang aking dignity kaya ang aking gagawin at i-stalk lamang si Pareng Angelo Jacob, ang aking future husband.

Hindi naman pala siya father at hindi niya anak ang tumawag sa kaniya, besides hindi din siya pari kasi sinong pari ang gusto pumunta sa bar? Charot. Nasa imagination ko pala iyon.

Anyways back to my stalking, nakita ko siyang nakikipag tawanan sa mga gwapong mga nilalang na kasama niya at tuluyan na sanang mabibighani sa alindog ng kaniyang mga kaibigan nang biglang nalang niyang kinagat ang kaniyang labi at dinalaan ang kaniyang ngipin, mukhang dare ata ng mga kaibigan niya.

Mama mia, anong klaseng pagligtas ba sa mundo ang aking ginawa para masaksihan ko ang ganitong tanawin.

Nag-usap sila ng mga kaibigan niya matapos nun at ako naman na lokaret at lantarang nakatingin lang habang nasa kabilang store ng pinasukan nilang restaurant. Mabuti nalang at kitang-kita ko sila.

Naramdaman ko namang nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at tinignan, nakita kong merong tumatawag na unknown number kaya sinagot ko ito. Baka kasi importante.

"Yes? Sino ito?" sagot ko. Tahimik lamang ang linya kaya nairita ako, "Hello? Wow naman tatawag tapos hindi magsasalita. Pa showbiz ka mars?"

Nadinig kong may tumawa, "Vuvu ikaw lang naman pala mare." Nakikilala ko kasi ang tunog ng tawag kaya madali ko lang nalaman kung sino siya.

"Paano mo nalaman?" tanong pa niya.

Umingos ako at nagsalita, "Obvious paba? Siyempre iyang unique mong tawa. AhehahEh, like ano yan? Parang scripted na ewan."

"Ang sama sakin ha, parang di ako jinowa dati."

"Gags ka, di kita jinowa." Napatigil ako at nagsalita ulit, "Ay babaita ka, naniwala ka sa joke ko?!"

Napatingin ako sa phone ko ng biglang tumunog 'to. Gaga pinatayan ba naman ako ng call. Nalilito na naiirita ay binalik ko ang tingin ko sa kabilang store at nakitang wala na sila ng mga kaibigan niya doon.

Naialis ko lang sandali ang tingin ko, nawala na sila?!

Masama man ang loob, pinili ko nalang umalis at umuwi sa bahay para magpahinga para sa trabaho ko bukas.

Nagising ako kinabukasan dahil sa pusang galang tawag nang kung sinong demonyo.

"Oh?!" naiiritang sagot ko, nakapikit pa ang mata ko dahil umanghang siya.

Tahimik lang ang kabilang linya kaya mas lalo akong nairita. Andami ko atang ka call this week? Ganiyan nalang ba ako kaganda?

"Sino ka at bakit gusto mong mamatay ng maaga?" parang gusto kong pumatay. Kulang na kulang ang tulog ko tapos mukhang maaga akong ginising ng caller nato.

Tinignan ko ang oras sa alarm clock at napamura nalang talaga ako sa aga.

Walanjo? Alas dos na ako ng madaling araw nakatulog tapos 6:00 ako tinawagan?!

"Uh, sorry wrong number." sagot ng caller.

Yawa.

Tang in a juice..

Parang gusto ko talaga pumatay...

"Pota-" akmang magmumura na talaga ako ng pinatayan ako ng caller.

Napahinga ako ng malalim at gusto nalang talaga saktan ang sarili ko sa inis, poot, galit.

Umupo ako at pabagsak na humiga ulit at napapatid nalang talaga sa ere. Hirap na nga akong matulog sa gabi, gigising pa akong ng maaga, alam na ngang hindi ako nakakatulog ng mabilis kapag nagising.

Kaysa naman mag-emote, Minabuti ko nalang tumayo at uminom ng gatas. Tumigil na ako sa kape, dahil isa na akong nagbabagong buhay.

May effect din pagtigil sa kape, iwas palpitate at aantukin kapa.

"Oh? Ang aga mo ata?" tanong ni ate sa akin, naghahanda siya ng pagkain dahil maagang papasok sa trabaho ang asawa niya.

"May panira kasing gumising sa akin."

"Sino?"

"Pesteng wrong number daw, manakawan sana siya ng wallet, cellphone at mapadpad sa di alam na lugar. Walanjo siya."

"Kalmahan mo, baka pumanaw ka sa sakit sa puso."

"Ate, pag ako pumanaw. Ikaw dapat ang magbibihis at make-up sa akin." Seryosong tinignan ko siya habang umiinom ng gatas.

"Bakit ako?" Kinunotan pa niya ako ng noo.

"Siyempre, makikita ng ibang tao ang sama ng loob ng katawan ko, at baka pangit ang make-up. Baka maging masama akong kaluluwa at magkaroon pa ng sama ng loob."

Bumuntong hininga ako. "Mamatay na nga lang, pangit pa. Mas magandang mamatay na maganda sa libing. #Beauty_Rest #Die_Beautiful."

"Gago, hindi ka pa nga namamatay naghahanda kana pero sige. Ako na bahala sa bihis at make-up. Mga kaibigan at sila mama na bahala sa kape at pandesal."

"Dapat yung kape galing sa star bucks ate ha."

"Kung sakalin kaya kita?"

"Choke me mameh."

Tumatawa kong tinapos ang iniinom kong gatas at nag halfbath nalang, ayokong maligo nang kulang sa tulog dahil sasama lang ang araw ko.

Nagpaalam ako kay ate at lumabas na ng bahay at nagsimulang maglakad, hindi pa nga ako nakakalayo sa bahay nakakita na ako ng kumpol ng tao. Nakita ko pa si Aling Filema na walang filter ang bibig lalo na kung para sa chismis.

Isa pa nga sa motto niya sa buhay, "Chismis is the key to my success." Success nga niya, pagkabagsak naman ng iba. Andaming lumipat ng bahay dahil sa pag-iiba ni Aling Filema sa mga kwento niya, mga walang kasalanan ang iba pero nasasabihan tuloy ng masama dahil sa bibig ng matandang iyon.

Pero siyempre, dahil tahimik akong chismosa. Bystander lang ako sa chismis at nakikitanong kung anong nangyayari, "Te Liza, ano meron?"

"May pogi kasing nanakawan daw, mamahalin pa nga yung cellphone nun nakita ko pa kanina, kaya ayun nabighani ang mga magnanakaw at nanakawan pa nga. Kawawa naman, ampogi na sana."

"Talaga? Pogi?"

"Gaga ka, nanakawan na yung tao pero tinanong mo pa na pogi. Dalawang beses ko na ngang sinabi. Bingi ka bingi?"

"Same sila ng energy ni Jose, sabing one half sheet of paper, tinanong pa ako kung One whole ba."

Napanguso ako,"Nagtanong lang naman para makasiguro, kayo naman."

Sumiksik ako para mapunta sa harap at tignan kung gwapo ba talaga ang nanakawan at nagulat nalang ako ng makita ko kung sino ang lalaking iyon.

Isang Anghel na nangangalang Angelo Jacob, ang aking future sperm donor, at ang bibiyak sa aking buhay sa masikip naming bahay.

𖧷𖧷𖧷

Marry Me, FatherWhere stories live. Discover now