Chapter 9

213 5 0
                                    

Chapter 9CHAPTER 9

"Slut... what a nice nickname." Napangisi ako nang makita kong sumama ang mukha niya dahil sa sinabi ko. Aba, ako pa talaga ang aasarin at iinsultuhin niya, di niya alam na sanay na akong masabihan ng ganiyan dahil sa trabaho ko dito sa bar?

"Kahit kailan Janah, wala ka talagang kwenta," ismid niyang pasaring sa akin at tsaka umalis. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil parang ang kalmado naman niya ng kaunti. Kung dati pa ay nagwawala na siya sa galit at baka gumawa na ng eksena para ipahiya ako o di kaya ay ang para mawalan ako ng trabaho.

True to my suspicions, she really did something. Ano ba talagang trip niya sa buhay at parang galit na galit sa akin ang babaeng 'to?


"I'm sorry Janah, I received something about you, and you know how strict the rules we must oblige right? You broke the rules and we have no choice but to fire you." Malungkot na ngumiti si Mayora sa akin at tinapik ang balikat ko. Napapikit ako dahil sa inis at marahang hinuli ang kamay ni Mayora sa balikat ko para magtanong.

"Anong rules ang nalabag ko Mayora?'' tanong ko sa kanya. Mahina at magalang. May kinuha sa kaniyang lamesa. Nasa opisina niya kami ngayon nang ipinatawag niya ako para sabihin na wala na akong trabaho. Lumapit siya sa akin at may binigay na envelope.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang nasa loob. Biglang tumigil ang paghinga ko at sumikip ang dibdib ko dahil sa nakita. Pictures of me, and that one sin I never wanted.

"Mayora, echos lang naman ito ng nagbigay. Bago pa ako tinanggap dito, nag explain naman na ako sa nangyari diba... bakit ganito naman po, kayo na nga lang ang tumanggap sa akin na may malaking sweldo." Masakit ang loob kong hinawakan ang kamay ni Mayora para magmakaawa, "Sige na Mayora, gusto lang talaga ng babaeng iyon na mawalan ako ng trabaho dahil ayaw niya sa akin,"

"Janah, hindi lang naman iyan ang binigay niya sa akin. May binigay din siyang voice recorder." Parang gumuho ang mundo ko dahil sa sinabi niya.

Mabigat ang loob kong umalis sa opisina ni Mayora at nagmamadaling sumakay ng tricycle papuntang terminal. Babalik ako demonyong lugar na iyon, dahil alam ko ang walanghiyang pinsan ko ay sumakay ng eroplano para mapabilis ang pagpunta sa probinsya at sabihin sa mga tao roon ang pangbubuska at pagmamalaki niya sa ginawa niya sa akin dito sa siyudad.

Nananahimik naman na ako, umalis na ako kahit na wala akong matutuluyan, walang pera, wala lahat pero bakit gumagawa padin sila ng paraan para masaktan ako? Nakaya ko namang itago lahat, nakaya kong magpanggap pero bakit ayaw pa rin ako layuan ng nakaraan ko?



Mabuti nalang talaga at gabi nadin at wala na masyadong traffic, madali lang kaming nakapunta sa probinsya namin. Napatingin ako sa mga daan at nakompirma kong wala talagang nagbago sa lugar na ito kagaya lang walang pagbabago sa ugali ng pinsan kong si Maria – iyong babaeng tinawag ako 'slut.' Napaka ironic lang talaga at tinawag niya ako nun despite her name being Maria.

Puno ng kaba akong naglakad sa daan patungo sa bahay na iyon ng may biglang sumigaw, "Oy nandito na pala si Jazlyn! Baka gusto mong magpatira sa amin bago ka bumalik sa siyudad? Total malandi ka naman." Napabuntong hininga ako dahil sa sigaw na iyon. Hindi lang pala ang pinsan ko at ang lugar ang di nagbago, pati din pala ang mga tao dito.

Nagtaka pa ako? Napaka sarado ng mga utak ng tao dito.

"Bakit bumalik ka pa dito?'' Napatingin ako sa kung sino ang nagsalita at nakita ang kapatid kong si Jasmin na masama ang tingin sa akin. Sa totoo lang, si Jasmin ang totoo kong kapatid, at si ate – kasama ang asawa niya ay kinupkop lang ako nung pinalayas ako ng pamilya ko at naliligaw sa city.

"Hindi naman talaga ako babalik dito kung hindi lang pabida iyang pinsan niyong Maria sana pero demonyo ang ugali," sagot ko sa kanya. Nagalit siya sa akin at malakas na hinila ang buhok kong nakalugay at hinila ako ng sobrang lakas papunta sa gate. Sa sobrang lakas ng hila ay parang matatanggal na ang buhok ko at napaiyak na ako dahil sa ginawa niya.

"MA!" sigaw niya. "Ma! May walang hiyang bumalik sa bahay na ito! Tangina ginagalit talaga ako." Dinig ko ang nagmamadaling yapak ng hindi lang isang tao. Malakas pa rin ang hila ni Jasmin sa buhok ko at nais na talagang tanggalin ang gawin akong kalbo.

"Anong nangyari Jasmin?" tanong ng nanay namin. I don't know, tatawagin ko ba talaga silang pamilya ko o mga taong itinakwil ako kung kailan ko sila kailangan?

"Bumalik itong babaeng ito!" sigaw niya at tinuro pa ako. "Ang kapal ng mukha para bumalik pa dito.'' Binitawan niya ang buhok ko at umupo para yakapin ang anak niya na kakadating palang at umiiyak.

"Tinakwil ka na namin, bakit bumalik kapa dito? Wala ka talagang kwenta kahit kailan at simpleng salita di mo maintindihan?" aniya. Napabuntong hininga ako at inayos ang sarili ko.

"Wala akong kasalanan dito, tahimik lang akong naninirahan at nag t-trabaho pero biglang dumating iyang si Maria at pinatanggal ako sa trabaho," mahinahon akong nagsalita at tinignan si Maria na hindi pa nakabihis at nanunudyo na nakatitig lang sa akin.

"Diba sabi ko naman, wag kang magpakita sa akin? Bakit ka nagpakita? Lumalandi ka ba sa lugar na iyon kaya galit na galit ka sa akin? I mean, malandi ka naman talaga at nagbebenta ng laman, ano pa bang aasahan ko sa iyo?" ngising aniya.

"Banal akong nagtatrabaho roon, kung ganyan ang tingin mo sa akin, baka ikaw iyong nagbebenta ng laman? Wala akong ginagawa sayo, sainyo, pero bakit ganito na lang ninyo ako kung itrato?" Sinampal ako ng nanay ko dahil sa sinabi ko.

"Kung hindi dahil sayo, malas ka sa pamilyang ito. Punyeta, tama sana kung pina abort nalang kita dati. Ikaw ang sumira sa pamilya naming malandi ka. Tangina, sana namatay ka na lang!" Sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi niya. Akala ko okay na ako, akala ko tanggap ko na kung anong mangyayari, akala ko hindi na ako masasaktan sa mga sinasabi nila. Kasi tatlong taon nadin nung pinalayas nila ako. Tatlong taon nadin nung nangyari iyon pero bakit masakit padin? Bakit parang hindi pa rin nila tanggap ang mga pagpapaliwanag ko?

"Wala akong ginagawa!" Sinampal niya ako ulit. Mas malakas ngayon, sinabunutan din ako ni Jasmin habang sumisigaw naman si Maria ng masasamang salita sa akin.

"Walang ginawa? Walang ginawa? Wala kang ginawa nung na rape ang kapatid mo kapalit mo? Asan ka nung araw na iyon ha? Ikaw pa talaga ang nagyaya sa kapatid mong uminom sa bar na iyon kasama ang mga kaibigan mo tapos asan ka? IKAW ANG PANGANAY PERO WALA KA PARA BANTAYAN ANG KAPATID MO!" galit na sigaw niya sa akin at tsaka ako sinaktan pa. Bakit ako? Bakit kasalanan ko, choice din iyon ni Jasmin, choice niyang sumama, at uminom.

"Narape din ako Ma! Tangina hindi lang si Jasmin ang narape nung araw na iyon! Ako rin! At alam niyo kung anong mas masakit? Dahil si Papa ang nang rape sa akin! At iyang walanghiyang anak niyong si Jasmin alam iyon! Alam niya ang plano ni Papa kaya siya sumama sa mga kaibigan ko, nagmakaawa ako, nagmakaawa akong tulungan niya ako pero umalis siya. Iniwan niya ako!"

Marry Me, FatherWhere stories live. Discover now