❛ ❛Chapter 5

456 17 1
                                    

HINDI ko alam ko alam kung anong sumapi sa akin at basta ko nalang nilapitan si Angelo. Nakadinig din ako ng mga bulungan galing sa mga kapitbahay kong maypagka marites at lolit pati narin ang mga karen, kapitbahay naming galing sa ibang bansa at nag f-feeling amerikano na tinatawag ang sarili na Karen kahit hindi naman niya alam kung anong meaning nun.

Pabida yarn?

"Naliligaw kaba?" Obvious kong tanong sa kanya, kahit na obvious namang naliligaw, tinatanong ko padin. Siyempre ganiyan naman talaga tayo, pero sa totoo lang gusto ko lang manigurado at baka hindi naman talaga naligaw. Nadaanan lang ng malas kasi naligaw ganun.

Tinitigan niya ako bago nagsalita, "You're that cater girl last week am I right?"

Napatikom ako ng bibig ko at napataas ng kilay at tsaka pabebeng ngumiti, "Ah oo, paano mo naalala?"

"My friend showed me your picture, telling me you are a scammer," aniya na inosente pang nakatingin sa akin habang nagsasalita noon.

Extraherada akong napanganga sa naging salita niya, AKO? SCAMMER? PITA?NGIN?A?

"Pasensya na ha, pero mukhang to?" Tinuro ko ang mukha ko. "Kagandahan lang ang meron,at hindi pagiging scammer."

"Ah, you're not? Then who's your friend then?"

"Seaghan" proud ko pa pagkasabi.

"Heard her? The name's Seaghan, I'm out of here. Give me my phone back." Pagsasalita niya sa hangin.

Tabang, naboboang na ata to. Sign na ba ito na kukunin na siya ni Lord? Ganiyan ba talaga ang kamandag ng karma ko? Nakaka hallucinate?

Masyado akong naging focus sa mga naiisip ko at hindi ko namalayang may taong lumabas galing sa nakapaligid na tao at lumapit kay Angelo kasama ang isang cellphone. Nakabihis ito na may butas pa sa bewang. Masyado niya ata kinareer ang pagiging mahirap kahit na sobrang kinis naman ng kutis.

Napakunot ako ng noo habang inaalala kung saan ko nga ba nakita ang lalaking lumapit kay Angelo at binigay ang cellphone sa kaniya. Huli na ng napag tanto ko na siya pala yung naghahanap kay Seaghan last week.

Babaita ka, gangster ata nakahalikan mo last week.

"Anong maipaglilingkod ko sa inyo? Kung pera iyon,wala ako nun. Kung katawan ko, hindi po ako yummy -"

"See? You're a sinungaling."

Tinignan ko siya ng masama, "Ha?"

"You said you're 'masarap' Am I imagining things then?"

Nakadinig ako ng mga bulong-bulongan galing sa mga kapitbahay naming mga tsismosa at pakielamera.

"Gaga masarap daw siya, lansa kaya niyan pag walang pasok."

Atleast pag walang pasok lang malansa kasi nakakatamad maligo pag weekends.

"Atleast pag walang pasok lang malansa, hindi gaya ng mga asawa niyo ambabaho ng kili-kili" sabat ng pamilyar na boses. Galing sa kaibigan kong nakipag halikan sa gangster.

"Inaano kaba namin Seaghan? sumasabat ka?"

"Hoy! Baka nakakalimutan niyong kaibigan ko sinasabihan niyong malansa? Kung siya malansa kayo ano?! Amoy patay na daga? Umalis nga kayo dito, first time niyo makakita ng pogi? ng mayaman? Tigilan kasi yung tsismis. Di pa naman kayo nakaka rating ng porti pero parang nakikielam na ata kayo ng buhay ng may buhay?"

Kaibigan ko ito pero sobrang red flag ng bibig pag naiinis.

Nagsi-alisan nadin ang ibang tao lalo na mga marites dahil sa kaibigan ko, ilang beses nadin kasing nagka sagutan kaya nasanay na ang tenga ko. Sinubukan ko din silang awatin dati kasi ayoko ng gulo kaso ako pa ata yung nag sisi.

Natulak ba naman ako, ansakit na nga sa tenga ng bungangaan, natulak pa ako. Kaya sa mga sumusunod nilang away di na ako nakisali. Madamay na naman ako.

"So, back to the topic. Bakit kayo nandito?" mataray na aniya. "Sabi ko naman sayo na one time lang yun diba? Tinaguan ka na nga tapos maghahabol kapa? Bobo kaba?" aniya sa lalaking kasama ni Angelo.

Tumabi si Angelo sa akin at hinawakan ang braso ko. Napatingin ako roon at napatingin din sa mukha niya, "Bakit?"

"Let's go." Hinila niya ako ng marahan. "They will finish later. Samahan mo ako sa main road, I do not know the daan here."

Napatitig ako sa maamo niyang mukha, apaka conyo naman nang taong ito. Halatang laki sa yaman. Sana all.

"Bakit ka ba naman kasi napunta dito? Halata namang kutis at kilos mayaman ka. Pinamumukha mo bang dukha kami?" Biro ko.

Mukhang sineryoso ata niya ang biro ko at nag mukhang guilty ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Kaya nagmamadali kong winagayway ang kamay ko sa mukha niya.

"Nagbibiro lang ako, huwag mong seryosohin."

Nagsimula akong maglakad at sumabay naman siya sa akin. Tahimik lang kaming naglalakad papunta sa main road at parang gusto ko nalang talaga maglaho dahil napa awkward talaga ng mga nangyayari.

"Uh, by the way. What is your name? Ang alam ko lang you're the cater girl from last week." Pambabasag niya sa nakaka binging katahimikan at pang malakasang awkwardness.

Kung hindi ko lang talaga naalala ang mga pinagsasabi nito kanina baka nag pick up lines na ako, charot.

"I'm Jazlyn, mas bet ko kung tatawagin mo akong Janah." Ngumiti ako habang nagsasalita. Aba girl, friendly ata ako no kaya nga kinuha kong strand ay HUMSS kasi feel kong sa HUMSS ako nababagay. Bet ko ang public speaking at ayoko naman sa STEM at ABM kasi bobo naman ako sa Math at Science.

Sayang nga lang at hindi nakapag-aral sa gusto kong kurso kasi mahal pero okay din naman, kasi nakapagtapos ng college. May trabaho at maraming raket.

"I'm Angelo," aniya.

"Alam ko." Curious siya napatingin sa akin habang naglalakad kami.

"Tinanong ko, pogi ka kasi tapos maamo ang mukha."

"Hm."

"Tapos akala ko father ka talaga yung pari kasi ambanal ng mukha mo, kaso hindi pala HAHA."

"Really? Parang hindi naman. I just look quite handsome."

"Ay hindi, gwapogi ka, banal ang mukha tapos akala ko tatay ka nung batang tumatawag sayo pati narin yung binabantayan mo sa kasal."

"Speaking of bata, father-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng makita ko ang namumula niyang tenga, napapansin ko din kanina habang naglalakad kami na panay ang pula nito. "May lagnat kaba?"

"Huh? W-wala."

"Okay," madali akong kausap. "Anyways, speaking of bata, pahinging sperm. Donate mo nalang sa akin."

"You're crazy."

"Okay, how about me Marry Me, Father?"


Marry Me, FatherWhere stories live. Discover now