Chapter 13

206 5 3
                                    

"Good morning Giaaaaan" pagbati ko sa kanya. Masigla kunwari habang nakahawak sa ulo kong sumasakit dahil sa hangover. Normal nadin naman ang sakit sakin lalo na at danas ko nadin namang masaktan. Mapa physical abuse pa iyan o di kaya ay dahil sa regla ko.

Ano pa nga ba ang magagawa ko, nabuhay ako sa pamilyang iyon, at ginawa naman akong babae para magdusa.

"Oh, okay kalang?" tanong niya. Inalalayan niya naman ako paupo at tsaka siya pumunta sa kusina niya at kumuha ng kape at binigay niya iyon sa akin.

Kinuha ko naman iyong kape na inalok niya, "Yes. Tinikman ko iyon at napangiwi sa lasa. "Lagyan mo nga ng gatas, ayoko sa mapait."

Tinawanan naman niya ako at tsaka nagsalita, "Hindi naman kasi iyan para sayo. Pinahawakan ko lang kasi kukunin ko muna iyong sayo." Nakangiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko bago umalis at nagpunta sa kusina. Sinundan ko naman siya at umupo habang nakapatong ang ulo ko sa lamesa at tinitignan lang ang likod niya na gumagawa at naglalagay ng condensed milk.

"Laki pala ng pwet mo, Gian." Bigay pansin ko sa kanya. Usually kasi hindi ko siya tinitignan dahil kada nagkikita kami ay either may problema, nagkikita sa trabaho at wala talagang kaunting oras na normal kaming dalawa o maayos ang mood dahil walang problema o hindi busy.

"Wag mong tignan, loko. Baka ma-imagine mo bigla na naka boxers ako." Biglang sumama ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Lokong 'to napaka taas ng tingin sa sarili niya.

At dahil matigas ang ulo ko, at hindi ko talaga siya pinakinggan dahil hindi ko naman talaga siya type, nanatili akong nakatitig sa likod niya hanggang sa parang may kung anong imahe sa utak ko at biglaan ko nalang nakita ang Gino na walang damit pang itaas at naka boxers lang.

Iyong katawan niya na hindi sobrang toned pero mayroon talagang muscles, iyong saktong muscles na kagaya ng mga male lead sa kdrama at iyong pwet niyang malaki na klarong klaro dahil sa boxers.

Bigla akong bumalik sa ulirat at umiling-iling habang naka kunot ang mga noo ko at nanginginig pa na parang nandidiri. "What the fuck..."

Biglang nasa harapan ko na si Gian at naka hawak sa baso at may naglalarong ngiti sa mukha niya na parang inaasar talaga ako, "Ano? Na imagine mo no?"

"Luh, gago hindi no." Umiwas ako ng tingin at kinuha ang kape ko. Hindi naman ako makatingin kay Gino at nanatiling ganun ng ilang minuto.

Kaso may kung anong magnet talaga ang mga mata niyang kanina pa nakatingin sa akin at napatingin nalang talaga ako sa kanya. May kung anong imahe na namang dumating sa utak ko and this time hindi na siya tungkol kay Gian na topless at naka boxers.

Kundi si Gian at ako na naghahalikan. Galing siya sa point of view ko at napakalapit ng mukha niya sa akin habang sobrang lalim ng paghinga na para bang tumakbo sa marathon. Bigla kaming nagtinginan doon at may kung anong bagay na naghikayat sa akin at hinawakan ko siya sa mukha at tinuloy namin ang halikan.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa mukha ko at si Gian na winagayway ang kamay niya sa harapan ko. "Hoy? Okay kalang? Bigla kang natulala."

"Shuta ka Gian." Sumakit naman bigla ang ulo ko at tinuloy ang pag inom ng kape habang namumula dahil sa imagination na iyon.

"Luh, kasalanan ko sayo?" tanong niya sa akin. Ngumiwi nalang ako at napanguso bago siya sinagot nang wala.


"Hala, shet ka girl." Hinampas naman ako ni Seaghan at napa aray ko dahil pasa ko ang nahampas niya. "Sorry, oh tapos? Dapat sinama mo ako at sinakal ko na sana iyang kapatid at pinsan mo. Gaga iyon, baka gusto mo hanap me ng sugar daddy at ipa ambush ko iyang pamilya mo?" tanong niya sa akin at naka ready ang kamao niya at sumusuntok suntok pa sa hangin.

"Okay na ako, alam ko naman na kung anong gyera mangyayari kapag sinama kita, baka tayo pang ma barangay kaysa ako iyong biktima. Okay na madame."

"Ay sayo okay, pero sa akin. Hindi. Matalik kitang bff, ayokong may nanakit sayo at nambubully. Mga damuhong iyon, ampangit naman ng tatay niyo bakit pinagtatanggol at pinatulan iyan ng nanay mong masamang ugali at kapatid mong trip ang incest at tatay niya na kamukha pa niya ang ginawang jowa. Shotang incest iyan, ano 'to royal family?"

"Hayaan mo na. Nangyari na eh." Bumuntong hininga ako at sumandal tsaka pinikit ang mata ko. Nandito kami sa trabaho namin ngayon, iyong isang trabaho ko na kasama sina Seaghan at Gino.

"Dito na naman kayo tumambay?" Bigla namang sumulpot si Gian na may dala-dalang siomai rice at softdrinks na kanina ko pa gustong kainin pero hindi ko magawa dahil nagdala si Seaghan ng korean foods na gustong gusto niyang kainin pero walang time.

Binigay niya sa akin ang siomai at rice at tsaka nakangiti akong nagpasalamat sa kanya. "Kung hindi ko kayo kilala, baka iisipin ko talagang magjowa kayo." Umismid siya sa akin at saka tinuro si Gian na nagkibit balikat lang. "Itong isa, kung maka bigay ng mga gusto mong kainin, gusto mong damit o kahit anong gusto mo. Binibigay. Kung masakit ang likod, minamasahe, kapag nilalamig, may jacket, pag masakit ang paa, kinakarga. Luh, kulang nalang talaga iyong words of affirmation na sasabihan kang maganda ka, o di kaya ay sasabihing ikaw lang talaga ang mamahalin niya sa boung buhay niya." Inikot niya ang mata niya at tinulak si Gian paalis sa tambayan namin.

"At ikaw babaita, bakit kanina ka pa umiiwas doon kay Gian, kung hindi ka binigyan ng siomai rice ay baka hindi mo talaga titignan ang tao." Umupo siya at pinaseryoso ang mukha niya. Mariin siyang nakatitig sa akin at pinasingkig ang mga mata niya na parang gusto niya talaga akong pagsalita-in.

"Ano kasi... " hindi ako makapagsalita at natoud, napalunok naman ako at pinalobo ang bibig ko bago iyon binuga at nagsalita. "Alam mo naman na parang honest ako pag lasing diba... "

"Anong parang honest, gaga, honest talaga."

"Shuta ka naman, oo na, honest na. Alam mo naman na, ano... basta alam mo na. Kaya ayon, nagkiss kami nung lasing ako... " Tinakpan ko ang mukha ko at dinig ko naman ang tili ni Seaghan tsaka ako hinawakan sa balikat at ginalaw galaw.

"Shet ka girl, biglang da moves with crush ka ah! HAHA, lasingin kaya kita always at si Gian kasama mo. Baka may development nadin."

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Jun 24, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Marry Me, FatherUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum