❛ ❛Chapter 3

589 15 1
                                    

NATAKOT ata si Father at nagmamadaling umalis palayo sa akin. Pagmamadaling parang isa akong rapist at siya ang biktima ko. Buhat-buhat pa niya si Noah at muntik pang matapilok.

Napanguso nalang ako. Hindi naman ako nangangain.

"Gaga ka tinakot mo," pansin ni Seaghan at binatukan pa ako. Siyempre gumanti ako ng batok, akala ba niya hindi ako gaganti?

Akmang mag-aaway na sana kami ng makita namin yung amo namin, siyempre naging maamong tuta kaming dalawa at baka mawalan pa kami ng trabaho.

Ilang oras siguro ang lumipas at natapos nadin ang trabaho namin, free na kaming magpahinga at matulog. Magbunyi.

Kinabukasan ay naramdaman ko nalang ang isang napakabigat na bata sa aking tiyan at ang aking walanjong kapatid ay busy pa sa pakikipag landian sa kaniyang asawa.

Parang gusto kong mag mura, like hello? may single po dito at mahiya naman po kayo sa anak niyo.

"Pusa, ateee!" Sigaw ko at nahiwalay ang mag-asawang akala mo bagong kasal palang. "Itong anak niyo pakikuha! 'Wag puro PDA please. Iyong anak niyo jusme!"

"Gabby! Tigilan mo na Tita mo, alam mo namang single kaya bitter."

Sumama ang mukha ko, "Hoy ate! Baka nakakalimutan ko at nilandi mo lang naman iyan si Kuya para ligawan ka, ang pangit mo kaya"

Tumayo si Ate at kinuha ang anak niyang trip akong maging upuan lalo na at tulog ako. Binigay niya sa asawa niya ang anak niya 'tsaka ako sinabunutan ng slight.

"Boba, magkamukha lang tayo."

"Mas matangos ang ilong ko, ate."

Sinamaan niya ako ng tingin at nagsalita.

"Mas mahaba ang pilik mata ko."

Ngumit ako na tila nang-aasar.

"So? Mas makapal ang kilay ko."

Akmang sasabunutan na naman niya ako kaya tumakbo ako at lumayo sa kaniya

"Alam mo t*ngina mo."

"Ate! Naririnig ka ng anak mo, bibig nito," ani ko at tsaka siya tinampal sa bibig at mabilisang tumakbo sa C.R para maligo.

"Mabuntis ka sana ng killer gaga ka," Sigaw ni ate.

Tumawa ako at sumigaw pabalik, "Kung gwapo yung killer why not coconut?!"

Puno ng sermon si Ate habang ako tinuloy ko nalang ang pagligo, ganiyan naman kami lagi kaya medyo nasanay na ako sa bangayan naming dalawa na wala namang connect at minsan umaabot pa sa mga alien ang bangayan namin.

Kawawang nilalang.

Mabilisan akong nagbihis at nagsout na ng uniform, hinalikan ko ang kapatid kong bugnutin dahil natalo sa bangayan namin at ang aking cute na pamangkin na trip akong patayin sa tulog dahil sa bigat niya. Tumango lang ako sa asawa ni ate na day-off ngayon bilang paalam na aalis na ako.

"Ate cakes, Isang kape nga," order ko. Libreng kape dahil natalo siya sa pustahan namin. Mabuti nalang at mabait ang amo ng Coffee Shop at pinayagan kami sa kalokohan naming dalawa at nakisali pa, siyempre talo silang dalawang kaya may libre akong Kape for 2 months. Masiba pa naman ako sa kape, banktupt kayo rawr.

"Oh ito," bigay niya sakin. "May raket kami mamaya, sama ka?" tanong niya sa akin.

"Gusto ko man pero overtime ako ngayon ate. Walanjo yung boss namin, may gusto ata sa akin, ako lagi iyong pinag-oovertime."

Tumawa si Ate cakes at nagsalita, "Lakas ng confidence natin mare ah,"

"Siyempre, confidence is the key." Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko at napamura nalang talaga ng malakas ng makita kong late na ako.

Mabuti nalang at magkalapit lang ang coffee shop at ang lugar kung saan ako nag t-trabaho kung hindi ay patay na naman ako sa boss kong may crush sa akin.

"Sorry sir, I'm late."

Paumanhin ko. Sobrang tahimik ng paligid at nakita ko ang mga ka-trabaho ko na nakangiti sa akin at mukhang aasarin ako.

"Sorry sir, I'm late." pag-uulit ng walang modo at pangit na si Gian.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Asan si Chief?" tanong ko.

"Ayun may pinuntahan, titignan ata yung lugar kahapon."

Napakunot ako, "Ba't di ako sinama?"

"Gusto mo naman? Crush mo si Sir? Kadiri ka."

"Ggo, shining shimmering ulo nun 'wag na."

"Sabi niya 'wag daw mag overtime dahil bukas nalang daw." Aniya.

Napabuntong hininga ni Mary at nagsalita,"Nahiya pa siya, ginawa pa niyang bukas."

"Atleast bukas." Tinapik-tapik ko ang balikat ni Gian at pumunta sa pwesto ko. "Punta nalang akong mall, baka may swerte akong mahagilap."

"Naghahanap kalang tamo ng gwapo." Ani ni Gian.

"Alam mo Gian, crush mo ako no?"

"Crush ka naman pala mare." Sabat pa ni Maria at sinabayan pa ni Chris.

"Aruy tigilan niyo ako, nakita ko kayo noong March 24,201* sa may malaking bodega nung isang politician, naghahalikan. May sugat pa itong si Pareng Chris. May pa hindi pa kayo mag-jowa akala niyo hindi lumagpas sa kalendyaro."

"Gian, ang ganda sana ng memory mo pero lakas mo magsawalat ng sekreto."

"Atleast hindi nagsasabi na hindi daw magjowa pero nagkiss, ano yun. Friend with benefits? Hindi sinadya? May hindi ba sinadyang wakas makahalikan. Nahiya naman kami ng mga nandoon na nakakita sainyo."

Bumulong ako kay Gian, "Nakita ko din iyon."

Bumulong din siya sa akin, "Inggit ka? Gusto ko din ng kiss?"

"Huwag ako, alam ko sikreto mo."

Dahil sa sinabi ko ay nanahimik na si Gian, diba. Sekreto niya ang alas sa kaniyang bibig.

Naging maayos naman ang daloy ng trabaho at uwian na namin, gusto ko sanang sumali sa Raket ni Ate Cake pero sabi niya ay meron nang kumuha sa pwesto ko. Napagpasya ko nalang na pumunta sa Mall dahil ayoko pa umuwi sa bahay nila ate. Kaya ko namang mag apartment pero sayang naman ang bayarin.

Kaysa naman magbayad pa ako, doon nalang ako sa bahay nila ate at kapalit ng pagtira ko doon, ako na yung nagbantay ng anak nila at naglinis ng bahay kapag maaga akong dadating. Nagbibigay din naman ako ng pera para sa gastusin dahil hindi naman ako palamunin sa dami ng raket ko kapag day-off at may trabaho pako mismo.

Tamang window shopping lang sa mall, tingin-tingin ng mga magaganda at p-pogi.

Sa ilang buwan ko sa pagiging tambay sa mall ay nakakita nadin ako ng pogi!

Isang grupo ng lalaki na sobrang gwapo. Halos lahat ata ng babae napatingin sakanila, dahil hindi lamang sobrang gwapo, ang tangkad din nila. Parang mga nababasa ko sa mga novel. Ito naba ang sign na magiging novel ang love life ko? Charot.

Ang labo ng eyesight ko pero pag gwapo ang linaw.

Habang nakatitig lang sa grupo ng lalaki ay isang pamilyar na mukha ang aking nasilayan.

Siyempre pogi!

𖧷𖧷𖧷

Marry Me, FatherWhere stories live. Discover now