❛ ❛Chapter 8

478 17 4
                                    

Chapter 8

"ANOTHER successful raid again," isang police ang nagsalita. Hindi ko siya tinignan at umismid lang. Success pwet ko-este, successful my ass. Wala naman silang ginawang malaki at umasa lang naman samin.

Pabigat amp, pero sa totoo lang nung una akala ko talaga illegal itong gagawin namin kasi bumabase lang ang gagawin naman sa gusto ng kliyente kuno namin pero hindi naman umaabot sa part na may ginagawa kaming bagay na labag sa batas at labag sa kalooban namin.

Pagsasayaw lang talaga at t'saka pag arte ang ginagawa namin. Hindi pa naman ako humahantong sa bagay na alam ko namang magsisi ako.

"Akala mo naman talaga may malaking naiambag, humuli lang tapos kami pa gumawa ng kung ano para lang mahuli 'yong mga illegal na mga lalaki." Sumama pa ang mukha ng isa sa mga kasama kong hindi ko matandaan kung saan ko nakita.

Bago ata 'to.

"Shh, 'wag kang magsalita ng ganiyan at maririnig ka nila. You're very noisy." Nag shh pa si Jelay at pinapatahimik yung bago. Natakot na siguro 'tong si Jelay kasi ganiyan naman siya dati nung bago pa kami. Kasabayan kasi naman siya tapos siya pa iyong may pinaka matabil ang dila sa amin.

Mas matabil nga lang dila ko pero alam ko naman kung when ilalabas, alam ko naman kung saan ito ilulugar pero malala kasi 'yan si Jelay. Kung anong naiisip, sasabihin kaya ayun biglang natapunan ng mainit na kape nung isang pulis na nakadinig sa sinabi niya. Hindi naman iyon sinasadya nung pulis pero na trauma ata si Jelay at baka mas malala pa ang mangyari sa kanya.

Well hindi ko naman iyon problema, si Father Angelo lang talaga ang gusto kong problemahin at kung paano ko siya makakausap kasi bigla lang talaga akong tinakbuhan nung sinabinan ko siya na panagutanan niya ang paghalik sa akin.

Natakot ata.

"Jaz, may lafang ka diyan? Tom gots na ako," tanong ni Jelay na lumapit na sa akin. Hindi talaga nagpa backstab sa utak ko na nalaman ata siya ang topic at biglang lumapit lang sa akin. May radar ba siya? Kasi kung meron edi sana all? Pwede bang pa ambon kasi kung kong malaman kung kelan nila ako ginagawang hot topic both utak at habang kausap ang iba.

"Wala mare, bibili lang din ako." Nag-isip ako kung anong kakainin ko kasi binigay na ni Mayora ang sweldo ko ngayon araw. Pagkatapos nung pagsayaw namin at paghuli ng mga pulis ay lumipat kami sa bagong destinasyon na malapit lang sa nauna para hindi masyadong sa oras at gasolina at nag change costume na naman para sa bagong kliyente na gusto nilang hulihin.

Mabuti nalang talaga at wala akong kung anong palatandaan sa katawan ko at mga fake lang na mga nunal ang nilagay at iba kong mga kasama ay wala. Kasi kung meron at makikilala kami nung mga kliyente. Baka bigla na kaming ipatumba ng mga ito or kung ano pang mga masasamang bagay na maisip ng isang tao sa magiging biktima nila.

"Ano bang pwedeng kainin? Nagugutom ako," tanong niya sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta sa labas para maghanap ng karenderya kasi wala pa akong kain simula umaga at ngayon ay malapit na mag gabi. May bagong raket pa akong pupuntahan hanggang sa madaling araw at papasok na naman sa regular kong trabaho kinabukasan.

Mahirap at nakakapagod pero malaki na ang naging ipon ko dahil doon.

Pagkatapos kumain kasama si Jelay na daldal ng daldal at nanahimik lang ako kasi wala sa earth ang kaingayan at kalandian ko sa buhay kasi walang wala ako sa mood ngayong araw.

Tumayo ako at pumunta sa Van para mag paalaman sa Manager. Hindi na ako sumama sa sunod nilang pupuntahan kasi mayroon pa akong naunang raket. Mabuti nalang talaga at hindi strikta si Mayora at pwede kaming mag part time part time lang kahit may gimik.

"Oh, Janah nandito kana pala. Magbihis kana at tinatawag na ng taga VIP ang mag s-serve ng order nila." Tinulak tulak niya ako sa C.R para magbihis na sinunod ko naman.

Sobrang tino ng utak ko ngayon super duper very mats.

"Hi gentlemen," bati ko pagkapasok ko sa isang kwarto. "What do you want, vodka? Tequila? Or me?" Ngumiti ako, hindi nakaka akit kundi parang nagbabanta. Subukan niyo ang me at tatapakan ko mga betlog niyo.

Charot.

"I'll go with your lightest drink" ani nung isa. Sinunod ko naman ang nais niya at ng iba niyang kasama. Nakuha naman ng tingin ko ang lalaking nasa pinaka dulo at may itim na mask. Pamilyar ang mata niya pero hindi ko talaga maintindihan ko saan ko nakita.

Chinito at itim na itim na mata, ang kaniyang buhok naman ay nakaibaba na para bang ginawa iyon para itago ang mga mata niya. Para akong nahumaling at ito ang pangalawang beses na nahumaling ako sa isang mata. Ang isa ay sa kaibigan kong si Gian at sa lalaking may naka sout ng mask na kaparehas ng mata ni Gian.

Pero hindi siya ang kaibigan ko kasi hindi naman maputi ang kaibigan ko, moreno ang lalaking may mask. Pero bakit ba naiisip ko iyong Gian na iyon? Ampangit niya kausap palagi.

Napailing ako at tinuloy ang pagsasalin ng mga nais nilang inumin habang naglalakbay ang utak ko at mabuti nalang taaga naitawid ko iyon.

Pagkalabas ko sa kwartong iyon at nakita ko ang isang pamilyar na tindig at poging mukhang sobrang innocent na gusto kong panagutan ako sa pagnakaw ng halik.

My heart starts to beat faster and I felt the butterflies in my stomach. Nakita ko siya na nakaupo sa taas at umiinom ng beer habang naka tingin sa mga taong sumasayaw sa gitna. Nakita ko ding bigla siyang galit na tumingin doon at bumaba.

Hinila niya ang isang babaeng may kasayawang ibang lalaki at ang babaeng hinila ay sobrang pamilyar sa akin dahil nakikita ko siya palagi sa bahay.

Si ate ang nakita kong hinila niya. Akmang susundan ko sana sila dahil curious ako ng biglang may taong tumigil sa harapan ko at nagsalita.

"I never expected I'll see you here, you slut."

Marry Me, FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon