❛ ❛Chapter 6

412 19 2
                                    

CHAPTER 6

AH, he froze.

And blushing.

So cute parang sarap kagatin ng mukha niya. Napasampal ako sa mukha ko dahil sa naiisip ko, kailan pa naging zombie ang pag-iisip ko? Inalog naba ako ng masamang gamot at baka maging kalahi ko na yung mga naging zombie sa k-drama na napanood ko? Pero bakit ba napunta sa zombie ang utak ko kung kagat lang naman sa mukha naiisip at hindi inom ng dugo?

Overthinking overload.

"Hayaan mo father Angelo, hindi nalang ako magpapalahi, papasakal-ehem, este magpapakasal nalang ako para atleast connected tayo na parang ganito." Pinagsiklop ko ang mga kamay ko at pinakita sa kaniya kaso wala padin siyang reaction.

Hala ka diha, nag malfunction na ata siya.

"HOY!" Inalog-alog ko siya at baka matauhan at mabuti nalang at natauhan talaga muntik ko na sana siyang kagatin para mas epektib yung pag balik niya sa katinuan.

"Huh? Anong sinabi mo?" Tulalang tanong niya sa akin, namumula padin siya at umiiwas ang tingin sa akin na parang nahihiya. Nagsimula ding tumaas ang kamay niya papapunta sa bibig niya na para bang may naamoy na mabaho pero para lang pala takpan ang kaniyang mukha.

Ilayo niyo ako sa mga makasalanang pag iisip. Unti-unti na akong nag hihinayang kung bakit ako nagbabasa ng mga b at l, hindi written context kundi yung ginagawa ng mga artist. If you know, you know hehe.

"Father Angelo-" tawag ko sa kaniya kaso naputol lang iyon kasi biglang siyang sumabat.

"P-please don't call me that."

"Okay Angelo-husband-" aniko kaso pinutol na naman ako.

"Sige Angelo Ja-" pinutol na naman.

"Just... Angelo"

"Isa pa hahalikan na talaga kita! Hindi kaba na orient na patapusin mo muna ang kausap mo bago ka mag salita or hindi kaya mag sign ka na may sasabihin or something?"

"I'm sorry." Lumayo siya sa akin. Mas binilisan niya ang paglalakad at ako naman ay hininaan ko. Akala mo talaga alam niya ang pasikot sikot dito.

Kung guilty, mag sorry tapos makipag bati bakit lalayo? Kasing ugali niya ata crush ko nung highschool, nag confess lang ako at walang ineexpect na kapalit kasi hindi naman siya gold para mag expect pa akoa sa kaniya. Kaso ang magaling!

Nilayuan ba naman ako? Gold kaba? Important ka? Ganiyan kaba ka gwapo para layuan ako? Sa ganda kong ito? Pusang gala siya.

Patuloy padin kami sa paglalakad at biglang lumiko si Angelo sa isang daan at tumigil ako at pinagmasdan ko lang siya na maligaw at nagsimulang maglakad papunta sa labasan.

Bahala siya diyan, marami pa namang bata na willing siyang tulungan, with money down nga lang. Mukha pa namang mamahalin at mukhang uto-uto din, malaki laki ang makokotong niyan. Paano ko nalaman? Ako kasi nag turo hehe.

Lumipat ako sa isang babaeng nagtitinda ng banana cue. "Aling Josie, pag may nakita kang gwapo tapos kasing banal ng Anghel, paki tulungan nalang po kung saan ang sakayan o di kaya labasan dito."

"Sige Janah, pasasaan kaba?" tanong niya sa akin.

"Dun lang sa bahay nila Seaghan. Isa nga pong banana cue."

"Wala naman iyon sa ka nila eh, mukhang papunta ata sa inyo. Hindi ba kayow nagkita?" tanong niya sa akin at tsaka ako binigyan ng isang barbecue. Kumuha ako ng barya at binigay sa kaniya.

"Nagkita naman po, alam naman niyang tatambay ako sa kanila ng isang oras. May radar ata kami. Una napo ako."

"Oh siya sige, gwapo tsaka mukhang anghel diba? Ay aba anong pangalan niyan?"

"Angelo" "Angelo" aniko at ani ng taong nasa likod ko.

Kinuha niya ang banana cue na nasa kamay ko at kinagatan ito. Napanganga ako, anlaki ng kagat niya. Anliit lang ng natira sa akin.

"Bayad." Nilapit ko ang palad ko sa kaniya na parang nanghihingi ng pera.

Tinitigan niya lang ako. "Bayad mo," ani ko.

Hindi siya nagsalita at nagsimulang maglakad, nilapitan niya ang batang kakilala ko na ang pangalan ay John. Hinawakan siya ni John sa kamay at nagsimula silang maglakad. Habang naglalakad ay binigay ni Angelo ang banana cue kay John na para bang siya ang bumili at nagbayad.

Walang hiyang 'to. Naiinis man ay minabuti ko nalang na bumili nalang ng bago. Ayaw ko pa naman ang gumastos talaga. Sisingilin ko talaga siya. Malala for real.

Ilang minutong paglalakad ay nakadating na kami sa may sakayan. Nakita kong binigyan ni Angelo ng 200 pesos si John at sumasayaw naman sa tuwa ang bata. Lumapit ako at masama ang titig sa kaniya.

"Bayad mo sa banana cue asan?"

Lumapit siya sa kotse niya, "Hop in. I'll ride you to your destination."

"Paano bag papuntang heaven? Will you still ride me?"

Hindi siya nagsalita at pinagbuksan ako ng pintuan. Siyempre pumasok ako, sino ba naman ako para tatanggi sa free ride no.

Nakatitig lang ako sa kaniyang boung byahe, sino ba naman ang hindi titingin sa kaniya. "May girlfriend kaba?" tanong ko sa kaniya.

"Wala, how about you?" balik tanong niya.

"Wala akong gilfriend, wala din akong boyfriend. Magpapasko akong single."

"Me too,"

"Ay wala kading boyfriend? Sayang naman."

"I'm no gay but I respect LGBTQ+ Community so maybe for now, I don't have a boyfriend."

"Hm, you're still not sure ba?"

"I'm just talking probably in the future, I'll have one. We do not know how life works. Kahit na sure pa ang tao what gender talaga ang prefer nila, maybe in the future it will change. No one knows that is why I'm talking that maybe in the future, I'll probably have one. My future self will only know."

Napangiti ako, Finally someone who can understand.

"Btw, saan ka?"

"Doon lang sa may cafe katabi ng mall. Thank you."

"Okay."

Ilang minuto ang nakalipas ay nakadating kami sa destinasyon ko, malaki ang ngiti na sinalubong ko siya nung bumaba siya para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you, bayad kana doon sa banana cue," ani ko.

Ngumiti siya sa akin at nilapit ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod niyang ginawa.

Hinalikan niya ako sa labi at nanatili iyon ng ilang segundo bago pa siya humiwalay at matipid na ngumiti.

"I can not marry nor d-donate that but I think this will do?"

Marry Me, FatherOn viuen les histories. Descobreix ara