Chapter 6

23.3K 864 544
                                    

Chapter 6

Over


My heart did not calm after my converse with Leo. Hindi ako makapaniwala. I trusted him so much. So much I did not expect this from him. Kahit malabo, naniwala ako sa mga pinakita niya, at pinaramdam. It turns out na ginagamit niya lang pala ako.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. I was distracted while drawing arrows for the semi finals but I still managed to win. Pagkatapos ng laro ko ay umuwi kaagad ako.

I did not cry even one drop of tear. I don't find him worth it now to cry for. Kahit may parte sa akin na may tsansa na hindi totoo ang mga sinabi ni Leo, masakit pa rin ang loob ko. The talk between Leo opened my mind and sight to see and realize what he's actually doing.

Kaya naman pala nag-uusap pa rin sila ni Tasha. Kaya naman pala updated kay Tasha. Ang sakit sa loob. Kaibigan ko siya. Matalik na kaibigan tapos ganito? Hindi ko talaga matanggap!

"Wala ka sa mood, o mayroon kang problema?" tanong ni Jaya.

Kahit ayaw ko muna sana ng kasama, wala na akong nagawa dahil nandito na sila sa bahay. Rito sila matutulog dahil kuryoso kung anong problema ko.

"Hindi ko masabi..."

Maayos naman na ang kalagayan ko, hindi na kagaya kanina na galit na galit at abot-abot ang tahip ng puso.

"Kasi?" si Anikka.

"Kulang ka sa energy?" si Demi naman at natawa sa kan'yang sinabi. "Charot."

I sighed and leaned on my headrest. Gusto ko rin talagang magsabi sa kanila.

"Kilala niyo si Leo, 'di ba?"

"Oo! 'Yong kaklase natin noong elem?" sabi ni Anikka.

"Crush ka n'on noon. Ano'ng meron sa kan'ya? Bago mong crush ngayon?" si Jaya na tuwang tuwa.

"Hindi!"

"Ah..." reaksyon ni Demi.

Paano kaya kapag nalaman na nila. Ngayon ay maayos pa ang atmospera... Mamaya kaya pagkatapos kong isambulat ang nalaman ko?

"So, ano nga?"

Binalingan ko si Jaya.

"Sabi ni Leo... ginamit lang daw ako ni Vier para kay Tasha."

Nagsisimula pa lang ako, natahimik na sila. After seconds, different kinds of curses were released.

"Tang ina, kako na, e!" si Jaya na mukhang handa nang mangain ng tao. "Ramdam ko talaga na may mali sa kaibigan mong 'yon! Ayaw mo kasing makinig sa amin..."

"Wait lang, Jaya!" pigil ni Anikka, gusto pang marinig ang katuloy ng kwento ko . "Oh, tapos?" sabay baling niya sa akin.

Nakikinig lang naman si Demi pero lukot na ang kanyang ekspresyon.

I told them everything. Galit na galit sila sa nadinig. Gusto pa nga nilang sugurin na ngayon si Vier. They also tweeted shady reactions about how disgusting his actions were. Nakakatanggap ako ng mga mensahe kay Vier pero ni isa ay wala akong binuksan.

Masama ang loob ko sa kan'ya.

Tasha must be really special. I imagined how pretty she really is. Matangkad siya at maganda ang hubog ng katawan. She's matured, too, of her age. I also heard she's an achiever, samantalang ako ay tamad na tamad mag-aral.

I stopped thinking about her in an instant. Sa tuwing humahantong ako sa punto na ikinukumpara ko na ang sarili ko sa iba, tinitigil ko ang pag-iisip. It's not healthy. It's painful.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon