Chapter 28

22.2K 616 392
                                    

Chapter 28

Miserable



Our secret engagement later turned into a public one. It's all over the internet because of him. He posted a picture of my stolen picture on his Instagram with a caption 'engaged'. I was in an act of eating his homemade siomai so the ring was really obvious. Naging usap-usapan tuloy ako sa lungsod na alam ko ring umabot sa ibang lugar dahil sa impluwensya ng kanilang pamilya.

Chantal knew about it, too. How did I know? She messaged me a congratulation which I know is fake.

"Miss mo ulit, ano? Baka next month ulit ang uwi?" asar ni Mama nang ihatid ako sa unibersidad.

I shrugged with a smile. "Hindi ko po alam. Busy daw talaga siya sabi rin ni Tita."

She parked the car near the guardhouse. "Panatag ka na?" Hindi pa rin nawala ang pang-aasar ng mga mata niya. Bumaba pa ito sa aking daliri.

"Mommy!" natatawa kong sabi at binuksan na ang pinto. "Bye! Labyu," sabi ko.

"Labyu, too!" tawa niya pabalik bago ako tuluyang pumasok sa gate.

The ring really made me assured. Pero alam ko pa rin naman na kahit gaano ka ka-sigurado sa isang bagay, maari pa rin itong magbago, o... maglaho. Ang mahalaga ay klaro na sa aking hindi n'ya gusto si Chantal, at hinding-hindi niya magugustuhan. Iyon ang nararamdaman ko ngayon.

"She may have your eyes, but she will never have my heart," Xydon said before he went back to Dubai. Binulong niya 'yon sa akin kasunod ng matamis na halik sa sentido ko.

"Sangla natin 'yan! Bet?" asar ni Jaya habang tinitignan ang singsing ko.

Nasa library kami. Sa pinadulo kung saan hindi kami gaanong nasisita. Wala rin naman gaanong tao sa library dahil wala rito ang mga law students. 'Yon lang naman madalas nilang habol.

"Gusto mo ikaw isangla ko?" sagot ko.

Tumawa siya at pumalakpak. "Tignan n'yo. Tinginan n'yo! Na-engage lang, gan'yan na ang ugali."

Tumawa rin si Demi. "May naamoy akong naiinggit..."

"Katabi ko ba?" sabay ko sa pang-aasar ni Demi.

Jaya's face crumpled. "Dalawa kami ni Anikka ang katabi mo. Sino sa 'min?"

I was just laughing. Dinamay pa si Anikka na nagbabasa ng architectural book. Pakiramdam ko gusto niyang mag-shift.

"Tumahimik ka Jaya," seryoso si Anikka. Nagsulat siya sa kan'yang notebook.

"Sagutin mo nga ako, Anikka. May boyfriend ka ba?" diretsong tanong ni Jaya habang nakahilig sa lamesa. Pilit niyang tinitignan ang mukha ni Anikka.

Sumipol si Demi habang kumakain. Kumukuha siya sa loob ng bag niya. Roon din siya humihigop ng milktea na bigay ng kan'yang boyfriend.

Natigilan si Anikka. Ilang minuto bago siya sumandal sa kan'yang upuan. We were really silent while waiting for her to talk.

"He's not my boyfriend, but we do have casual relationship." Malamig ang naging labas ng mga salita sa kaniya.

Lumobo ang pisngi ko dahil sa narinig, bumagal ang nguya ni Demi sa kan'yang pagkain, samantalang laglag ang panga ni Jaya. Natutop ko ang aking bibig dahil sa gulat.

"Like... you just... do sex with him? No commitment?" Sobrang hina ng boses ko.

Anikka's eyes shot at me like telling me I was so stupid to ask that question.

"Kailan pa?" mas mahina ang boses ni Jaya. Malikot ang mga mata niya sa paligid. "Gaga! May condom naman?"

Anikka's face blushed. "Malamang!" mariin nitong bulong. "Bakit gan'yan ang mga mukha n'yo?"

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon