Chapter 26

21.2K 601 187
                                    

Chapter 26

Bothered 


Four hours backwards lang naman ang time gap kaya hindi naman ako gaanong nahihirapan.

"Nabigla nga ako kasi nag-suggest si Mommy na bumili na raw ako ng sasakyan. Magpa-driver lesson na rin daw ako..." Kausap ko si Xydon.

Inaalis ko ang peel off mask sa mukha ko. Nasa loob ako ng bathroom habang kausap ko siya, nakalagay ang cellphone ko sa isang tripod. Mistula akong vlogger dahil sa suhest'yon ni Demi noong nakaraang nakita niya akong nahihirapan sa pagsandal ng phone ko kung saan-saan sa tuwing tumatawag si Xydon. Regalo niya rin 'to sa akin.

"Can't you wait 'til I get back there?" tanong niya habang nakasandal sa kaniyang swivel. Sa kaniyang likuran ay ang glass wall kung saan kitang kita ang matatayog na buildings.

"Pwede naman... Pero pwede rin sigurong this year na lang?"

Napangiwi ako dahil medyo mahapdi. Tinapon ko sa trashcan ang natanggal nang mask at hinanda na ang moisturizer facial foam ko.

"I... want to be with you while you're doing it," he was serious, but then I still laughed. "Uuwi na lang ako."

Tumawa ako lalo. "I can be with my friends! At saka may pinsan naman si Kuya Dech na may-ari ng driving school."

Nang lingunin ko siya, kunot ang noo niya. Ang makapal niyang kilay ay halos magtagpo na. He was slowly squeezing his lower lip with his fingers.

"Lalaki?"

Tumango ako, wala namang pakialam kahit lalaki pa. Hindi naman ako apektado sa mga lalaki. I now have Xydon Montevinski and I'm completely contented.

"I know someone, too, baby. Ako na lang ang mag-aasikaso..."

I just can't stop laughing. I don't care now whether he's taking screenshots or screen recording.

"Tumigil ka nga. Kailan lang no'ng sinabi mo na ang daming pinapagawa sa'yo ng Daddy mo riyan..."

Kumuha ako ng bagong face towel sa cabinet at nagpunas na ng mukha.

Ngayon pa at licensed civil engineer na siya, mas lumobo ang responsibilidad niya. He's been making projects and he already has big projects that are pending.

"Wala akong tiwala sa mga lalaki. Isama mo si Rhione," suhest'yon niya at nag-iba na ang tono. Masyado kasing threatened. I can't blame him, though. I feel the same way often.

"Busy si Ate Rhione. Ayaw kong abalahin siya, Xydon..."

I tried to soften my voice just so he wouldn't feel bad. Simula kasi nang maging LDR kami, masyado siyang nalulunod sa overthinking niya. One time, I almost yelled at him, and he was so bothered. Baka raw magsimula nang magbago ang relationship namin. And I took it as a normal reaction because we're quite new to this...

"Uuwi ako. You can't change my decision about it. Basta uuwi ako," matigas niyang sabi, parang hindi na kayang tibagin.

Sinubukan ko pa ring baguhin ang desisyon niya pero iniiba niya ang usapan. Sa likod naman ng isip ko, hindi na lang muna yata ako mag e-enroll for driving lesson. Ayos pa naman ako sa paghatid ni Mommy at pagsabay-sabay ko sa mga kaibigan ko.

"Papunta na ako sa faculty..." medyo inis kong sagot kay Anikka nang tumawag sa akin.

Walang gaanong estudyante dahil for faculty rooms ang area na ito. Tahimik ang corridor, para akong nasa horror movie.

"Sorry talaga! Naiwan lang sa sasakyan ng kaibigan ko," tukoy niya sa flashdrive kung saan nakapaloob ang group presentation namin.

Bumuntong hininga ako at lumiko na para sa spiral stairs pataas.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon