Prologue

63.2K 1.1K 1.1K
                                    

PROLOGUE

Coincidence


Paulit ulit kong kinakanta ang bagong release ng paborito kong kpop group habang gumagawa ng assignment. Hindi ko nagawa sa bahay kagabi kaya ngayon ko ginagawa. Kadarating ko lang at ito kaagad ang ginawa ko. First subject ba naman kasi. Ayaw ko naman ma-special mention. 

Sasabihin na naman, 'iyong mommy mo dati, no'ng dito nag-aral, matalino at laging on time magpasa. E, ikaw? Anong nangyari?

Simple lang 'yon, pero minsan grabe ang epekto.

"Shit, may essay," wika ko nang ilipat ang pahina ng libro.

"Nood pa music video ng mga Koreano," parinig sa akin ni Jaya.

"At least 'yon, relaxing!" I reasoned out. "Itong assignments, hindi!"

"Weya, nasa labas si Vier, hinahanap ka yata..." ang isa kong kaklase na kapapasok lang galing canteen, hindi pa nga nagsisimula ang first subject.

Tumayo na ako habang inaayos ang aking buhok. Hawak ko ang ballpen ko para mukhang studious. Bumuntong hininga pa ako.

"Sino pa ba ang sadya ni Vier dito? Palagi lang namang Weya, Weya, Weya!" tawa ni Jaya, kaibigan ko, at seatmate na rin.

I shook my head and laughed with my friends. Naglakad na ako palabas ng classroom at naroon nga si Vier sa corridor, at nakasandal sa pasamano. Malapit nang magsimula ang first subject kaya wala ng gaanong estudyante na dumadaan. May ilan lang na nagwawalis sa corridor.

I smiled when I saw him.

His hair was clean-cut and that was hella attractive. Naka side view siya pero ang lakas pa rin ng dating. Flexed na flexed ang kanyang matangos na ilong at nakakagat-labi pa. Medyo basa pa ang buhok dahil hula ko ay kapapasok lang niya at iniwan lang ang bag sa classroom at dumiretso na sa 'kin.

I kicked his knee slightly just to get his attention. Nakuha ko naman kaagad.

"Stop doing that, will you? Naka skirt ka..." puna niya. Kunot ang kanyang noo ngayon.

I made a face. "Bakit ka na naman nandito? Ano na naman ang kailangan mo sa 'kin?"

He's my boy best friend. He always goes to me whenever he needs something. User!

He sighed and stood properly. Ang daya, pareho lang naman kaming grade eleven pero mas matangkad siya. Hanggang balikat niya lang kasi ako.

"Baka ma-late kami mamaya, may training ng basketball... Hintayin mo ba ako o sabay ka na lang kila Jaya?"

He's one of the valuable player of our campus. Siguro ako na pagtungtong namin sa grade twelve, siya na ang captain. Magaling naman talaga siyang maglaro. Hilig niya, e...

"Hintayin na lang kita," sabi ko dahil sanay naman na ako.

IIt has become my habit, ang hintayin siya tuwing practice niya. Wala naman akong problema dahil gusto ko rin na sa kanya sumasabay. I feel safe and happy all the time.

"Sure?" he asked while smirking and that was hot!

Tumawa ako. "Oo. Anong bago?"

Tumango siya at natawa rin. "I'll text you what time our training will end. You can go somewhere while waiting for me. Sunduin na lang kita kung saan ka..."

Tumango ako habang magkalapat ang mga labi. I waved my hand before he turned his back on me. Sa baba pa kasi ang room niya dahil magkaiba naman kami ng strand. STEM ako, ABM naman siya. Pumasok na rin ako kaagad dahil wala naman nang gagawin sa labas.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon