Chapter 42

37.8K 882 352
                                    

Hello! Just like MAB, Fazed Arrow will also end with chapter 42 and will proceed to the epilogue. Please be patient waiting for the epilogue since it would be divided into three parts. For now, enjoy this final chapter! Thank you so much, my dreamcatchers! 


Chapter 42

Worthwhile 


"Congratulations for finishing your formal training." Niyakap ako ni Chantal paglabas ko sa Hospital dahil aniya'y nasa labas lang siya. "I'm sorry, ngayon lang ako nakabati sa personal."

I already finished my residency last month. After working overnight in the hospital, spending so many hours documenting patient's histories and their current conditions, I'm now officially a pediatrician. It's now official! I'm still overwhelmed.

"Thank you. Ayos lang naman. You greeted me on the phone." At saka ako umatras pagkatapos ng isang yakap. "How's the operation?" I asked again.

Pumunta kasi sila sa US para sa panibagong heart operation ni Daddy. Palagi naman akong nanghihingi ng update sa kan'ya, pero ngayong nakauwi na sila, gusto kong malaman kung kumusta na siya...

Her eyebrows raised as she sighed. "Thank goodness, it's successful. Daddy is strong," utas niya at ngumiti. "Do you have any celebration? O, tapos na?"

Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa ng aking medical coat. "There was a simple dinner last month. We're planning to have a vacation. Do you wanna come?"

Her lips stretched for a pout. "I wish, Ate! Kaso kailangan ni Daddy ng assistance. He barely likes being assisted with nurses. Mas gusto n'ya na kami ang umaasikaso sa mga kailangan niya..."

Tumango ako. Sasabihin ko sana na pwedeng sumama si Daddy, kaso hindi pala pwede. He's still recovering so it's not possible. Mapapagod lang siya sa byahe.

'Yon lang ang naging sadya ni Chantal. Nag-abot din siya sa akin ng malaking paper bag na punong-puno ng mga souvenirs at mga pagkain. Bigyan ko na lang din daw ang mga kaibigan ko. She couldn't give it to them since my friends still kinda hate her.

I stayed in the ER to check some patients. I've been working overnight since I filed a leave of absence. We're going to Hawaii for some days to unwind. Kasama namin sina Xydon at ilang Montevinski. Doon kasi nakatira ang isa nilang pinsan. Sa totoo lang nakaka-konsensya na magbakasyon kahit sandali lang. But then, I thought, I also need time to rest and enjoy.

Tumawag si Xydon nang lunch break na. Agad kong nasagot dahil nasa opisina lang naman ako.

"Are you eating now?" he asked.

Sumandal ako sa swivel chair ko. "Kakain pa lang." Tinignan ko ang dinala niyang lunch boxes. "Why?"

I heard a sigh. "I'm here in the basement. Do you want to visit the site?"

"Hmmm," sabi ko dahil nag-iisip. May pasyente ako mamaya. "Magtatagal ba tayo?"

Madalas kasi kaming magtagal sa tuwing pumupunta sa M Prime. Nakakaaliw naman kasi ang lugar, at ang dami kong tanong kaya explain siya nang explain. I also love seeing his eyes so proud everytime he answers.

"Let's just check the house?" nagbabakasali ang kan'yang boses. "Before we leave for Hawaii?" subok niya pa.

"Alright," bulong ko at inayos na ang gamit ko.

Hindi ko pinatay ang tawag at gano'n din siya. Pagbaba ko ay nakita ko siyang kausap ang isang gwardya. He seemed serious so I slowed down. Ilang segundo pa ay tumango ito at ngumiti. He found my eyes and he smiled. Malayong malayo na ang ekspresyon niya sa kanina. Pinatay ko na ang tawag.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon