Chapter 27

21.2K 772 341
                                    

 Warning: mature content ‼️


Chapter 27

Want



"Is there something wrong? Pinapa-check ka ni Kuya," bungad ni Ate Rhione pagbaba ko mula sa library. "Pasensya na kung hindi pa siya nakakauwi. Hindi siya pinapayagan ni lolo dahil marami siyang pending projects..."

Bumalot ang kahihiyan sa 'kin. Bakit ba kailangan niya pang mag-sorry? It's not her fault...

"Okay lang naman, Ate Rhione..." Hiyang hiya ako na nagawa ko pang magkamot ng ulo.

"Let's have a fruit tea later?" ngiti niya.

Ate Rhione is really pretty. Parang carbon copy ng Mommy nila. She has a perfect arch brows I usually see in hollywood movies. Her lips are naturally pinkish and quite thin. Matangos ang ilong pero maliit. I don't know why I like girls who have this kind of nose. It's so attractive for me... Halos magkasing tangkad lang kami, at ang kaniyang buhok ay humihinto sa itaas ng kaniyang balikat. She had a haircut just few days ago. Dati kasi, hanggang baywang ang buhok niya.

Should I have my hair cut, too? It's long now...

"So..." aniya sa aming table.

Hindi ako nakasama sa mga kaibigan ko dahil kay Ate Rhione. Nararamdaman kong gusto niyang malaman lahat kaya kinuwento ko talaga lahat. I feel so comfortable with her presence. Parang nakatatandang kapatid ko...

"Talaga si Kuya!" umalon ang maganda nitong kilay at naningkit ang kaniyang hugis almonds na mga mata.

"Hanggang ngayon hindi niya pa rin sinasabi sa akin, Ate," para akong batang nagsusumbong sa kaniyang Ate.

Hinawakan niya ang sentido niya kaya natawa ako. Hindi niya kasi bagay ang magseryoso.

"Torture him, too! Hindi ko alam kung bakit gan'yan si Kuya! Palagi na lang siyang nahihirapan umamin... To be honest, malakas kasi talaga 'yan mag overthink. Maybe he thinks you're going to break up with him upon knowing the news..."

Nakagat ko ang labi ko habang ninamnam ng isip ko ang nadinig. Maybe, it's really true that overthinking just always get the best of him. Pero hindi dahil naiintindihan ko, dapat ko nang ipagsawalang-bahala ang nararamdaman ko. I still believe that my feelings are valid.

"Sino pala 'yong lalaking palagi niyong kasama?"

Sasagot pa lang ako, nagsalita na ulit siya.

"I'm sorry for intruding, a? Nagtataka kasi kaming magpipinsan."

I chuckled but the thought that their cousins are talking about me registered in my mind. I guess it's normal? Our friends talk about random people as well.

"Kaibigan po namin, Ate Rhione. Pero ako ang unang naging kaibigan. Elementary days..."

Tumango siya. "Childhood sweetheart?" taas ang dalawang kilay niya habang nakangiwi.

I laughed. "Ew, Ate! Jas is just a friend. We actually hated each other before!" sabi ko.

She laughed with me. "Si Tiago kasi, sabi niya childhood sweetheart daw kayo dahil halatang halata sa closeness."

"Alam mo naman si Tiago, Ate Rhione..." I said, feeling stressed. Natawa siya sa akin.

I never thought I'd like Jasro Madrigal. He's just a friend. And also, I don't think I still would like another man other than my man. I love Xydon even with his flaws.

Pabalik na ako sa library nang buksan ko ang messages ko. My eyebrows raised for a moment upon reading Xydon's messages.

Xydon:

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon