Chapter 41

33.8K 770 246
                                    

Chapter 41

Wedding



"Stop replying to Kuya, Weya. They're also enjoying the bachelor's party," hila sa akin ni Cheonsa nang makita ako sa poolside na nagtitipa sa cellphone.

Yes, I was replying to his brother. Panay kasi ang message sa akin, nagtatanong kung anong ginagawa namin. Bagot na bagot na raw siya. Magkita na lang daw kami. Ano, Romeo and Juliet?

Bachelorette party ni Cheonsa ngayon. I was forced to attend since I won't be able to be part of the wedding. Dadalo lang ako dahil hindi kaya ng schedule ko ang mga practice schedule at pictorials.

Pumasok kami sa loob ng bahay. Nasa villa kami ng mga Montevinski sa Tagaytay. Obviously, all girls. Nandito ang mga pinsan niya, kaibigan. Montevinskis' women, too. Kesian is here, too.

Naupo kami sa loob ni Cheonsa. Kaninang umaga, nagkaroon kami ng brunch party. Nag-spa na rin kami sa roof deck at ngayon ay may surpresa sina Ashanti sa kan'ya.

Biglang nagkaroon ng neon lights sa living room. Maingay ang mga babae. I'm loud, too, sometimes. Madalas kong kasama si Kesian, Rhione, Sachi at Cheonsa. Nasa malaking sofa kami ngayon habang nasa harap si Ashanti at Maddizon bilang emcee ng event.

"We heard that the boys are having fun there!" medyo bitter ang boses ni Maddizon. "So, of course we're going to have fun, too! And hello, enjoy mo na ang mga nalalabing araw mo!" sigaw nito kay Cheonsa.

I chuckled at that. Maddizon is a bit drunk now. Kanina pa sila umiinom, e. Ako naman ay sakto lang.

"Nalalabing araw? Ano, mamamatay—"

"Kesian!!" the girls shouted in unison.

My laugh became louder.

"What?" natatawa si Kesian. Uminom na lang siya ng shot at umaktong zini-zipper ang labi niya.

"Anong pakulo niyo?" tanong ni Ate Rhione galing sa kusina. Tumabi siya sa akin at inabutan ako ng strawberry.

"Thanks," I said.

"The question is, are you all ready to welcome the fun now?" nagpipigil ng tawa si Ashanti. "Hindi kaya sunduin nila tayong lahat dito?" bumulong siya kay Maddizon, pero dahil naka-mic siya, narinig naming lahat.

Tawa kami nang tawa.

"Mooze will really get mad at this," sabi ni Ashanti at umiling. "Okay! Let's all welcome our fun tonight!"

I don't have any idea what's about to happen. I just know that I'm enjoying the party. Bigla na lang dumilim. As in, walang kahit na anong ilaw ang naiwan. Sinubukan na magbukas ng ilaw ni Cheonsa pero mabilis siyang sinigawan ni Maddizon.

"Stop doing anything!" si Maddizon 'yon.

We could only hear murmurs. Parang may pinapasok silang kung ano at nahihirapan sila. May namumuo tuloy na excitement sa akin. This is my first time attending a party like this. Wala pa naman kasing kina-kasal sa aming magkakaibigan.

"Parang mga tanga," bulong ni Ate Rhione. "Ano ba 'yan?!"

"Shut up, Rhi!" sigaw ng dalawang emcee sa kaniya kaya natawa na naman kami.

Parang hirap na hirap ang dalawa sa pag-handle. Ilang minuto pa nga ay bumalik na ang mga neon lights. May malalaking karton na sa harap namin. Pito ang karton at parang alam ko na ang mga laman nito.

The music started and the boxes opened one by one, revealing men from inside it. Humiyaw ang ilan, napamura naman ang iba. Nanlaki naman ang mga mata ko habang nagsasayaw ang mga lalaki habang lumalabas sa karton.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon