Chapter 40

36.1K 764 338
                                    

Chapter 40

Stay



Para akong naka-rehistro sa isang feeding program dahil sa ginagawa ni Xydon. Breakfast, mayroon. Lunch, mayroon. Snacks, mayroon. Madalas pa siyang mag-imbita ng dinner.

Lahat ng pagkain ay siya mismo ang nagdadala. Kapag nasa kalagitnaan ako ng pagche-check ng rooms, iniiwan niya na lang sa kung sinong nasa opisina namin.

We're good. We're getting better everyday. Matagal na rin noong nag-usap kami sa M Prime. Simula no'n, nagsimula na kaming magkaayos. Tho, minsan mayroon pa ring ilang sa akin.

"Wala na ang JaYa love team ko? Buwag na?" Umarteng umiiyak pa si Jaya. "Talo si Jasro."

"Anong buwag? Never namang nabuo?" ako.

"Here we go again!" madiin na bigkas ni Jasro, pikon na kaagad.

"Talo kay Weya, pero panalo sa bagong doktora," tawa ni Demi habang kumakain ng mangga.

"Haha," sarkasmo na lang ni Jasro at sinuot ang specs niya habang nagsusulat sa kanyang folder.

"Ikaw naman, Demi, ang asim asim na rito sa loob. Mahiya ka naman sa mga senior physicians na napapadalaw rito!" Umiling si Anikka habang lukot ang mukha.

Natawa ako. It's true! Ang asim-asim ng opisina namin dahil sa mga cravings ni Demi. Madalas pa rin kasi siya rito sa hospital kahit malapit nang manganak.

"Para diretso na ako sa delivery room kung sakali!" ang laging rason niya sa amin kapag pinagsasabihan na sa bahay na lang muna siya.

Binuksan ko ang lunch galing kay Xydon. Hindi na ako nakakalabas ng hospital tuwing breaktime dahil sa mga padala niya. Gusto ko naman kasi lahat ng pagkain na bigay niya.

"Marupok!" pasigaw galing kay Jaya nang mahuli akong lahat ang labi ko.

May letter kasi sa lunch box. "Eat well and take care of yourself. I love you, doc. :)." Iyon ang nakalagay! He always says he still loves me every time we talk seriously, pero nabibigla pa rin ako.

"It's not bad, Jaya. May mga puso talagang isa lang ang hanap. Kahit maraming iba, isa lang talaga..." si Demi at nagkibit-balikat.

Tumawa si Jaya. "Lahat tayo naka-relate maliban kay Jasro. Si Weya lang talaga, pero ang bagsak ay sa ibang doktora pala!"

Natawa rin ako roon samantalang bwisit na bwisit si Jasro. Yes, Jasro liked me. We had a truth or dare challenge for Jaya's vlog. Everything was spilled on that video, hindi nga lang kasama lahat ng impormasyon. And her fans have been shipping us together.

Bumukas ang elevator, pababa ako para puntahan sina Rios sa basement. Uwian na nila at may gusto raw sabihin sa akin ang bata. I was still in my white coat when I went to them.

"Tita doc!" Tumakbo ang bata sa akin na sinundan ng yaya nito.

"Rios, Tita said stop running, 'di ba?" ang mas matandang babae na hawig ni Kesian. Mukhang nagmana rin sa Mommy niya na mataray.

My face surely turned bright. Niyakap ni Rios ang baywang ko.

"Tita doc! Bukas na ang theater play namin. Will you please watch? Please? Please?" he said, begging.

He's now learning tagalog, huh? Ang cute tuloy nang pagkasabi niya. I looked behind them kung may Montevinski ba na nakakatanda pero wala. They're just with their yayas...

"Bukas? Anong oras?" I asked sweetly.

"Hmm..." he started thinking while swaying our hands. "Zeria, Zeria!" tawag niya sa pinsan niya.

Fazed Arrow (The Athletes #2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon