MBD 10: The reunion 1

6.8K 191 2
                                    

"Mami where are you going?" Tanong sakin ni Summer.

"I'm going to a reunion." Pinapaliguan ko si Summer ngayon at nagpaalam na ako na baka gabihin akong umuwi.

"Reunion? Who's with you? Can i come?" Sunod sunod na tanong niya.

"I'm with my old friends. No baby you cannot come. Adults only." Sumimangot naman siya.

"Just take care okay mom?"

"Yes baby." Pinunasan ko na siya ng towel at lumabas sa banyo.

"Ma! I'll take a bath also!" Salubong ni Rain saakin nang nakanguso. Ang cute ng baby ko. Tapos nakahubo na talaga siya.

"Baby Sam, wait up here okay?" Sabi ko kay Summer. Pinaliguan ko na rin si Rain. Ang kulit kulit nga. Kesyo may kiliti raw sya dun, may kiliti dito.

Pagkatapos, binihisan ko na yung kambal.

"Here's your snacks. I'll just get ready." Abot ko sakanila ng sandwich at pinaupo sa kama. Manonood daw sila ng Finn and Jake.

Naligo na rin ako at nagbihis. Hihintayin ko pa sina Alina o Art, o kung sino man mauunang umuwi sakanila. Walang maiiwan sa mga bata kung aalis nalang ako.

Tinawagan na ako ni Ali. She'll be home in 30 mins daw. Dumating na si Ali at nagpaalam na ako.

"Babies, behave okay? I'll be back. Muah." Kiniss ko sila parehas at patuloy pa rin ang panonood nila.

Mahigit one hour ang byahe papunta sa Tagaytay. Ewan ko ba kung bakit ba Tagaytay ang naisipan nilang venue. Maaga pa naman ako kaya I won't be late.

~

"Sofia! Ikaw na ba yan?"

"Omg! Sofia! Tumangkad kaaaa."

"Sofia ang sexy mo na! Kaya pala patay na patay sayo si Ray!" Hindi nagkanda ugaga yung mga girls nung nakita ako. Parang celebrity naman ako nito -_- nginitian ko lang sila. Halos karamihan hindi ko na maalala yung mga pangalan eh. Pero may mga natatandaan pa rin naman ako.

Pero teka, bakit parang karugtong na ng pangalan ko yung Jinray. Di na natigil mga tao eh.

Pagpasok ko sa loob, maraming lalaki ang nag iinuman. Hindi pa nga nag sisimula pero yung ritwal nila kanina pa nag umpisa.

"Wow! Chix. Oy Xeira. Sino yan!?" Tanong nung isang lalaki

"Gago tol! Si Carbonel yan." Sabi naman nung matabang lakaki. Tanda ko sya! Binubully ako niyan dati. Ang liit ko kasing tao dati. Kaya ayan, lagi akong nabubully. Buti nalang nag-heels ako ngayon. Medyo mukhang matangkad na ako. Hihi *smirk*

"Talaga? Yung ka-M.U dati ni Grande?" Yung naunang lalaki. Oo nung highschool kami, M.U palang kami. Tapos naging official kami eh college na.

"Mismo!"

Duh andito ako. Uso tanungin ako. Hindi ko naman kasi sila kaklase dati. Lahat kabatch namin andito, hindi lang mga kaklase namin.

Nagsimula na yung program. Nagkantahan tapos yung iba hindi naman nakikipag cooperate. Si Xeira yung tumatayong leader. Sya rin yung speaker and all. Kina-career nya talaga haha.

Nasa kalagitnaan ng speech ni Xeira bumukas bigla yung pinto. Tapos inagine parang may lighting effect. Yung parang kukunin ka na ni Lord pero nakakasilaw. At lumitaw ang apat na adonis mula roon. Parang F4 ng Meteor Garden o Boys Over Flowers.

"Omg!! Buo pa pala sila!!"

"Ang gwapo pa rin ni Ray! Nagmature yung mga itsura nilaaaa! Kyaaaah."

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now