MBD 17: Sugar Coated Honey

6.4K 183 10
                                    

Chapter 17: Sugar Coated Honey

"Kausapin mo ako Pia!"

"Sinisigawan mo ako!? Ikaw pa ang may ganang sumigaw. Shut up. Wala tayong pag uusapan pa!"

Tinalikuran ko siya at sumakay sa kotse ko. Di ko na tinapos ang in-house seminar na 'yon. At wala naman akong natutunan kundi ang magalit, mainis at magtanim ng sama ng loob. Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi na sana ako pumunta sa seminar na yon.

~

Nakarating na ako sa condo ko. I was about to type the pin nang bumukas na ang pinto. I was totally shocked. Feeling ko nga naka-nga nga ako eh.

"Bibig mo. Hon." Napatawa ang lalaking nasa harapan ko. OH. EM. GEE.

What is he doing here!?

"HON? IKAW BA YAN?" Sa sobrang gulat ko ay sumisigaw na yata ako. Niyakap ko siya at pinaghahalikan sa pisngi.

"Jusko hon! Namiss kita!" Sabi ko nang nakayakap pa.

"Haha. Halata nga eh. Punong puno na ng laway mo ang pisngi ko. Adik ka!" Pinunasan nito ang pisngi niya ng palad niya. Ang arte talaga, ke lalaking tao. Pumasok na kami sa loob ng condo.

"Pinapasok ka ba ni Art? Pano ka nakapasok?"

Madaling araw pa lang kasi. Sinadya ko talaga umalis dun ng maaga para hindi na maabutan pa si Jin. At sa kasamaang palad, inaabangan nya pala talaga ako.

Tulog pa yata ang kambal ko at si Art, eh.

"Nope. They are still sleeping. Naalala ko lang yung araw na nagkakilala tayo tapos ayon, gumana nga. Ikaw ha. Masyadong importante ang araw na yon sayo, ah." Tinukso pa ako! Hindi ah, kapal nitong si Hon.

"Pati encyclopedia mahihiya sa sobrang kapal mo! Hahaha. Gagu. Birthday ko kaya yung araw na yun kaya sympre mahalaga sakin yun."

"Talaga? Akala ko kasi eh! Hahaha."

Naghanda na ako ng almusal namin. Sigurado ako kapag nakita ni Art si Gio-Si Hon, ay magtatalandi na naman yon.

Maya maya pa ay may kumalabog na sa taas. Gising na yata sila.

"Beks nandyan ka na ba?! I can smell-OMG!! GIOOOOOOOOOO MY LABS!"

Aba. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Napahinto sa pagsasalita si Art nang makita si Gio na nakaupo sa dining chair at dinamba ito nang yakap. Ngayon ay nakaupo sa lap ni Gio ang baklitang ito.

"Yung mga bata magising. Namiss mo rin ako? Hahaha ano ba yan. Ang gwapo ko talaga!"

Oo, ang gwapo talaga ni Gio. Ang yabang nga lang. Parang si Jin. Oh why am I saying his name? Naiinis ako sakanya!

Binatukan ito ni Art.

"Gagi! Kapal fes, ah! Namiss lang pero hindi gwapo. Hahaha joke joke! Why are you here ba? Yie namiss mo rin ako, ano?" Kinikilig si Art. Aba, bakla talaga.

"Sorry to say pero si Hon ang namiss ko."

"Ay! Aray ko po! Ang puso ko. Ouch!"

Kunwari nasaktan si Art at tinamaan ng kung ano ang puso niya. Nakahawak ito sa dibdib nya at feel na feel pa rin ang pagkakaupo sa lap ni Gio.

Tinawanan ko na lang ang bakla.

"Umalis ka nga sa lap ni Hon! Mahiya ka naman. Sabi ko sayo eh, akin lang si Hon!"

Sabi ko sakanya at tinutok ko pa yung spatula sa harap ni Art

"Aba ateng! Swapang? Sayo na nga si Fafa Jin. Pati ba naman si Fafa Gio, sayo pa rin? Ganda mo, ah!" Sarkastikong sabi ni bakla. Nagulat naman si Gio sa sinabi ni Art. Naupo na rin si Art nang maayos at umalis na sa lap ni Gio.

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now