MBD 19: Beautiful Goodbye

5.5K 151 6
                                    

JIN'S POV

"Pre, ba't ka pa nag iinom dyan? Akala ko ba okay na kayo ni Pia?" tanong sakin ni Jigs.

Akala ko nga rin eh.

Hindi pa ako nakakabawi ng oras sa kambal kahit nga makilala nila ako ay hindi pa dahil sobrang busy ko sa Mall ngayon. Araw araw na lang may meetings. Walang tapusan.

Tapos dadagdag pa si Sofia sa iniisip ko.

"Yun nga pre eh. Akala ko rin. Kanina nakita ko kasama si Gio ang sweet! Sakit sa mata eh! Tsk."

Alam ko nag usap na kami na yung mga bata muna ang aayusin ko pero nilinaw ko naman sakanya na I can multitask!

Hindi ba siya marunong maghintay?

Hindi naman kami magkaaway ngayon pero ako 'tong problemado ngayon. Ako lang naman ata yung may problema dito eh.

"Tama na yan pre. Wag ka masyado maglasing. Mamaya na yung gig natin."

"Buti pinaalala mo pre."

Muntik ko na makalimutan mamaya na pala yung first gig namin. Pupunta kaya si Sofia?

Tipsy na ako pero alam ko pa ginagawa ko. Alam ko pang kinukuha ko cellphone ko para itext siya. Di ito drunk text ha kasi alam ko pa talaga. Alam ko pang tinetext ko siya na kung pwede ba siya pumunta sa gig mamaya. Alam ko pa.

Lasing na ba ako?

~

"Pre, gising na. Practice na tayo. Malapit na magbukas yung bar." Naalimpungatan ako sa paggising sakin ni Niel. Nakatulog ata ako.

Hawak ko pa ang cellphone ko pero deadbatt na. Bumangon na ako, nagpunta sa stage, kinuha ang gitara at nagsimula na kami magpractice. Medyo okay naman na ako. Masakit lang yung ulo. Siguro dahil na rin ito sa alak.

Sofia's POV

Kakauwi ko lang galing sa Mall Branch. Ang kulit talaga nito ni Gio. Sabi ko ng wag na ako ihatid pauwi, he insisted talaga!

Nilinaw ko na rin sakanya yung tungkol samin ni Jinray na baka magkaayos kami para sa mga bata at dahil may nararamdaman pa ako sakanya ng kaunti. At ayaw kong paasahin si Gio.

Pero sabi nya nga, "It's okay. Let me do this hanggang wala pa akong nahahanap na babae para sakin. Promise, di ako aasa."

Gusto nya lang daw maramdaman ko na andito lang siya para saakin kahit kaibigan lang. I'm happy with that.

*message received*

From: Jin

| May gig kami mamaya. Punta ka? |

Gig??? Nagbabanda na ba siya?

To: Jin

| Where and what time? |

If ever pumunta man ako, first time ko ulit siyang makikita tumugtog after severaaaaaaaal years. Oo OA yung several kasi highschool pa yung huli kong rinig na tumugtog siya.

I tried calling him pero di niya sinasagot and out of coverage area siya. So si Jigs na lang tinawagan ko.

"Yo wassup, mi lady!"

"Mi lady ka dyan! Andyan ba si Jin? Di kasi siya sumasagot eh. May itatanong lang sana ako."

"Long time, No talk Pia. Pero yes andito siya. Nakatulog ata naglalasing kanina eh."

"Huh? Naglalasing?"

Tirik na tirik yung araw, naglalasing? Ano na namn bang nangyayari sakanya?

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now