MBD 16: Bitch on the Beach

6K 175 12
                                    

Chapter 16: Bitch on the Beach

"Mama! Why did you leave?" Naririnig ko ang iyak ng kambal ko. Kagigising lang siguro nang mga ito.

"I'm sorry baby. I have work. Uuwian ko na lang kayo ng sand castle!" Pagbibiro ko sakanila. Kausap ko lang kasi sila sa phone.

"Really? I want a big one!" Ani summer na paniwalang paniwala naman.

"Do you think mom can bring that? No! Ma! Bring home crabs!" Sigaw ni Rain sa kabilang linya. Nag-aagawan na yata sa telepono ang kambal.

"Beks mamaya na lang. Nag-re-wrestling na ang mga anak mo! Kaloka. Referee pa pala ganap ko ditey. Gtg. Byeeee."

Napasapo na lang ako sa noo. San ba nagmana ang mga anak ko? Hindi sakin no! Hindi ako pala-away. Hmmm. Siguro, medyo lang.

~

"So! Hapon ngayon pero hindi na masyado maaraw so it's time for some games! Kahit medyo tandaers na ang iba rito—sorry for the word. Let's have some fun!!" Masiglang sabi ng Emcee. But na lang at hindi natatamaan yung mga ego ng medyo oldies na sa sinabi nun na tandaers. Ouchie yun, ah.

Grinupo kami sa apat. At dahil 40 eksakto ang attendies, tig-sasampu bawat team.

May dalawang set ng games lang daw at may price na cash. Nangningning naman yung mga mata namin. Aba, sympre cash 'yon.

Naigrupo na kami at sa kasamaang palad nga naman. Ka-team ko pa ang dalawang hitad na 'to. Ano ba yan. Nabibitter na ako. Kailangan talaga palaging magkasama sila? Hindi pupwedeng paghiwalayin? Jusko.

"Hi teammate! Good luck to us. Oh my gee."

Ay jusko. Lalong nag-init yung ulo ko. Ang landi ng tono. Okay kumalma ka. Kunwari walang Joy na super ingay.

"To build the cooperation sa bawat isa—you are going to build a sancastle. A big one."

May nagpito na at meaning, simula naaaaaa!

Kakasabi ko lang ng sandcastle kanina, eh eto na nakahain na game samin. Edi wow.

Nagtakbuhan kaming lahat papunta dun sa mga tools like maliit na timba, deeper at kahit anong makakatulong samin. Medyo okay naman ang mga kagrupo ko, maliban sa babaeng iyon. Sitting pretty ba. Ay gandaaa -_-

"Hoy Joy! Tumulong ka naman!" Sigaw nang isang babae kay Joy. Hindi naman talaga ito nakikipag cooperate.

"Go. I-chi-cheer ko na lang kayo! Pagpapawisan ako dyan eh, saka iitim ako. Goooooo!"

Hindi lang pala ako ang naiinis sakanya, halos lahat. Ewan ko ba kung anong nagustuhan dyan ni Jin.

Takbo doon. Takbo dito. Kuha ng buhangin. Design. Gawa.

Nakakapagod. Yung ibang grupo matatapos na at ang lalaki pa! Ang gaganda pa! May time limit lang kasi. 10 mins lang dapat at last 5 mins na lang. Sana naman tumulong na yung babae.

"Okay okay tutulong na ako!" Tumayo na ito at kumuha ng timba. Poise na poise sya sa pagkuha ng buhangin. Akala mo naman may germs. Naglakad lang ito papunta sa pwesto ng sandcastle ng grupo—akala mo nasa Luneta Park. Ang bagal maglakad. Grabe, nakakatulong sya.

"Bilisan mo naman Joy!" At sa unang beses, sinigawan na sya ni Jin. Mukhang natakot ito ay binilisan ang lakad—pero lakad pa rin.

"Waaaah!"

"Aaargh!"

Napalingon kaming lahat sa sumigaw na babae.

Anak ng!

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now