MBD 18: Why

6.2K 186 18
                                    

MBD 18: Why

"Ninong Gio, barbie please!"

"Ninong Gio, cars!"

"Ninong, dress. Hihi."

"Ninong, robots and cars!"

"Ninong!"

"Ninong!"

Litong lito na si Hon kung sino ang uunahin niya, kung si Summer ba o si Rain. Napakamot na lang ito sa batok niya.

"Babies, wag nyo i-pressure si Ninong Gio nyo baka hindi kayo bilhan niyan." Biro ko sa dalawa. Nagkatinginan naman ito at sabay pa itong napatakip sa mga bibig nila.

"Hon, wag mo namang takutin yung mga bata. Dahan dahan lang kasi Summer, Rain, okay ba?"

"Yes Ninong!"

Natawa na lang ako sa mga inaakto ng mga bata.

"Okay, here's your cart babies kunin nyo yung gusto nyo, diba Hon?" Pinanlakihan ko ng mata si Gio. Alam niya naman kasi na unlimited kung kumuha ang mga bata at baka maubos na naman ang laman ng ATM niya.

"Hon naman. Haha pero sige lang."

"Ma! We can't push them! Ang laki po." Reklamo ni Rain. Ganun din si Summer. In the end, kami nalang yung nagbitbit ng cart nila.

"Lahat na ba andyan? Baka may pahabol pa kayo?" Tanong ni Gio.

"Wala na po. Thank you Ninong. Mwa!" Kinarga ni Gio si Summer at hinalikan siya ni Sam sa pisngi.

"Sir, Ma'am. 5,030 po." Naglabas ng ATM Card si Gio at binigay sa cashier. Medyo matagal kami sa counter kasi ang daming toys, damit, sapatos ang binili ng mga ito. Isang buwan ata kami hindi bibili ng gamit nila, eh.
"Hon, teka lang. I'll call some help to bring that to the car." Umalis si Gio at nagpunta sa Services.

"Mrs. Andres, eto na po yung card ni Mr. Andres." Nakangiting abot sakin ng card ni Gio. Nagulat naman ako kasi Mrs Andres ang tawag niya sakin.

"Ay hindi pa ako Mrs. Hindi ko naman siya asawa. Haha." Awkward na tawa ko. Bakit ko ba tinatangi eh wala namang pakialam yung cashier diba?

"Hon! Let's go?" Hinawakan ko na ang kamay ni Rain at sumunod kami kina Gio.

"Oh eto na ang card mo Mr Andres. Handed to you by Mrs Andres, allegedly. Hahaha."

Nagulat naman si Gio sa sinabi ko.

"What? Hahaha. Ikaw ha. May HD ka sakin!"

"Asa ka, hon! Sabi kasi nung kahera Mrs Andres daw ako. As if! Hahaha."

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now