MBD 15: In-House Seminar

6.4K 177 1
                                    

SOFIA'S POV

"Beks, ikaw na bahala sa kambal ha?"

"What's new? Hindi tuloy ako makakagala! Ikaw ha. Doble sahod na 'to." Ay aba hinampas pa ako.

"HAHAHA. Salamat talaga beks. I have to go na talaga. I'll be late. Bukas ang balik ko morning."

"Oh sya gumora ka na! Babayu! Labyu!"

May In-House Seminar kami sa Batangas. Hindi ko alam kung para saan pa 'to eh botique shop lang naman ang meron ako. At hindi na rin ako magtataka kung nandun sa seminar na yon si Jin. Future-CEO na sya ng mall eh.

Kailangan by 7am nandun na kami so hindi na ako nakapag paalam sa dalawang chikiting ko.

Before 7 am, nakarating na rin ako. Nasa isang resort kami. May cottages, beach, whitesand and all. Parang outing lang eh.

"GOODMORNING! Let's gather here. All of you, ladies and gentes, come over here." Sabi nung host

Nagsilapitan na rin naman kami.

"So ito ay isang In-House Seminar. Isang araw lang naman ito. Para saan nga ba ang seminar na ito? It is for us to learn some tips para mapalago natin yung business natin."

Nag-"owwww" naman yung mga tao. Kung magbabase ka sa itsura ng mga tao dito, masasabi mong lahat may kaya. Lahat may negosyo.

"Para sa cabins, andon sa board ang room number nyo at mga roomates nyo. Hiwalay sympre ang lalaki sa babae. You will be back after an hour. Thank you."

Tiningnan ko ang room number ko.

No. 13

4 na tao sa isang room. Pagdating ko sa room, nandun na sila. Mukhang mababait naman. Binati ko sila then, they greeted back.

Inayos ko na nang madalian yung gamit ko at lumabas na.

"Buti na kasama ka." Nagulat ako sa nagsalita. Anak ng kalabaw! Kung magugulatin lang talaga ako nang sobra eh baka namura ko na 'to.

"Hindi ka naman mahilig manggulat ano? Bigla bigla ka nalang magsasalita out if nowhere. Para kang kabute!" Sabi ko sakanya

He just laughed at me, i think. "Bakit? Kapag ba nag-Hello pa ako, eh Mag-Ha-Hi ka?" Inayos nito ang lens ng DSLR nya at nagshot ng isang photo.

"Ang ganda ng lugar diba?" Sabi niya. Tumango lang ako. Natatanaw namin yung beach from here.

"Parang nung sa College lang." Dagdag nito. "Do you still love beaches?"

Double meaning ba yon? Yung beaches na dagat o bitches na tao?

"Yep. Ikaw ba? Do you still love bitches?" Tanong ko sakanya na may tono.

"Hm. May ibig ka bang iparating sakin Ms. Sofia?"

"Wala ah. Baka ikaw."

Nagmaang-maangan kuno ako. Naalala ko nung College kami. Every weekend nasa mga beaches kami. Iba't ibang beaches. Fascinated na fascinated talaga ako sa mga dagat. Parang napa calm ng utak ko pag nasa dalampasigan ako. Kaya paubusan kami nang naiisip na beach na pupuntahan.

Memories are memories. Just hold them back. Wag mo ng balikan.

Naglakad ako palapit sa dagat. I heard a click on his cam. I took a picture of me. Stalker pa rin ang peg?

I saw him put down his cam at lumapit din sa tubig dagat.

Naglaro sya ng naglaro. Parang baliw na nag iisang maglaro. Then suddenly, parang si SanGoKu. Kiname-Wave nya ako! Ang daming tubig yung napunta samin at ayon in the end. Nag wisikan na kami ng tubig. Nagtampisaw. Hindi kasama sa plano ng seminar ang pagsiswimming pero eto kami ngayon nagsasayang ng oras. Para kaming teenager. Nakakahiya.

Tinawag na kami ng mga officers dahil call time na raw. Aahon na sana ako ng may matapakan akong lumot sa bato.

Ma-oout of balance sana ako kung hindi nya ako nasalo. Thank God!

At this moment.  ^/////////^ HINDI PO AKO KINIKILIG. PERIOD.

Pero magkalapit talaga yung mukha namin! Isang galaw lang ang gawin ko eh mahahalikan ko na siya!

"EHEM."

Napatingin kami sa bagong dating. Naiahon nya na rin ako. Isang magandang chix. Maputi. Matangkad. Mahaba ang buhok. At mukhang mayaman.

"Hi Raaaaaaay! I reaallly mish youuuu." Dinamba nya ng yakap si Jin. Okay. Nahiya naman ako sainyo. Get a room. Nauna na ako sa paglalakad pabalik sa cottage. Babalik na rin ako ng cabin para makapag bihis. Mag jajack en poy pa ata yung dalawang yon.

~

Nagsimula na yung mga messages ng mga guests at mga activities pero eto ako lutang.

Bakit ba ako lutang? Urgg. Hindi rin ako makapag concentrate sa pakikinig dahil dito sa dalawang linta sa likod ko. Hagikhikan dito! Hagikhikan doon! Ay aba. Ang lalandi.

"Jin, wag kasi dyan. Nakikiliti ako." Ay ang landi. Urg. Ang sakit sa tenga pakinggan.

Naglunch na at kasama ko pa rin ang dalawang 'to. Set-up ba to? Nakakagago kasi. Sinasadya ba to o ano? Hindi ako naaapektuhan! Pero ang lalandi kasi, nakakainis!

Kumain ka lang Pia. Kumain ka lang.

"Hi Sofia, tama ba?" Oh. Ako pala kinakausap niya.

"Aa yep." Nagpatuloy lang ako sa pagkain. Dedma lang, ganon.

"I heard close kayo nito ni Jinray. Tell me more about him. Eh kasi ito naman parang ayaw na magkwento." Ang daldal pala nito.

"Wag mo nang istorbohin si Sofia. Kumakain eh. Wag ka ring maingay. Manners Joy." sabi ni Jin. So Joy pala ang pangalan niya.

"Ano ka ba. Gusto ko siya kausapin eto naman. So, ako nga pala si Joy." Tinapat nya yung kamay niya saakin. Nakipag shake hands naman ako.

"Alam mo ba? Nakekwento ka nito ni Jinray before. At alam mo rin ba, itong si Jin sumali to sa Miss Gay sa Paris when we went there! It was so funny! Hahahahaha." Tuloy tuloy lang sa pag kwento si Joy. So.. they were together nung nagpa-Paris si Jin. He was not alone.

"Joy tama na. Matatapos na yung lunch. C'mon." Tumayo na si Jin at sinenyasan si Joy na sumama na.

"Teka lang kasi! Kita mo nang kinakausap ko pa si Sofia eh." Sabat nito kay Jin na mukhang iritable na. "We can be good friends Sofie. So anong pinagkakaabalahan mo?" Tanong nito na parang wala lang. Honestly, naiirita ako sa presence niya. Nag walk-out na rin naman si Jin.

"I own a shop. A botique. Ikaw?" I'm trying to get along with here. Baka isipin niya eh ang plastic ko. Pero ewan ko! Urg.

"Oh. Wala. Hihi. You know I got fired on my last job. Inaway ko kasi yung isang empleyado at pati yung boss. So eto, bokya ako." Tuwang tuwa pa sya habang sinasabi iyon. Masaya pa talaga syang nasesante sya, aba tindi. Saya.

"Pero it's okay. I can manage kahit wala akong job. Makakapag focus ako ngayon kay Jin. You know I want him back." Sumubo ako ng isang subo. Ang tabas ng dila ng babaeng ito. Baka kung ano pa malaman ko eh, magburst ako dito. Tsk.

"Joy! Tara na! Tsk." Sigaw ni Jin mula sa buffet table.

"Oo na. Ang init ng ulo mo, gago!" Sigaw nito pabalik kay Jin. "He's my ex by the way. And he's mine. So i'm telling you girl, back off." Naglakad na ito palayo at inirapan ako. Ay ganda mo te?

Tumayo na rin ako at bumalik ng cabin. Good thing at wala yung mga roomates ko. Kumuha ako ng unan at sinubsob ko ang mukha ko dun. Nagsisigaw ako. At nagsisisigaw pa!

"Arrrgggghhh! Tsk. Urggggg!"

Bakit ba kasi ako bumalik dito sa Pinas!? Bakit ba kasi nakita ko pa siya!? At ngayon naman this girl named Joy eh eeksena na lang? Tapos sasabihin niya that we can be friends pero in the end naman pala eh ang bitch bitch nya. My ghad!!

JINRAY WHY DO YOU LOVE BITCHES!? URG I LOVE BEACHES THO.

To be continued...

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now