MBD 13: The Twinapper

6.7K 203 8
                                    

JIN'S POV

"Tol pumayag ka na kasi."

"Ayoko. A.yo.ko." madiin kong sabi

"Ang kj mo naman! Dali na. Magiging BigHit tayo! Ikaw tong magiging bokalista, tapos si Mark yung bahista, si Neil yung drums at ang pinakagwapong ako sa gitara!"

"Lahat ba papasukin nyo? Pinasok na natin ang pagiging dancer eh. Tapos ngayon magbabanda naman kayo. Edi wow." Pachix kong sabi. Haha di bagay.

"Trip lang eh. Dali na. May unang gig na agad tayo." Kanina pa ko nito kinukulit ni Jigs.

"Hay. Oo na! Ano pa nga ba magagawa ko? Eh hindi mo naman ako tatantanan kakakulit mong gunggong ka." Ngumiti naman ito ng malapad.

"HAHA mo 'chong." Patawa tawa kasi eh. Akala mo nanalo sa loto.

"Tol pare salamat!!" Pusang galang lalaki to! Nababakla na yata sakin -____- dinaganan ba naman ako at niyakap sabay kiss sa cheeks.

"Kadiri!!!!!!" Napatingin kami sa pinto. Wtf ang sakit sa eardrums ng tili ni Alina, na akbay-akbay naman ni Mark. Dumada-moves na talaga ito eh. Nauunahan pa ako. Tsk.

"Hoy wag kayo dyan sa salas. Dun kayo sa kwarto." Sabi ni Mark na pa-chill-chill lang. Tumayo na ako at aalis na. Nasa tambayan kasi kami— sa D-House.

"Ewan ko ba dyan kay Jigs. Nabakla na yata. Ge una na ko." Pagpapaalam ko

"Hahaha labyu tol!" Pahabol pa ni Jigs. Grabe yata yung nachongki nun na marijuana. Haha.

Nagdrive ako papunta sa Mall. As usual, san pa ba ako pupunta?

Nagpark muna ako ng kotse sa parking lot. May narinig akong ingay.

"Sino yan?" Tiningnan ko sa paligid wala namang tao kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"May concerns ba?" Tanong ko sa isang empleyado.

"Wala naman po sir." Sabi nito.

"Ganun ba? Sige." Pupunta na muna ako sa opisina ng mall.

*kapa sa bulsa*

Tsk. Naiwan ko pa yung celphone ko sa kotse.

Bumalik ako sa parking lot para kunin yung celphone ko.

"Tol may nawawala daw na kambal. Sa second floor. Puntahan mo kailangan ng assistance." Sabi nung guard sa isa pang guard.

Lumapit ako dun sa guard. "Nawawalang kambal?" Tanong ko

"Ah. Good afternoon sir. O-opo. Dun sa isang botique sa taas. Yung may ari nun, nawawala yung anak nyang kambal. Hinahanap na po namin."

Botique sa taas? Kambal? Hala! Tsk.

I went straight to my car to get my phone. Nang makuha ko na nakarinig ako ng impit ng unggol ng bata. Yung parang iiyak na o umiiyak na.

Pagtingin ko sa likod ng kotse may dalawang bata.

"Summer!? Rain!?" I knew they were the Sofia’s kids. Of course, alam ko naman yung pangalan nila.

"Sir Ray!" Tumakbo si Summer papunta sakin at niyakap ako habang umiiyak.

They were the kids at the supermarket a month ago. Nalaman ko lang nung nagpunta ako kina Sofia at nalaman kong bakla pala yung Art na yon. Leche. Na-wow mali ako dun! Tsk -.-

Tumakbo na rin papalapit sakin si Rain na umiiyak. Nasa tig-isang braso ko sila umiiyak. I'm trying to calm them down. Hindi ako malapit sa mga bata pero ang gaan ng loob ko sakanila.

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now