MBD 23: A Mother's Misery

4.5K 109 5
                                    

A Mother’s Misery

THIRD PERSON’ POV

Habang nakaratay sa hospital bed si Summer, Si Rain naman ay walang tigil ang pag-iyak.

“Ma, save me. Huhuhu.”

“Ma, I don't want here.” Iyak ang pagitan ng pagsalita ng bata.

“Please, let me out. Please, I'm just a kid.”

“Manahimik ka!” sigaw sakanya ng isang lalaki.

Mas lalong lumakas ang pag iyak nito. Pinagmamasdan ng bata ang bawat sulok ng lugar.

Parang nasa loob siya ng malaking container. Metal ang mga dingding at napakadilim. Dalawang lalaki lamang ang nagbabantay sakanya.

Kahit anong sigaw niya ay walang nakakarinig sakanya.

“Ano ba! Hindi ka ba titigil sa pag iyak?! Nakakarindi ka na!”

Sasampalin na ng lalaking may bigote ang bata ngunit pinigilan siya ng kasama niya.

“Pre, wag. Bata lang yan. Magbantay lang ang trabaho natin dito. Wag natin saktan.”

“Bakit ano bang pake naten sa batang ito?!” Kapansin pansin ang pagiging mainitin ng ulo ng lalaking may bigote.

“Pre, kalma. Gutom lang yan.”

Lumayo na ang lalaking may bigote kay Rain.

“Wag ka ng umiyak. Kapag nakuha na ng boss namin ang gusto nya, pwede ka ng umuwi.”

Sabi nito kay Rain.

“Please, let me go. I want to go home.” iyak pa rin ito ng iyak.

“Jason! Tumatawag na si Boss.”

Naglakad na palayo si Jason, ang lalaking pumigil sa lalaking may bigote.

Sa kabilang dako, si Summer ay hindi pa rin nagigising. Nasa loob ng kwarto sina Sofia, Jinray, Alina, Gio at Art.

Full Force, ika nga nila.

“Baby, wake up. Mommy's here na.” bakas sa boses ni Pia ang pagod at lungkot.

Nakaratay sa ospital ang kanyang anak na babae, at ang kanyang anak na lalaki ay nawawala.

Sobrang sakit sa parte ng nanay ang gantong pangyayari. Mas masakit mawalan ng anak, kesa sa magulang, ika nga nila.

“Ano bang nangyare friendship?” tanong ni Art.

Nang mahimatay si Sofia ay tinawagan agad ni Jin sina Alina at agad itong dumating. Nagkamalay si Sofia at binantayan na lang si Summer.

Bago pa ito masagot ni Sofia ay pumasok na ang doktor.

“Doc, ano pong mangyayari kay Summer?” agad na tanong ni Sofia.

“Mahina ang katawan niya dahil na rin sa over fatigue at too much sugar. It can weakened her immunity and she is asthmatic, right?”

Tumango ito.

“Siguro dahil na rin sa sobrang pagod. Iwasan lang ang pagkapagod at sobrang sugar sa katawan. Magiging okay na rin siya and later magigising na siya.”

Umalis na rin ang doctor. Nakahinga ng maluwag ang lahat.

“Buti na lang hindi malala ang nangyari kay Sam.” —Alina

“Sorry. Hinayaan ko silang kumain ng matatamis habang nasa park. Akala ko kasi wala—”

Hindi na natapos ang pagsalita ni Jin dahil hinampas na sya ni Sofia.

My Babies Daddy (Completed)Where stories live. Discover now