THINGS ARE COMPLICATED

85 12 0
                                    

LETIZIA'S POV

(Creaking door sound)

Narinig kong nagbukas ang pintuan ng kwarto ko. Hindi ko nagawang tingnan yon dahil may idea na naman ako kung sino yon.

Nakatitig lang ako sas sahig habang nakaupo dito sa kama ko. Ilan sandali pa ay narinig ko na ang mga yabag ng paa ng taong pumasok sa kwarto ko.

Naglakad sya palapit sa akin at naupo sa kama ko.

"Letizia." Mommy started.

Huminga ako ng malalim at, "Mom, I can't marry him. First relationship ko si Ace. Ayokong humatong kami agad sa kasal." Inunahan ko na si Mommy. Alam ko naman kasi na tungkol to kay Ace.

"Pero bakit nyo ginawa ang mga bagay na pang mag-aasawa Letizia?"

Namula ang mukha ko dahil sa sinabi ni Mommy. Nakakailang lang na pinag-uusapan namin ang ganitong bagay.

"Mommy dumaan ka din naman sa ganitong stage diba? Naiintindihan mo dapat ako!" Sabi ko sa kanya at tiningnan ko sya sa mata nya.

Tinaasan nya ako ng isang kilay na parang tutol sya sa sinabi ko, "Hindi tayo magkagaya Letizia. Sigurado akong sa ama mo ikaw nagmana. Hindi ako play girl---"

My face turned red and I quick shook my head, "Mommy I'm not a play girl!"

"Ano yung ginawa mo kay Ace?"

Napressure ako sa sinabi ni Mom at namula ng todo ang mukha. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya hanggang sa nadulas na ako, "Hindi ko sya pinaglaruan mommy! Totoong mahal mo si Ace, pero hindi ko sya...gustong maging asawa."






VALORINE'S POV

Nanlake ang mga mata kong nakatitig kay Letizia. Namula ang mukha nito at iniwas ang tingin nya sa akin.

Madami akong hindi naiintindihan sa kanya. Pero pakiramdam ko may gusto syang sabihin, nahihirapan lamang syang animin yon.

"Letizia...pero sinabi mo na pinagpustahan nyo lang si Ace." Sabi ko sa kanya.

Bumutong hininga sya at, "Mom, hindi totoong pinagpustahan namin sya. Walang nangyaring ganun, kung sinagot ko man si Ace. Yun ay dahil may nararamdaman talaga ako sa kanya." She replied.

Hindi ko mapigilang magulat ng magulat sa sinasabi ng anak ko. Nasaktan nya si Ace kanina, hindi nya dapat ginawa ang bagay na yon.

"Letizia, anong rason para palabasin mong pinagpustahan nyo si Ace?" -I


"Dahil ayokong pakasalan si Ace Mommy. Totoong mahal ko sya pero...hindi sya ang lalakeng gusto kong makasama hanggang dulo. Mapaglaro sya ng babae mommy, madami na syang nakasama sa kama at hindi ko maaatim na habang buhay akong kainin ng insecurities ko sa mga nauna nyang babae." Letizia explained.

Tinitigan ko sya, sa isang banda ay naiintindihan ko sya. Isang mahirap na desisyon na sumugal sa isang babaero, hindi mo alam kung lolokohin ka nya o mamahalin ka ba talaga nya.

Napaka delikado kaya naiintindihan ko si Letizia.


"Pero dapat hindi mo na sya sinagot Letizia, nasaktan mo yung damdamin ni Ace. Hindi lang si Ace, pati ng Ninang Yuni mo at Ninong Claude mo." I said at her.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now