NO LIES

66 4 0
                                    

LINCOLN'S POV

Nasa sala kaming dalawa ni Deborah. Nanood kami ng horror movie dito. Nakaupo kami sa lounge sofa at naka-akbay ako sa kanya. May yakap na yakap na popcorn ang girlfriend ko at may nakapatong na kahon ng Pizza sa hita ko.

Yup. Deborah is still my girlfriend. Naging legal na kami sa side ng family nya at sa side ko. Pero may mga rules lang na binigay sa amin ang ama nya. Sinabi nya na bawal kami sa pang mag-aasawang gawain.

Kung alam lang sana ni Ninong Geoff at Ninang Iris ang lahat.

Masaya kaming nanood ng horror movie ni Deborah nang...

(Creaking door sound)

Narinig namin na magbukas ang main door. Mula dito sa sofa na inuupuan namin ni Deborah ay lumingon kami sa pintuan.

Found two person there.

Nakuha nila ang buong atensyon ko dahil ang dalawang taong yon ay basang-basa ang katawan, buhok at damit. Sa itsura nila ay alam kong nagpaulan sila.

Habang naglalakad sila papasok ay nagtatawanan ang dalawang taong yon. Tila ba may nangyaring sobrang saya noong lumabas sila.

"Mom. Dad." I called them.

Natigil sa pagtawa ang dalawa pero nanatiling nakangiti ang labi nila. They both looked at me.

"Saan po kayo galing? Bakit ganyan ang itsura nyo?" I asked out of curiousty.

Nagtinginan muna sina Mom at Dad bago sagutin ang tanong ko.

"Ah. Nasiraan kasi ng kotse ang daddy mo kaya naglakad nalang kaming dalawa dito pauwi hehe." hagikhik ni Mom.

Nanlake ang mga mata ko sa nalaman ko. Medyo nakakagulat kasi na naglakad pala ang dalawang to pauwi, samantalang ang lakas-lakas ng ulan.

Tinitigan ko lang si Mom at Dad. Wala na akong naging imik pagkatapos noon. Ilan sandali pa ay nakita kong yumuko ang ama ko at binuhat si Mom sa braso nya na parang isang bride.

Humagikhik ang ina ko na parang natuwa sya at habang pinagmamasdan sila ay hindi ko mapigilang mapangiti. Napakalalim ng samahan nilang dalawa at kahit gaano kabigat ang problemang dumadaan sa kanila ay nagagawa nilang lagpasan yon at napapanatili nila ang ganitong relasyon.

Nakakahanga.

"Lincoln, Deborah. Mauna na muna kami sa taas." Narinig kong sabi ni Dad at nagsimula na syang maglakad papunta sa hagdan.

Iniwas ko na ang tingin sa kanila at muli akong tumingin sa T.V.

Ilan sandali pa ay nakaakyat na sina Mom at Dad sa ikalawang palapag. Kasunod din noon ay ang pagtingin sa akin ni Deborah.

"Ang sweet nila kahit kailan hehe." She told me.

Only made me smile.

"You're right, Debs."

ASHLEY'S POV

Nagshower kaming dalawa ni kuya at pagkatapos ay dumiretso din agad sa kama namin. Ngayon ay nakaupo kami parehas sa kama at nakasuot ng bathrobe.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now