SOMETIMES LOVE SUCKS

77 7 0
                                    

LETIZIA'S POV

"ACE! ANO BA!?" I shouted angrily.

Dinala ako ni Ace sa isang lugar na hindi ko alam kung saan. Lahat ng nasa paligid ko ay hindi pamilyar at talagang sira na ang tuktok ng lalakeng to!

"Ace!" I shouted. Kasabay noon ay ang pagbagsak ni Ace sa katawan ko. Bumagsak ako sa malambot na kama at naramdaman ko pang tumalbog ang katawan ko.

Binalot ko ng ayos ang kumot sa akin dahil sa ilalim nito ay wala akong kasuot-suot na kahit ano. Gumapang ako papunta sa sulok ng kama, siniksik ko ang sarili ko doon at tinitigan si Ace.

Nakatayo sya sa dulo ng kama at nakatitig sa akin ng masama.

"Ano bang problema mo!?" Bulyaw ko rito.

Nakita kong huminga ng malalim si Ace bago ibuka ang mga labi, "Sobra na ang parusa mo Letizia. Pakiusap tumigil kana---"

Nang marinig ko sa kanya yon ay mabilis na nagdilim ang paning ko. "Ikaw ang tumigil Ace! Tigilan mo na ko kasi hiwakay na tayo!" I shouted at the top of my lungs.

Pero nang sandaling sinabi ko sa kanya ang mga bagay na yon ay bumakas ang matinding galit sa mukha ng binatang nasa harapan ko. Ang binti nito ay inangat nya sa ere at nakita kong sinipa nya ang malapit na lamesa sa gilid nya.

(Thud sound)

(Glass shattering sound)

Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa inasal ni Ace. Ang puso ko ay nagsimulang kumabog ng malakas, habang pinagmamasdan ko ang lamesa na bumagsak sa sahig at mga kagamitang nawasak at nabasag dahil sa ginawa ni Ace.

"Fuck!" Sigaw ni Ace at tumalikod sa akin. Pinagmasdan ko syang humakbang palayo sa kama. Lumapit sya sa base, sa ibang lamesa at lahat ng kagamitan dito ay sinipa nya at binato nya sa sahig.

Galit na galit ang lalakeng ito at para syang halimaw na nagwawala. Pinangangatalan ako ng katawan dahil nakakatakot syang masyado.

Tila ba hindi sya ang Ace na kaibigan ko. Bagkos ay isang halimaw na mamaya ay sasaktan din ako. Hindi ko na kinaya ang mga nasasaksihan ko at nagpatakan na ang luha ko.

Nablanko ang isipan ko at sa sandaling to ang gusto ko lang ay makatakas. Binabalaan ako ng instinct ko na tumakas kasi kung hindi...

Baka ako na ang pag-initan ni Ace mamaya.

Kaya naman sinamantala ko ang pagwawala ni Ace. Bumaba ako ng kama, ang mga binti ko ay nagmadaling humakbang papunta sa pintuan ng kwarto na to.

Desperadong-desperado akong makatakas. Hindi ko magawang lingunin pa ang kinatatayuan ni Ace habang tumatakbo ako. Pero naririnig ko ang mga nababasag na bagay sa paligid.

I have to leave this place!

Pinagpatuloy ko ang pagtakbo papunta sa pintuan. Kaunti nalang ay makakalapit na ako doon, pero bago pa ako tuluyang makalapit ay may naramdaman akong malakas na brasong yumakap sa akin mula sa likuran ko.

"NO!" I scream.

Humagulhol ako at pilit na kumakawala pero walang silbi ang lakas ko kung ikukumpara kay Ace. Mas humigpit pa ang yakap nya sa katawan ko at alam kong wala syang balak pakawalan ako.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now