TRY TO DEFEND SOMEONE

69 4 0
                                    

ACE'S POV

Pagkatapos akong kausapin ni Ares sa condo unit nya ay umuwi na din agad ako sa mansyon nina Ninong Cane. Sigurado kasi akong nakauwi na din si Letizia mula sa date nila ni Ian.

Sigh.

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na third party ako. Parang dati lang kasi, ang saya-saya namin ni Letizia. Kung maibabalik ko lang ang panahon, hindi ako magpapadala sa takot ko para sa ibang babae.

Edi sana, masaya pa din kami ni Letizia.

Pwersa kong inalis sa isipan ko ang panghihinayang at pinagpatuloy ko ang paglalakad ko dito sa loob ng mansyon. Patungo ako ngayon sa kwarto ni Letizia. Tahimik sa paligid, marahil ay natutulog na ang mga tao rito.

Medyo malalim na din kasi ang gabi.

Ilan sandali pa ay nakarating na ako sa kwarto ni Letizia. Inangat ko ang kamay ko at hinawakan ang door handle.

(Creaking door sound)

I pushed the door open.

"Ace!"

O. O

Sa unang hakbang ko pa lamang papasok sa kwarto ay bumungad na sa akin ang isang galit na sigaw. Lumingon ako sa kama dahil doon nanggaling ang pagsigaw.

I found Letizia there. Natigilan ako sandali kasi hindi ko inaasahan na gising pa sya hanggang ngayon.

Tumayo si Letizia at nagmadali syang lumapit sa akin. Tumayo sya sa harapan ko at nag cross arms. Sa ginawa nyang reaksyon ay para bang galit na naman sya sa akin.

"San ka ba galing!? Bakit ginabi ka na ng todo?" she said angrily.

"Sa Malibu Condominium." sagot ko kay Letizia at hinalikan sya sa noo nya. Sunod ay pinagpatuloy ko ang paglalakad ko at dumiretso ako sa may kama. Naupo ako doon at sinimulang tanggalin ang sapatos ko.

"Malibu Condominium!? Sinong pinuntahan mo don, diba doon nag i-stay si Amara!?" sigaw sa akin ni Letizia at hinabol ako hanggang dito sa kama.

Nakuha nya ang buong atensyon ko dahil sa sinabi nya. Masama ang titig sa akin ni Letizia at pakiramdam ko pinaghihinalaan nya ako kay Amara.

"Letizia ano bang sinasabi mo? Si Ares ang pinuntahan ko doon, alam mo naman na dun din nag i-stay si Ares diba?" I told her.

"Whatever!" she said and rolled her eyes.

Napataas ang isang kilay ko sa inaasal ni Letizia, "Pinaghihinalaan mo na naman ba ko?" I asked her.

"Bakit hindi? You are a big scumbag!" she said angrily.

Damn.

Bakit ang sakit nyang magsalita? Alam ba nyang ginagawa ko naman ang lahat para sa kanya? Para maayos namin ang relasyon namin pero paulit-ulit lang nyang nakikita yung pagkakamali ko.

Ni minsan ba Letizia, wala akong ginawang tama sayo para itrato mo ko ng ganito?

Sigh.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now