I'M NOT CHEATING

85 6 0
                                    

CLAUDE'S POV

Nag madaling bumaba si Yuni ng kotse ko nang sandaling marating namin ang bahay ng babaeng sinabi ni Ace sa amin na nang blackmail sa kanya. Galit na galit ang asawa kong bumaba ng kotse kaya naman kinutuban na ako ng masama.

"Ace, hawakan mo si Scarlet." Sabi ko sa anak ko na nasa backseat nang sandaling hawakan ko ang pintuan ng kotse ko. Binuksan ko yon at bumaba ako ng kotse, sunod ay nagmadali akong naglakad kasunod ni Yuni.

Si Ace ay bumaba din ng kotse at sumunod sa amin ni Yuni. Buhat-buhat nito ang kapatid nya sa braso nya.

"Yuni huminahon ka." Paalala ko sa kanya dahil alam ko na ang tumatakbo sa isipan nya. I know my wife very well, napaka eskandalosa ni Yuni at baka kapag hinayaan ko syang magwala dito ay baka makasuhan kami.

Nang makarating si Yuni sa may gate ay tumayo sya ng tuwid doon at hinampas ang gate ng madaming beses sa padabog na paraan. "Hoy buksan nyo to!" Yuni shouted.

Tumayo ako sa gilid nya at hinawakan ang braso nya dahil nakakahiya to. Popular syang babae tapos ipapakita na naman nya ang panget nyang ugali.

"Yuni, madaming nakakakita sayo." Saway ko rito. May mga tao kasi dito sa labas ng bahay at pati mga kapitbahay ay nakatingin na sa amin.

Pero hindi nagpaawat si Yuni at tinulak ako sa chest ko, "Hoy Claude! Wag kang makealam! Pag ako binanas sayo, makikita mo." At ngayon ay sa akin na sya nagagalit ay nagawa pa akong pagbantaan.

Pambihira.

"Yuni, pumunta tayo dito hindi para manggulo. Nandito tayo para ayusin ang gulo na kinasangkutan ng anak natin---"

"Claude! Manahimik ka! Hindi ko mapapalagpas ang ginawa nya kay Ace. Sinaktan nya ang baby ko, walang pwedeng manakit sa anak ko! Naiintindihan mo ba!?" Yuni shouted at me again.

Naiintindihan ko naman Yuni ang galit mo, nasaktan din ako para kay Ace. Tatay ako nyan eh, pero ang daamin sa eskandalo ang lahat ay hindi makakatulong.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang asawa ko sa magkabila nyang balikat, "Yuni ang sakin lang, huminahon ka. Huwag mo muna daanin sa init ang ulo ang lahat---" mahinahong paliwanag ko rito pero sa kalagitnaan ng pagsasalita ko ay natigilan ako.

(Creaking gate sound)

Dahil narinig namin ang pagbubukas ng gate sa mabagal na paraan. Sabay kaming tumingin ni Yuni doon at nang sandaling lingonin namin ang gate ay nakita namin ang isang maliit na babaeng nakatayo doon.

Nanlake ang mata nyang nakatitig sa amin, tila ba nagulat namin syang pumunta kami dito. Nakita ko pang akmamg isasara na ng batang babaeng yon ang gate pero nabigo sya.

Mabilis kasing iginalaw ni Yuni ang kamay nya at hinablot sa buhok ang batang babaeng yon. Walang pagdadalawang isip ang asawa ko na hinatak sa buhok ang babae palabas ng gate.

Kasunod na noon ay ang pag-irit ng babae. Syempre sa takot na mapuruhan ang bata ay hinawakan ko ang braso ni Yuni at sinubukang pigilan sya, pero hindi nagpapapigil ang asawa ko!

"Yuni tumigil ka!" Bulyaw ko sa asawa ko.

"Tumahimik ka Claude! Tuturuan ko ng leksyon ang babaeng to sa paninira nya ng relasyon ng anak ko!" -Yuni

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now