CAME BACK

84 7 0
                                    

ASHLEY'S POV

Sumakay kami sa yacht ngayong hating gabi pagkatapos kaming bulabugin ng mga kaibigan namin for a party.

Ngayon ay nasa kalagitnaan kami ng dagat kung saan puro dagat lang ang nakapalibot sa amin at natatanaw ko nalang ang cityscape sa malayo. Ang buwan ay nasa ibabaw namin at binibigyan kami ng napakagandang liwanag, ganun din ang bituin.

Ang hangin ay humahampas sa katawan at buhok namin, sobrang lamig pero ang alak na iniinom namin ay pinanatili ang kaunting init sa katawan namin.

Ngayon ay nasa deck ako ng yacht, nakatayo sa may gilid ng fence at pinagmamasdan ko ang napakagandang view ng kalangitan. May hawak akong baso ng wine.

Ang mga kasamahan ko naman ay nandito din sa yacht at nagpapakalunod din sa alak. Nag sasayawan sila sa ilalim ng disco light.

Gusto ko naman na sumali sa kanila, pero sa ngayon ay masyado akong namangha sa ganda ng kalangitan.

Habang nakatitig ako dito ay pakiramdam ko ang lapit-lapit lang nya sa akin. Na parang mahahawakan ko sya, at gustong-gusto kong maglakabay sa napakagandang kalangitan.

Na sa tuwing tinitingnan ko to, pakiramdam ko ay nakatitig ako sa mga itim na mata ni kuya.

Kuya's eyes were like...galaxy.


"Ash."

Nawala ako sa pagkakatitig ko sa kalangitan nang may narinig akong boses na tumawag sa akin mula sa likuran ko. Tiningnan ko yon at nakita kong sina Yuni, Valorine, Dite at Violet yon.

Naglakad silang apat palapit sa akin.

Nang sandaling makalapit sila ay tumayo sila sa femce katabi ko at mga nagsi-titigan din sa magandang kalangitan ng gabi.

"What are you doing here? Ayaw mo maki-party samin?" Yuni asked me. Nakatitig lang din sya sa kalangitan habang hawak hawak ang baso ng wine nya.

Muli din akong tumingin sa kalangitan at pinagmasdan ulit ito. "Hindi naman sa ganun, masyado lang akong nagandahan sa view ng langit ngayon kaya tumambay muna ako dito hehe." I replied.

"Sa bagay, ang ganda nga ng view." Yuni replied.

"Uhm Yuni, buti sumunod kayo dito sa Mexico noh. Na witness nyo din ang kagandahan ng lugar na to." Sabi ko sa kanya. Nakatitig lang ako sa kalangitan habang hinihintay na mag response si Yuni sa sinasabi ko, pero sa paglipas ng oras ay wala akong narinig na kahit ano sa kanya.

Kaya naman minabuti kong lingunin sya.

Sa paglingon ko ay nakita kong nilagok nya lahat ng wine na nasa baso nya habang pinang-paypay ang isa nyang kamay mukha nya.

Medyo nagulat ako sa naging reaksyon ni Yuni kaya tinitigan ko lang sya. Para kasi syang nabalisa bigla, ngayon ay napapaisip ako kung may nasabi ba akong mali.

Then Yuni pulled her lips away from the glass, "O-Oo. Gusto ko din makapag party dito sa Mexico noh! Pwede bang kayo lang ni Ethan. Haha!"

Napataas ang isa kong kilay dahil sa sinabi ni Yuni. Humahalakhak kasi sya though alam kong pilit lang yon. Pero ramdam ko ang pagkabalisa ni Yuni, kaso ang hindi ko maintindihan ay kung bakit umakto sya ng ganito bigla.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now