THE STORY BEHIND MR. WILSMITH

83 7 0
                                    

ETHAN'S POV

Sigh.

Grabe yung nakita ko. Hindi ko akalain na sugar daddy pala si Mr. Wilsmith. Tapos yung chicks pa nya ay yung babaeng niligtas ko kahapon sa yacht.

Bakit ganun?

Pakiramdam ko ang liit liit ng mundo. Mukhang nagsisimula na naman ang tadhana na makipaglaro sa akin.

Inangat ko ang kamay ko at tiningnan ang relo ko. Nakita ko naman na mag iisang oras na ang lumipas at sa tingin ko ay sapat na ang pag hihintay ko.

Baka pwede na akong bumalik sa kwarto ni Mr. Wilsmith upang kumbinsihin syang ituloy ang business project namin.

Muli kong inihakbang ang binti ko mula sa pagkakatambay ko dito sa hallway. Naglakad muli ako papunta sa room number ni Wilsmith.

Ilan sandali pa ay...


Nakarating na muli ako sa kwarto ni Mr. Wilsmith pero sa ikalawang pagkakataon ay nakita ko na naman ang dalagang niligtas ko kahapon sa may yacht. Nakaupo sya sa harap ng pintuan, ang mukha ay nakasubsob sa tuhod nya at alam kong umiiyak sya.

Sa reaksyon nya ay nagkaka-ideya na ako sa pwedeng nangyari. Marahil ay may pinagtalunan silang dalawa ni Mr. Wilsmith.

Hindi ko sya nagawang pansinin dahil hindi ko na responsibilidad yon. Lumapit ako sa pintuan at kumatok ako doon.

Pero hindi sya mapigilang sulyap-sulyapan. Nakaupo lang sya sa sahig at iyak ng iyak.

Nakakaawa ang lagay nya dahil napakabata pa nya. Kung ako ang ama nito ay masasaktan ako kung makikita ko syang ganito.

Sigh.

Ang mga kabataan nga naman talaga.

(Creaking door sound)

Ilan sandali pa ay nagbukas na ang pintuan ni Mr. Wilsmith. Sa likod ng pintuan ay nakita ko ang lalakeng yon na nakatayo at nakatitig sa akin.

Pero nang sandaling mag bukas ang pintuan ay tumayo din ang dalagang nakaupo kanina sa sahig, mabilis itong humakbang papasok at yumakap kay Mr. Wilsmith.

Pinagmasdan ko syang humagulhol sa chest ng matandang lalake. Sa reaksyon ng dalaga ay sigurado akong may nararamdaman talaga sya sa lalakeng to.

Pero bakit naman sa matandang lalake sya nagkagusto? Napakabata pa nya at hindi nya dapat inaaksaya ang panahon at oras nya sa taong to.

"Fred, I'm sorry. Hindi ko na uulitin ang mga sinabi ko." She cried.

Sandaling natigilan ang lalake at tinitigan lang ang dalagang humahagulhol sa chest nito. Hanggang sa bumuntong hininga ito at tumingin sa akin.

"I'm sorry about this Mr. Rei." He uttered.

I manage myself to smile, "No problem. Actually, I'm the one who needs to apologize for encroaching your time." I told him.

"Is it about the proposal?" -Him

Dahil sa sinabi nya ay nilakasan ko ang loob ko at huminga ng malalim. Sa isang banda ay may kasalanan ako at kailangan kong harapin at ayusin to.

"Yes. I am very sorry for what happened yesterday. Please accept my sincere apology. I look forward to setting another date of meeting where we can meet and discuss the same issue that is now pending. Because of the inconvenience I may have caused you, I wish to set a date that is convenient with your schedule." I said with formality.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now