EVERYTHING BECAME DULL

79 4 0
                                    

ASHLEY'S POV

"Anong ginagawa mo dito Geoff!?" Malakas na bulyaw ni Kuya. Akmang susugudin nya si Geoff pero niyakap ko agad sya.

"Boss huminahon po kayo." Miski ang mga tatlo kong bodyguards ay pumagitan. Ayaw din nila na mapasabak na naman ang kuya ko sa isang away.

Pero ano ba kasing ginagawa ni Geoff dito? Alam naman nyang mainit sa kanya si Kuya, kagabi nga ay muntik na syang baldahin nito.

Kung ano man ang rason nya, importante man yon o hindi. Bakit hindi nya muna pinahupa ang galit ng asawa ko bago sya nagpakita?

"Ethan gusto kitang makausap." Geoff told kuya.

Sa bawat paglipas ng oras ay napapansin ko ang pagtindi ng galit ni Kuya. Alam kong kapag hindi pa umalis si Geoff ay mauubusan ng pasensya ang isang to at wala ng makakapigil pa sa kuya kong manakit.

"Leave Geoff." Pag-uulit ni kuya. Ang dibdib nya ay tumataas baba sa galit. Ang mga kamao ay nakabola at handang-handa ng manakit.

"Ethan pakiusap, kahit kaunting sandali lang. May kailangan kang malaman---" Geoff said but stopped in mid-sentence.

"I said leave!" Kuya shouted angrily and lifted his hand. Tinuro ni kuya ang pintuan. Ang mga ugat nito sa ulo ay naglabasan ganun din ang litig sa leeg.

Hindi na din ako nakatiis at nagsalita na ako dahil palala ng palala ang galit ng asawa ko, "Geoff pakiusap umalis kana---" pero miski ako ay natigil sa pagsasalita. Bigla akong hinawakan ni kuya sa braso ko at tinago sa likuran nya.

Sa ginawa nya ay pakiramdam ko ayaw nyang makausap ko si Geoff. Marahil ay hanggang ngayon ay pinagdududahan nya ako sa kaibigan naming ito. Nakakainis man pero hindi ko masisise si kuya.

May nakita sya.

Pero alam ng dyos ang totoo! Walang nangyari sa aming dalawa ni Geoff at hinding-hindi ko magagawa yon sa asawa. Hindi kahit kailan.

"Ethan hindi ako nandito para makipagtalo sayo. Nandito ako para ayusin ang mga nangyari kagabi---" muling sabi ni Geoff. Hindi ko makita ang itsura nya dahil tinago ako ni kuya sa malapad nyang likod pero base sa boses ni Geoff alam kong determimado sya sa pakay nya. Punong-puno sya ng pagsusumamo.

"Ayusin? Anong aayusin mo Geoff kung nangyari na ang mga nangyari!?" Kuya shouted. At ang salita nito ay nakakapanakit, kasi hanggang ngayon nga ay pinaghihinalaan nya talaga ako.

Pero hindi ko magawang depensahan ang sarili ko kagaya ng ginagawa ni Geoff. Natatakot akong baka pagnakealam ako, baka pati sa akin ay magalit na naman si kuya.

Hindi ko na kaya na pagtaasan nya ulit ako ng boses at layuan. Ayoko noon.

"Walang nangyari sa amin ni Ashley!" Ngayon ay tumaas na din ang boses ni Geoff.

Akmang susugod na naman si kuya pero naging maaga kami ng mga bodyguards ko. Yumakap ako kay kuya mula sa likuran nya, at ang mga bodyguards ko ay nanatiling namagitan.

"Kuya please." Mahinang bigkas ko para lamang pakalmahin sya, pero hindi ako pinansin ng asawa ko. Ang mga mata nya ay nanatiling nanlilisik kay Geoff.

"Ethan pakiusap, makinig ka sa akin. Hindi ako lasing noong gabing yon, kalahati lang ng champange ang nainom namin nina Celine at Ash. I'm sure na drugs kami kaya nawalan ng malay!" Paliwanag ni Geoff.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now