Have an insanely dirty sex with you anywhere

89 7 0
                                    

ETHAN'S POV


Naglakad na ako pabalik sa resort buhat-buhat si Ashley. Nakasunod sa akin ang bunso kong anak na si Izaiah.

Nang sandaling makakalapit na sana kami sa resort ay natigilan ako, dahil nakita ko ang isang maliit na babaeng nakatayo sa entrance ng resort.

Nakasandal ang likod nya sa door casing at naka crossed arms. Nanlilisik sa akin ang mata nya, tila ba nandoon talaga sya dahil ako ang sadya nya.

Shit.

Habang tinititigan si Bianca na nakasimangot at nakatayo sa entrance door ng resort ay naalala ko ang meeting na inabandona ko para lamang kay Ashley.

Tang ina nawala na sa ala-ala ko ang bagay na yon. Ano na nga kaya ang nangyari sa meeting kanina nang umalis ako?

Pero base sa itsura ni Bianca ay may idea na ako sa nangyari.


Naglakad palapit sa akin si Bianca at sa binigay nyang titig ay alam kong pinapatay na nya ako sa isipan ko. Nang sandaling makalapit na sa akin si Bianca ay pumamewang ito.

"Pambihira Ethan! Inuna mo pang makipaglaro jan sa mag-ina mo kesa sa meeting natin!" Gigil na sabi nito sa akin.

Ako naman ay hindi makapagsalita kasi naiintindihan ko naman kung bakit nagagalit ng ganito si Bianca. Alam kong may nagawa akong kasalanan.

"Alam mo ba ng dahil jan sa kapabayaan mo, binitawan na ni Mr. Wilsmith ang kompanya ko at kompanya mo! Napakasayang Ethan!" Bianca said angrily.

Dinuro-duro pa nya ako at talagang nagalit ko nga ang isang to.

Sigh.

Hindi ko naman kasi alam na hindi pala uubra ang chicken na pinain ko kay Ashley kanina. Buong akala ko ay magiging maganda ang usapan naming mag-asawa at makakapag concetrate ako sa meeting ko.

Pero nagkamali ako at nauwi na nga sa ganito ang lahat.

"Pasensya na Bianca---" sabi ko dito pero hindi ko natuloy ang sinasabi ko dahil tila mas nagalit ko lang sya at sa pagkakataon na to ay sinigawan na nya ako.

"Pasensya! Oh come on, anong magagawa ng sorry mo! Nasira na lagat ng pinaghirapan ko para sa project na to dahil sayo!" She shouted. Sunod ay dinuro nya ako sa chest ko ng madiin.

"Ano bang pumasok sa isipan mo at isinama mo yang Ashley at yang anak mo dito? Alam mo naman na napaka halagang meeting to diba?!" She added.

Sigh.

"Bianca, pag-usapan natin to bukas. Susubukan kong kumbinsihin si Mr. Wilsmith bukas na ituloy ang business natin with him." I said and parted my legs. Naglakad ako palagpas kay Bianca.

"Sa tingin mo ba ang mapapakiusapan mo sya!?" Sigaw sa akin ni Bianca nang malagpasan ko na sya.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko buhat-buhat si Ashley. Nakasunod lang din sa akin si Izaiah.

Hindi ko na tinangka pang harapin si Bianca pero nag bitaw ako ng huling salita ko para sa kanya.

"Aayusin ko to. Magtiwala ka." Sabi ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa loob ng resort kasama ang mag-ina ko.

BUT LET ME TRY (Season 4)Where stories live. Discover now