PROLOGUE

2.6K 132 2
                                    

EVERYONE in the room went silent when she appeared from behind the door. The click-clack beat that her stiletto made as they hit the marbled floor was far louder than their breathing.

She was holding her head high while walking gracefully. Ang kanyang malalamig na mga mata ay nakatutok sa kanyang harapan habang naglalakad. Hindi na niya pinagkaabalahang tingnan ang mga empleyadong natahimik, alam niyang lihim siyang pinapanood ng mga ito. Pakunwaring inaabala ang mga sarili sa trabaho ngunit ramdam niyang pinagtitinginan siya ng mga mapanghusgang mga mata.

Narinig ni Sabrina ang pagtawag sa kanya ng assistant na nakasunod sa kanya ngunit hindi niya ito pinakinggan at nagtuloy sa paghakbang patungo sa isang partikular na direksiyon. Nakikita na niya ang kanyang pakay dahil salamin ang dingding ng opisina nito.

Pabalyang binuksan niya ang pinto ng opisina ng senior sales manager ng kompanya. Agad na nabaling ang tingin sa kanya ang babae na may kausap sa telepono.

The smile on the woman's face faltered when she saw Sabrina in her office.

Bago pa makapag-react ang babae ay humakbang na si Sabrina palapit dito at walang pagdadalawang-isip na umangat ang palad padapo sa pisngi nito.

Agad na napahawak sa nasaktang pisngi si Christie at malalaki ang mga matang muling tumingin kay Sabrina. "Why you-" Natigil siya sa pagsasalita nang isa muling sampal ang kanyang natamo, sa kabilang pisngi naman sa pagkakataong iyon.

Ang mga empleyadong nakakita ay napatayo at nanlaki ang mga mata sa nasaksihan. Hindi nila inaasahang gagawin iyon ni Sabrina sa kasamahan sa trabaho.

"Do you want more?" Sabrina asked coldly. She kept her face impassive, but deep inside she was burning with rage.

Christie was dumbfounded for a moment, she cannot believe the fact that she was slapped hard in the face, twice. Then when it dawned into her, her face became ugly in anger. She lost the composure she was known of and her nostrils flared in fury. The urge to hit Sabrina back was strong.

"Are you crazy?!" she screamed.

But Sabrina calmly stepped closer to Christie and whispered to her ear the words, "I'll let it slip this time, you two-faced bitch."

Sabrina turned her back at Christie and head out of her office. Sabrina's assistant was astonished and her eyes popped out of their socket, she couldn't believe that her boss did that. Tiningnan niya si Christie na pulang-pulang ang mukha sa galit at pagkapahiya. Nang makahuma ay mabilis siyang lumabas ng opisina at sinundan ang kanyang boss.

Walang pakialam si Sabrina sa mga empleyadong natigilan at hindi makapaniwala sa nasaksihan. Tuloy-tuloy siyang naglakad palabas sa departamentong iyon. Subalit bago pa man siya makarating sa pinto ay biglang may humila sa kanyang buhok.

Mapuwersa ang pagkakahila sa kanyang buhok at kung hindi siya nakabalanse ay natumba na siya.

"You slut!" nanggagalaiting sigaw ni Christie. Ang mga nakasaksi ay hindi agad nakahuma para awatin ang dalawa dahil nabigla sa mga pangyayari.

Sabrina didn't wince nor screamed when the pain struck her scalp. She took a deep breath and grabbed the hands of the bitch that was pulling her hair. With all her strength, Sabrina twisted Christie's hands and look at her dead in the eye. Christie was now screaming in pain, and her voice echoed in the whole department

"Let me go! Ahh!"

Tila walang narinig si Sabrina at pinilipit pang lalo ang dalawa nitong braso. Nang makitang tumulo ang mga luha mula sa mga mata ni Christie ay roon lang niya pabalyang pinakawalan ang mga braso nito. Napalugmok ito sa sahig habang umiiyak dahil sa kanyang ginawa.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon