CHAPTER 19

1.5K 72 0
                                    

SANDALING tinitigan ni Sabrina ang bahay sa kanyang harapan. Hindi pa rin niya alam kung ano ang ginagawa niya roon. Kanina ay nakita na lang niya ang sariling pumupuslit mula sa loob ng kanyang silid palabas ng bahay ng kanyang ama. Kamuntikan pa siyang mahuli ng isang katulong na gising pa ng mga oras na iyon. Tahimik naman siyang nakalabas ng bahay at sumakay ng taxi patungoy sa bahay na nasa kanyang harapan.

Bahay marahil iyon ng isa sa mga teammate ni Apollo sa basketball. Nasa labas pa lang siya subalit naririnig na niya ang ingay mula sa loob. Sa labas ay naroon ang iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada at marahil ay pag-aari ng mga estudiyanteng dumalo sa party. Hindi basta-basta ang college university na pinapasukan niya, kadalasan ay mga estudiyanteng mula sa may kayang pamilya ang nag-aaral doon, ang mga walang ganoong salapi ay binibigyang ng prelibihiyong makapag-aral sa pamamagitan ng scholarship.

Pinuno ni Sabrina ng hangin ang kanyang baga bago humakbang papasok sa gate na nakabukas. Mga tawanan at hiyawan ang sumalubong sa kanya pagpasok. Tumigil siya sandali at iginala ang mga mata sa paligid. May malaking swimming sa gilid ng bahay na tinambayan ng mga nagkakatuwaang college students, may mga nagswi-swimming. May mga pamilyar sa kanya, mayroon ding hindi.

Iniisip pa niya kung aalis na lang ba o magtuloy-tuloy na nang matagpuan ng kanyang mga mata si Stacy na nakasandal sa haligi ng bahay at naninigarilyo. Nang makita siya nito ay ngumisi ito sa kanya at kinuha ang selpon na nasa bulsa ng suot na maikling short. She puffed the smoke before typing in her phone.

Nakangising binasa ni Stacy ang reply ni Tom, miyembro rin ng basketball ng eskuwelahan nila. Handa na ang lahat ng plano niya, ang kailangan na lang ay si Sabrina. Stacy hated Sabrina for getting Apollo's attention. Or maybe she envied the girl. Whatever it was, she will make her pay. Noon pa mang una niyang makita si Apollo ay nagustuhan na niya ito. He's handsome, rich, smart, talented, and he owned a smile that would charm every eve. Dahil sa rejection ni Apollo ay nasaling ang pride niya at nang mabalita ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Sabrina ay alam niyang may mga estudiyanteng nangangantiyaw sa kanya. Apollo was popular in their University.

Itinapon ni Stacy ang stick ng sigarilyo sa sementadong pavement at inapakan, pagkatapos ay nilapitan si Sabrina. "Follow me."

Naiinis man ay tumalima pa rin si Sabrina, nakakunot ang kanyang noo habang papasok sa loob ng bahay. Hindi niya alam kung bakit may mga magulang hinahayaan ang mga anak na mag-organisa at dumalo sa ganoong party. Tipikal na college party iyon kung saan may mga hormonal college students. Mausok din sa loob at maraming alak sa paligid.

Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Sabrina na pag-aralan pa ang paligid at mga taong naroon dahil hinawakan siya ni Stacy sa braso at inilagay ang isang daliri sa tapat ng mga labi. Sumesenyas na tumahimik siya. Kapagkuwan ay itinuro ang kinaroroonan ng tila isang living room. Tanging shelf ang nakaharang sa kanila at sa kinaroroonan ng sala kung saan nakikita niya si Apollo na kasama pa ng ibang pamilyar na mga tao. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa habang kausap ang isa pang miyembro ng basketball team at umiinom ng hawak na beer. Hindi pa naman ito mukhang lasing.

Tiningnan ni Sabrina si Stacy habang magkasalubong ang kilay. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong mangyari at nagtatago sila roon. Hawak-hawak din siya nito sa braso upang 'di siya makaalis.

"Just wait and watch," bulong ni Stacy kay Sabrina na para bang maririnig ng mga nasa sala ang sinabi nito sa kabila ng ingay sa paligid.

Ibinalik na lang ni Sabrina ang pansin kay Apollo at naghintay gaya ng sinabi ni Stacy. Kung ano ang hihintayin ay hindi niya alam. Subalit aaminin niyang nagsisimula na siyang kabahan, na lalong nadagdagan nang marinig ang tanong ni Tom kay Apollo.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now