CHAPTER 7

1.6K 95 3
                                    

(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)


NAKANGITI si Sabrina nang bumukas ang pinto, ngunit hindi si Apollo ang sumalubong sa kanya. "Hi," bati niya kay Lucas na pinsan ni Apollo na nagbukas ng pinto.

"Hey, Polo's in the kitchen."

Tinanguan ni Sabrina si Lucas bago tumungo sa kusina. Naratnan niya roon si Apollo na nasa harap ng kalan at nagluluto. Napailing-iling siya ng makitang nakikipagbuno ito sa tumatalsik na mantika. Sumandig siya sa lamesa at nakahalukipkip na pinanood ito hanggang sa bumuntung-hininga ito at pinatay ang apoy. Mukhang tapos na ang pagpiprito nito ng isda.

Napangiti si Sabrina nang lumingon ito sa kanya at mukhang nagulat nang makita siya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang kasintahan na niya si Apollo.

Noong umamin ito sa kanya sa ikalabing-walo niyang kaarawan at halikan siya ay sinampal niya ito at mabilis na tumalikod dito, iniwan ito at sumakay ng taxi pauwi. She was shocked beyond words, she doesn't know how to deal with it. The next day, she tried her best to avoid crossing paths with Apollo. But he cornered her, declared his love again, and made her confessed that she had a crush on him. Ni hindi na nga niya matandaan kung paano siya nito napaamin, marahil ay kusa iyong lumabas sa kanyang dibdib.

Simula nang araw na iyon ay determinadong itinalaga ni Apollo ang sarili bilang boyfriend niya kahit na sawayin niya ito. Ngunit hindi ito nagpapigil at araw-araw siyang sinusuyo kaya hindi katagalan ay hinayaan na lang niya ito. If she'll be more honest with herself, she loved the feeling of being loved by him. Now, their relationship was almost two years.

"You're here!"

Sabrina rolled her eyes and watched him walked towards her. "Of course, gusto kong bumawi sa nangyari kahapon." Kahapon ay inanyayahan siya nitong lumabas ngunit tumanggi siya at alam niyang na-dissapoint ito sa kanyang sagot.

"Good." Sabay hapit ni Apollo sa bewang si Sabrina at pinatakan ng halik ang mga labi.

Tinulak ito ni Sabrina sabay hampas sa balikat. "Your cousin is in the living room," banta niya rito at pinanlakihan ito ng mga mata.

Apollo just chuckled before pulling the chair beside her and motioned her to take a seat.

"He's helping me to fix my things. Malapit na rin naman kaming matapos," anito habang inihahanda ang lamesa.

Apollo was moving in that house, his mother's old house, the place where he confessed to Sabrina almost two years ago. Mas malapit kasi iyon sa university at gusto niya ng sariling space. Pumayag naman ang kanyang ina dahil nasa tamang edad na naman daw siya para magdesisyon. He was twenty nearing twenty-one and his parents already trust him to make wise decisions.

"You're so cute," Sabrina uttered unannounced. Nakakunot ang noo na nagtaas ng tingin si Apollo sa kanya na inaayos ang lamesa para sa tanghalian nila.

"You're weird."

"I know right," Sabrina answered unaffectedly and smiled at him. Apollo was so charming and he's such an ice candy. She can't still believe that he loves her though he was making an effort of showing her his love every single day.

Apollo shook his head amusedly while looking at her face that had a huge grin plastered on it.

NANINIKIP ang dibdib na kinatok ni Sabrina ang pinto ng bahay ng kasintahan. Hindi siya matagal na naghintay dahil agad naman nitong binuksan ang pinto at napakunot ang noo nang makita ang kanyang mukha.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon