CHAPTER 6

1.6K 94 0
                                    

Sabrina and Apollo had been the best of friends until college. They go to the same university and they enrolled in the same course.

Sabrina didn't like the course she was taking but she had no choice, her father insisted on it no matter how hard she tried to tell him that she wanted something else. Ang tanging pakunswelo niya ay naroon si Apollo at pinapagaan ang kanyang mga alalahanin.

Naroon si Apollo palagi upang pakinggan ang kanyang mga hinaing sa buhay, minsan ay binibigyan siya ng payo at pinagsasabihan kung nakagawa siya ng mga maling desisyon. Apollo had been a good friend to her. Ito lang ang tanging maituturing niyang naging malapit na kaibigan niya talaga, pero nunkang sasabihin niya iyon dito, siguradong tutuksuhin siya nito.

Apollo was a gentleman, he was smart, funny, friendly, he had a great sense of respect towards others, especially to older people. He's every girl ideal man, in fact, a lot of people adored him. Sa katunayan ay may mga babae ngang estudiyante sa university nila ang nagpapadala ng bulalak, sulat at mga tsokolate rito na sa kanya napupunta. Ang iba ay hayagang sinasabi ang pagkagusto kay Apollo ngunit nginingitian lang iyon ng kaibigan.

May napapabalitang naging girlfriend ni Apollo ang isang miyembro ng cheering squad ng university ngunit alam niya ang totoo. Apollo was a part of the varsity team of the school, maybe that's why he easily captured every girl's attention. Not to mention his boyish smile that would melt every girl's defenses and will turn their knees to jellies. Subalit mula nang makilala niya si Apollo ay hindi ito nagkaroon ng relasyong romantiko sa isang babae.

Sabrina was part of those people who adored him. She had a crush on Apollo since they were high school, marahil ay dahil sa palagi silang nagkakasama ay naging immune na siya sa presensiya nito at kaya niyang kontrolin ang emosyon tuwing malapit ito. Isinantabi niya ang paghangang nararamdaman sa kaibigan bilang lalaki, every time they were together, she will remind herself that he was her friend and she doesn't want to ruin the relationship they had.

Siguro ay masasabi niyang safe naman ang panghangang nararamdaman niya rito. Besides, everyone liked him.

"Is there a problem?" tanong ni Apollo sa kaibigan na kanina pa bumubuntung-hininga habang naglalakad sila sa hallway ng university.

Sinulyapan ni Sabrina si Apollo sa kanyang tabi kapagkuwan ay muling nagbuga ng hangin. "Si dad, sinabi ko na namang magshi-shift ako sa ibang kurso."

"He got mad?"

She smiled at him bitterly. "What do you expect?" Dahil sa sinabi ay pinigilan siya ni Apollo sa braso at inilihis ang manggas ng kanyang damit. "What are you doing?" She pushed his hands away and looked at him as if he had grown two heads.

Nakahinga lang ng maluwag si Apollo nang makitang wala itong pasa. "Let's go malling?" suhesiyon ni Apollo na banayad na pinisil ang ilong ni Sabrina.

"Wala ka bang praktis ngayon?" tanong ng dalagita habang masama pa rin ang pagkakatingin dito. Bilang sagot ay hinawakan ni Apollo ang kanyang kamay at naglakad palabas ng university. "This is a very bad idea." Nakasakay na sila ng taxi ni Apollo, doon lang niya naalala ang kanyang ama. Alam niyang hindi ito matutuwa kung malalaman nitong naglakwatsa siya sa oras ng klase. Well, wala naman siyang pasok sa paghuling-period niya dahil nagkasakit ang kanilang professor at mamaya pa siya susunduin ng driver nila.

Hindi madali para kay Sabrina ang naging buhay niya sa nakalipas na mga taon. Bagaman ay hindi siya masyadong pinapansin ni Bernardo ay napaka-higpit nito. Alam nito ang mga galaw niya na para bang may mga tao itong inatasan upang i-monitor siya. Hindi siya maaaring lumabas kung hindi man siya pupunta sa university o 'di kaya'y may group project. Hatid sundo siya ng driver na nagre-report din sa kanyang ama. She hated that part of her life, but she can't do something about it.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon