CHAPTER 15

1.6K 85 5
                                    

EMERALD'S NOTE: The triplets (Whiskey, Martini, and Brandy) parents' have a story po. It is already published and completed here in Wattpad! Check out Eugene and Vodka's story entitled 'Gin and Vodka' and is part of the Tipsy Talk Trilogy.

Sanford Series 5: Melting Me Softly is posted raw and unedited. Encountering errors while reading is inevitable. Enjoy reading!

■■■■■■■■■■■■
SHE WAS peacefully watching the waves as they hit the big rock she was sitting on. Just below her feet that were hanging on the edge of the rock, the water caused a huge splash when they crashed.

She sighed softly then filled her lungs with the sea breeze. The saltiness of the air was tickling her nostrils, after almost a month of staying there, she became familiar with the smell of the air.

Nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kulay kahil na kalangitan. Ang simoy ng hangin ay lumalamig sa paglipas ng oras tuwing sumasayad sa kanyang basang katawan. Ang tubig ay tumataas at ilang minuto nala'y maitatago na ang batong kanyang tinutuntungan.

Ilang metro ang layo niya mula sa pampang, kapag mababa ang tubig ay lumilitaw ang batong kinaroroonan niya. Maya-maya lang ay maglalaho iyon mula sa katubigan at muling lilitaw kinabukasan.

"'Te, gipangita na ka sa kusina!"

Agad siyang napasulyap sa may-ari ng tinig nang sumigaw na iyon. Si Maymay, isang bateng babae na wala pang sampung taong gulang. Kumakaway ito sa kanya habang nakangiti. Gumanti siya ng kaway rito at tumango, agad namang bumalik ang bata sa pinanggalingan.

Nakakaintindi siya ng bisaya bagamat ay hindi siya masyadong matatas sa paggamit ng diyalektong iyon. Ang kanyang Mommy ay nanggaling sa Visayas at Bisaya ang unang natutunang salita. Noong nasa Alaska sila ay malimit itong gumamit ng salitang Bisaya. She got curious with the dialect that was used in some parts of Mindanao and Visayas Region, she asked her mother to teach her Bisaya words even just the basic ones. And she was glad that she did, nagagamit na niya ang mga natutunan mula sa kanyang ina.

Maingat siyang bumaba sa malaking bato upang hindi madulas at maihampas ng mga alon. Nilangoy niya ang patungo sa pampang at nang makaahon ay dinampot ang boteng lalagyan niya ng tubig na nasa buhangin.

Habang naglalakad pabalik sa cottage na kanyang tinutuluyan ay inilibot niya ang mga mata sa paligid.

Ang buhanging kanyang nilalakaran ay pino't maputi ang kulay kaya komportable siyang magyapak.

May mga hilira ng mga open cottages na ilang metro ang layo sa dagat. Tipikal na cottage na gawa sa nipa at kawayan, kulay brown ang pintura ng mga haligi at kulay berde ang bubong. May mga maliliit at meron ding malalaki na may kasamang videoke machine.

Sa isang closed cottage siya tumuloy upang kumuha ng damit na pamalit. Kagaya ng mga open cattages ay gawa rin iyon sa nipa at kawayan. Simple lang ang yari na lalong nagpapaaliwalas sa paligid. Kapagkuwan ay tumuloy siya sa gilid na bahagi ng beach resort kung nasaan ang hilera ng mga banyo upang maglinis ng katawan.

Halos isang buwan nang mapadpad siya roon. Isang isla sa Mindanao at nabibilang sa mga lugar sa Davao Region, ang Samal Island. Mahigit kumulang kinse minutos ang layo ng Isla sa Davao City, at tanging sasakyang pandagat ang transportasyon para makarating doon. Buong buhay, bago siya napadpad doon, ay hindi pa niya naririnig ang Isla. Wala siyang ideya kung anong lugar iyon.

Mahigit isang buwan na ang nakakalipas mula nang umalis siya ng walang tiyak na direksiyon. Ang sinakyan niyang bus ay patungo sa isang probinsiya sa Luzon subalit hindi siya makapanteng tumigil doon dahil pakiramdam niya'y mahahanap pa rin siya ng kanyang ama.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now