CHAPTER 10

1.6K 93 2
                                    

DINALA ni Sabrina ang bote ng bagong bukas na wine sa bibig at tinungga. Nakaupo siya sa gilid ng dingding ng kanyang silid at nakatingin sa labas ng salamin. Bahagyang nakahawi ang makapal na kurtinang nakatabing doon kaya malaya niyang nakikita ang nagkikislapan at makukulay na mga paputok sa himpapawid, bagaman ay hindi niya naririnig ang mga ingay na mula roon.

The silence inside her room was deafening and melancholic. Nakadagdag pa ang kadiliman sa kalungkutang nararamdaman. Hindi na niya pinagka-abalahang magbukas ng ilaw, mas gusto niya sa dilim at nag-iisa. Sanay na siya at parang naging normal na iyon sa kanya.

Sa loob ng siyam na taon ay palagi siyang nag-iisa sa araw na iyon. Kung ang iba ay kasama ang kanilang mga pamilya habang siniselebra ang pasko at puno ng kasiyahan, may mga katulad niya na walang kasama at malungkot.

Kagabi ay maaga siyang natulog at walang balak na magising sa hatinggabi, subalit binulabog siya ng text messages bilang pagbati mula sa kanyang sekretarya at kay Alson na mukhang wala siyang balak tigilan hanggang sa magreply siya.

Pagkatapos niyang patayin ang cellphone ay babalak na sana siya sa pagtulog subalit hindi na siya makatulog kaya heto siya ngayon, nakatingin sa labas ng dingding at pinapanood ang mga makukulay na fireworks.

Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga sulok ng kanyang mga mata habang hindi tinitigilan ang alak na iniinom. Ngunit alam niyang hindi tutulo ang kanyang mga luha kahit na sinaniban ng lungkot ang kanyang katawan.

She had been like that for nine years, she can't cry. It seemed like her tear ducts went dry and they can't produce tears anymore, Kahit sobrang sakit at sobrang hirap ay hindi siya makaiyak. Sinumpa niya noon na hindi na iiyak kahit anumang mangyari, kaya iyon marahil ang dahilan kung bakit walang lumalabas na luha mula sa kanyang mga mata.

Hindi niya alam kung anong oras siyang nakatulog habang nakasandal sa dingding. Kinabukasan ng magising ay dala pa rin ang natirang alak sa isang kamay at bumaba sa unang palapag ng kanyang bahay. Bahagya siyang nahihilo dahil sa mga nainom bagaman kaya pa niyang maglakad at magluto upang malamnan ang kumakalam na sikmura.

Napasabunot na lang siya sa kanyang mahabang buhok nang makitang walang laman ang kanyang refrigerating kung 'di tubig at wala siyang nakikitang puwedeng lutuin sa kanyang cupboard. Doon niya naalalang ilang araw na siyang hindi nakakapag-grocery.

Tatawag na sana ng delivery ng pagkain si Sabrina nang marinig ang mga impit na tunog na nagpakunot sa kanyang noo. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo at sinundan ang tunog na naririnig. Dinala siya ng mga paa sa harapang pinto ng kanyang bahay. Nakakunot pa rin ang noong binuksan niya iyon at sandaling natigilan nang makita ang isang maliit na aso na nakalagay sa loob ng dog cage.

The puppy was looking at her with its misty eyes while crying nonstop. Sa tantiya niya na ay dalawang buwan pa marahil ito mula nang maipanganak.

Parang nahuhulaan na niya kung sino ang naglagay roon ng aso kaya dinampot niya ang card na nakabungkos sa cage nito at binasa ang nakasulat doon.

Agad na kinuyumos ni Sabrina ang card nang makompirmang galing iyon kay Apollo. He had the audacity to greet her with a merry Christmas where in fact he was one of the reasons why she was miserable at this supposed to be a merry day!

For five years now, Apollo had been consistent in giving her gifts during occasions, be it Christmas, New Year, or her birthday. But every time she received a present from him, she always returned it. At hindi magbabago 'yon dahil lang sa pagbibigay nito ng aso na kamukha ni Archie, ang asong tinulungan niya noong pinagpapalo ito ng mga estudyanteng kagaya niya. Hindi niya alam kung buhay pa ba ang asong iyon hanggang ngayon.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now