CHAPTER 13

1.6K 89 2
                                    

(WARNING: This part contains strong and potentially offensive languages, highly explicit and excessive sexual activity that may be offensive or disturbing and is not suitable for young readers and sensitive individuals. You have been warned.)


SA ISANG bar nagtuloy si Sabrina pagkatapos niyang iwan si Apollo sa loob ng kanyang opisina. Pauwi na siya at nakita niya ang nagkikispalang signage ng bar kaya pumasok siya sa loob.

Hindi siya madalas uminom at madali lang din siyang malasing ngunit nakapunta na siya sa bar noon maka-ilang beses na at nag-iisa.

Tuloy-tuloy ang inom niya ng alak na siyang napagbuntungan niya ng inis kay Apollo dahil sa ginawa nito at sa naging reaksiyon ng kanyang katawan. She should've pushed him right when his lips landed on her. She did not just let him, she was closed to responding.

She hated that organ inside her chest for being affected by his boldness. She should not feel this way, hindi dapat nahaluan ng damdaming iyon na matagal na niyang kinalimutan ang kanyang dibdib. Hindi niya mapaniwalaan na may ganoong epekto pa rin sa kanya ang halik ni Apollo.

Tahimik na umiinom si Sabrina sa maingay na bar na iyon habang nakaupo sa harapan ng bar counter nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Tumayo lang ito habang siya ay nakaupo at napakalapit nito sa kanya.

Wala siyang balak na pansinin ang lalaki na alam niyang nakatingin sa kanya habang umiinom ng alak. Hanggang sa dumantay ang isa nitong braso sa kanyang balikat at bahagyang nanghimas sa kanyang balat.

"Kailangan mo yata ng kasama, babe. Kanina pa kita tinitingnan at alam kung may pinagdadaanan ka," bulong ng estrangherong lalaki sa tainga ni Sabrina.

Gustong mapangiwi ng dalaga nang malanghap ang mabaho nitong hininga na naghalo ang alak at amoy ng siguro at marahil ay droga, hindi niya alam kung ganoon nga.

"Take your hands off me," she muttered coldly.

"Anong sinabi mo?" tanong ng lalaki na inilapit ang mukha sa dalaga dahil hindi narinig ang sinabi nito.

"Alisin mo ang kamay mo bago pa 'yan mawala sa katawan mo," muling banta ni Sabrina, sa pagkakataong iyon ay sigurado siyang narinig na ng lalaki.

"Pa-hard to get ka ba? Mga babae talaga! I'll play your game, babe."

Puwersadong inilapag ni Sabrina ang basong wala ng laman at binalingan ang lalaking nakangisi na ngayon sa kanya at hinahagod siya ng tingin nang puno ng malisya.

Malakas niyang hinala ang buhok ng lalaki na nagulat sa kanyang ginawa at napasigaw dahil sa lakas ng kanyang pagkakasabunot. Kapagkuwan ay inalis niya ang braso nito na nakaakbay sa kanya at pinilipit iyon na lalong nitong ikinasigaw dahil sa sakit. Hindi siya nakuntento sa ginawa at malakas na sinipa ang tuhod ng lalaki na natamaan ng kanyang sapatos kaya napaluhod ito sa sahig.

"I told you to get your hands off me," she said indifferently while looking down at the man. Nang makita ang mga lumapit na bouncer ay marahas niyang pinakawalan ang buhok at braso ng lalaki. Lahat na yata ng mura ay ibinato nito sa kanya habang hinihila ng mga bouncer.

Tila walang nangyari na muli siyang umupo at umorder ng maiiinom. Kahit na ramdam niya ang mga mata ng mga taong nakakita sa kanyang ginawa. She was good at ignoring people.

Hindi namalayan ni Sabrina ang oras habang umiinom. Hindi na rin niya alam kung nakailang shot siya ng alak. Nang makaramdam ng matinding hilo ay doon lang siya lumabas ng bar. Pumara ng taxi at nagpahatid pauwi dahil hindi na niya kayang mag-driver. Ni hindi niya makita ng maayos ang kanyang dinadaanan dahil dumoble na ang kanyang paningin.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now