CHAPTER 17

1.5K 80 2
                                    

TANGING ANG liwanag ng buwan ang ilaw na siyang tumatanglaw sa kanya. Mula sa kinauupuan, sa ibabaw ng nakausling bato sa gitna ng tubig, ay natatanaw niya ang mga ilaw mula sa Davao City. Low tide kaya hindi masyadong malaki ang tubig sa parting kinaroroonan ng malaking bato.

Isang malalim na buntung-hininga ang kanyang pinakawalan bago tumingin sa karagatang natatanglawan ng sinag ng buwan. Nag-iisa lang siya roon, sa dalampasigan ay wala na ring mga tao dahil nakauwi na ang guests nila ngayong araw na mga guro ng nag-iisang unibersidad sa islang iyon.

Aside from its peaceful, the island was beautiful too and the people were friendly. Sa nagdaang mga araw ay kapayapaan ang namayani sa kanyang dibdib habang naroon, subalit mula ng araw na makita niya si Apollo roon sa isla, sa mismong beach resort kung saan siya tumutuloy, ay nagbago ang lahat. The peace she was feeling suddenly turned to uneasiness and frustration.

Akala niya noong una ay aalis din si Apollo kalaunan kapag patuloy niya itong hindi pansinin. Ngunit magsi-siyam na araw na ay naroon pa rin ito at mukhang balak pang magtagal. Ang mga nagtatrabaho roon, pati na ang may-ari, ay nakikita niyang nakahulihan na nito ng loob.

Iyon ang rason kung bakit hindi siya makatulog, ilang gabi na siyang maayos na tulog dahil sa presensiya ni Apollo. Naisipan niya kaninang lumangoy upang mapagod at pagbalik sa kanyang cottage ay agad na makatulog.

Gusto muna niyang titigan ang kalagitan na puno ng mga bituin at ang makinang na buwan. Tila kay lapit ng mga iyon at tila maabot ng kanyang mga kamay. Bihira lang siyang makakita ng ganoon kagandang tanawin sa kalangitan mula sa kanyang pinanggalingan.

"Sabrina..."

Wala sa loob na napatingin si Sabrina sa dalampasigan nang marinig ang tila'y pag-usal ng kung sino sa kanyang pangalan na dinala ng malamig na hangin sa kanyang direksiyon. Naiyakap niya ang mga braso sa kanyang katawan at malalim na napabuntung-hininga nang makita ang isang bulto ng tao sa may pampang. Nakatalikod ito sa isang ilaw na nakasabit sa may puno kaya hindi niya makita ang mukha nito pero alam niyang si Apollo iyon. Hindi maaapektuhan ang tibok ng kanyang puso kung hindi.

"Let's talk," sabi ni Apollo na sapat lang upang marinig ng dalaga. "Please... Come back here."

Hindi nakikita ni Sabrina si Apollo ngunit tila nailalarawan niya sa kanyang gunita ang mukha ng binata sa oras na iyon. He sounded begging and she was sure that it was also written on his face.

Inalis niya ang kanyang tingin dito at muling itinuon ang mga mata sa malilit na ilaw na nakikita sa katabing city ng isla. She doesn't want to talk to Apollo, she doesn't want to hear what he was going to say to her. She was scared. Natatakot siyang baka magbago ng tuluyan ang nararamdamang pagkamuhi para rito kapag narinig ang paliwanag nito. Natatakot siyang aminin sa sarili na naroon pa rin sa kanyang dibdib ang mga damdaming matagal na niyang itinakwil.

She's maybe tough in the eyes of many people, but she had a lot of fears. She was good at masking her emotions and she wanted to remain that way.

Isang malaking kahibangan ang ginawa niyang pakikipagtalik kay Apollo noong gabing napunta siya sa bahay nito. Isang patunay na sa kabila ng mga nakalipas na taon ay may puwang pa rin ito sa kanyang puso. And she hated herself for that. For letting him owned her that night and for giving the wrong address to the taxi driver. She doesn't know what's gotten to her that night, perhaps she was that drunk.

That night they shared was one of the reasons why she ran away. She can't face him out of shame. Siya ang hindi pumapansin dito sa mga nakaraang taon subalit siya ang nagpasimula ng lahat ng gabing pinagsaluhan nila ang init ng isa't isa. Mahirap na makaharap muli si Apollo dahil muli niyong pinapaalala ang nangyari sa kanila.

Melting Me Softly (Sanford Series #5) [COMPLETED]Where stories live. Discover now