Special Chapter

2.7K 92 19
                                    

Special Chapter




"Blaire. Please wake up already." Nagising ako sa mga boses na naririnig ko sa aking paligid. Dahan-dahan kong iminulat ang mga ko at naaninaw ko ang mga mukha nilang malapit sa akin.

"Omg, she's finally awake. Call your dad." Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Wala akong nararamdaman, I can't feel my hands nor my feet. Anong nangyayari?




Hinalikan ni Mommy ang pisngi ko but I can't feel her lips on my cheeks. Bakit ako nagkakaganito? Ano ba ang nangyari?





"I can't feel my body, anything," ani ko at nanlaki ang mga mata ni mommy kaya agad naman siyang lumabas ng kwarto.

"She will be fine, Mrs. Warzen. Kakagising niya lang pagkatapos ng halos apat na taon niyang pagtulog." Lumabas ang isang matandang nakasuot ng white coat at tinapik ang balikat ni mommy.

"What happened? Anong halos apat na taon?" Tanong ko at hinaploas naman ni mommy ang buhok ko. "Long story. Kaya dapat bilisan mong magpagaling." Napakunot naman ang noo ko. Ba't ba ako nakahiga rito?





I slowly regained my equilibrium. Nakakalakad na ako. I can finally feel, taste and smell anything. Halos maiyak na ako sa mga nagdaang buwan.






"Hi, ate! You look... you," ani Jack at tinignan niyo ako pababa. Bakit? Nagbago ba ako? Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Nang-iinis na naman si Jack dahil may drawings ang mukha ko.





Hinabol ko si Jack na ngayo'y tumatakbo palayo. Bwisit kang bata ka!





Bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ni Jace at lumabas siya, "Ba't ba ang ingay niyo?" Kinusot niya ang mga mata niya bago niya kami nilapitan





Napansin kong tumangkad si Jace kaya tinignan ko naman agad si Jack. "Bakit ang tangkad niyo na ha?" Tanong ko sa kanila habang tinuturo sila.






Narinig kong huminga ng malalim si Jace, "It's been four years, ate." Tumawa naman ako ng napakalakas kaya nagkatinginan silang dalawa.

"Nabaliw ka na ba, ate?" Lumapit si Jack sa akin at tinignan ulit ako pababa na nakakunot ang noo niya. Anong baliw? Sila ang baliw.

"Jack and I are 14 years old already. Ate, nakatulog ka ng halos apat na taon. You missed four years of your life."






So, that means, 20 years old na ako. Itinuro ko ang sarili ko at tumango sila. "You were unconscious because of what happened four years ago." Umupo si Jace sa sofa kaya tumabi naman ako.

"Tell me." Wala talaga akong natatandaan maliban sa isang academy na nagngangalang Mystique Academie.






May napanaginapan akong may mga kasama akong dalawang babae pero hindi klaro ang mukha nila. Hindi lang dadalawang babae, marami raw akong nakakasalamuhang tao.





"Seryoso ka ba, Jace? Sasabihin mo kay ate ang lahat?" Sinamaan ko naman ng tingin si Jack na seryoso ang mukha. "She will know it anyways." Nagkatitigan naman sila na parang mag-aaway na maya-maya.

"Ano? Sasabihin niyo ba o hindi?" Tanong sa kanila at napahawak ako sa kaliwang mata ko dahil nakaramdam ako ng init galing dito. What the hell?

Lumapit naman silang dalawa. "Mirror," ani ko at agad naman nila akong inabutan ng salamin. Halos malaglag ang panga ko nang makita ko ang aking mata.





Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon