Chapter VIII : 3rd Day

4.3K 215 60
                                    

Denise's POV



Tamatakbo kami ngayon papuntang clinic, this is her 2nd trouble. Why can't they just leave her alone? Nakakainis naman. Lagot talaga yang babaeng yan sa akin kung may nangyaring masama kay Nicah. I don't care kung royal si Gabby. Anlayo sa itsura niya ang kaniyang ugali.




"She's okay now, hindi naman masyadong malala ang mga sugat niya. She needs some rest," sabi ni maam Lauren at ngumiti siya. Tumabi naman si maam Lauren sa tabi namin ni Riza.


"Sinasanay niyo pala si Nicah these days. Sana matulungan niyo siya. She really needs to know her ability as early as we can," sabi ni maam Lauren at tumango naman kami.


"Ate Lauren, kung may mga pasa si Nicah galing sa mga trainings, sana matulungan ninyong agapan agad," nag-aalalang sabi ni Riza at tumango naman si maam Lauren bago ngumiti. Nilingon ako sa mga lalaki, bakit ang tahimik nila?
ko ang mga lalaki na tahimik lang sa isang gilid.

"Who is she anyway?" tanong ni Jerome kaya napatahimik si maam Lauren.

"Zhen, can you control her hand?" tanong ni Riza. Nagulat naman ako sa pinagawa ni Riza kay Zhen gayundin sina Clark. Umayos si Zhen para kontrolin ang kamay ni Nicah pero nagulat na lang kami ng mapailing siya.

"Seryoso? Top one ba ang nasa harap natin?" patawang tanong ni Jerome. Kaya sinamaan naman ni Riza ng tingin si Jerome.

"Even kami ni Denise, we can't use our ability to her," paliwanag ni Riza kaya napatingin sila sa kanya.

"How? Then why can I sense her? Bakit ko alam na malapit siya sa cr ?"  tanong ni Clark. So ang mga ability lang namin ang hindi tumatalab kay Nicah?

"She's awake," sabi ni Zhen kaya lumapit kami sa kanya.

"Nicah! Kilala mo ba pa rin kami? Ilan ito?" sunod-sunod na tanong ni Riza kaya binatukan ko siya. Ang OA niya kasi. Bumaling ako kay Nicah na nakataas ang isa niyang kilay.

"Hindi." Lumaki ang aming mga mata sa sagot na narinig namin kay Nicah

"Talaga? Hindi mo na kami naaalala?" Ilang segundo na lang ay bubuhos na ang luha ni Riza

"Aishhhhhhhhhhhh" Nakahinga kami ng maluwang nang marinig namin si Nicah






Nicah's POV




Sakit ng ulo ko, nafefeel ko na nakahiga ako. Minulat ko ung mata ko, white ceiling, clinic.


"She's awake." Pamilyar ang may ari ng boses na iyon

"Nicah! Kilala mo ba pa rin kami? Ilan to?" sunod-sunod na tanong ni Riza.Hindi naman ako nasagasahan para kailangan pa niyang itanong ang mga yan.

"Hindi," panglolokong sagot kay Riza

"Talaga? Hindi mo na kami naaalala?" OA talaga niya kahit kailan

"Aishhhhhhhhhhhh" ito na lang ang nasabi ko.





Lumabas na kami sa clinic. Nang makarating kami sa Hallway ay pinapanood kaming naglalakad. Kasi naman, nasa likod naman ang "famous" na royal. Nakakainis talaga, hindi ko sana mararanasan ang ganito kung ang totoong pangalan ko ang aking ginagamit ngayon.





"How dare she steal Z from us," sabi ng isang babae. Ay wow, sa inyo pala siya. Edi isaksak niyo sa mga baga niyo

"Nakakainggit girl, ako na lang sana siya" girl 2
"Psssshh, hypocrite" ano raw? Hypocrite? Ako? What the hell. Baka kayo, tsk talaga. Tsk tsk tsk

"Bukas, training ulit dahil tatlong araw na lang ang natitira kaya bilisan na natin," sabi ni Clark at naghiwalay na kami ng landas.





Nakarating na kami sa dorm, gusto ko nang magpahinga. Pagkatapos naming kumain ay nauna na ako sa aking kwarto at umupo sa study table . Pinagmasdan ko muna ang ibinigay ni lola sa akin na crystal bago ko ito hinawakan.



Naalala ko na naman ang sinabi niya sakin noon. Habang hinahawakan ko ang crystal ay muntik ko nang mabitawan ito nang bigla na lang na umilaw. First time ko lang na makitang umilaw ito. Paano?





*tok tok tok*




"Nicah, matulog ka na. Gabi na oh," sabi ni Riza sa labas.

"Okay." Humiga na ako sa kama habang hawak-hawak ko pa rin ang crystal pero nawala na ang ilaw nito. Paano umilaw ito? 







Zhen's POV





Third day of training ni Nicah at ngayon lang ako sumama. Bakit ba ako pumayag na sumama? Pinili ko lang sana na mapagalitan ulit pero buti na lang pina-excuse kami ni headmistress dahil ayaw kong makinig sa klase.




Despite all of these, I am willing to help her. 



"Prince Zhen," tawag ni Jerome sakin

"Cut the prince, will you?" sabi ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin.

"Ito naman oh. Psshh. Oo alam ko, noon mo pa kami pinagsabihan," sabi ni Jerome at lumapit kay Clark.

"Makakaya ba ni Nicah?" tanong ni Jerome. Pinagsasabi neto?

"Ofcourse, siya pa? Sungit kaya niya. Makakaya niya yan," sagot ko sa tanong niya kaya napansin kong sabay nila akong nilingon.

"Wow bro. Haba ng sinabi mo ah," sabi ni Jerome at tumawa siya. Kaya umiwas ako ng tingin dahil sa hiya.

"Shut up." 






Nakaupo silang tatlo nang madatnan namin sila rito sa gymnasium. Lumapit kami sa bench na malapit sa kinauupuan nila at inilapag ang mga gamit.





"Finally, meron na rin. Tagal ah," reklamong sabi ni Riza at umirap ito kay Jerome.

"Andiyan na naman kayo. Simulan na nga lang natin." Pagputol ni Denise kaya pumwesto na kami.




Worth it kaya itong araw na ito? Malalaman na ba namin ang ability ni Nicah?






Nicah's POV





Phew. Andiyan na, shucks, kinakabahan ako. Paano kung masaktan ako? O kaya makatamo ako ng malalang mga sugat? Sinabi ko to sa kanila through telepathy.




"Okay lang yan Nicah. Just focus and have confidence," sabi ni Denise kaya huminga na ako ng malalim



Pinalibutan nila ako. Hindi ko alam kung sino ang unang aatake. Grabe naman oh. Tinignan ko si Riza. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya huminga ulit ako ng malalim.




Biglang nawala si Jerome kaya ang alam ko nagteleport na siya sa tabi ko kaya agad akong umalis sa pwesto ko. Tama nga, lumitaw siya sa pinanggalingan ko. Good Nicah.






Napalingon ako sa likod at lumaki ang aking mga mata nang may lumilitaw na upuan at naibato ito akin. Oww! Napaupo ako dahil sa lakas ng pagtama nito sa akin. Nakakainis talaga si Zhen kaya tumayo ako agad at ibinato ang upuan sa  kaniya




Napigilan niya ito at ibinato sa likod niya. Naramdam ako ng suntok sa akin tiyan kaya napaubo dahil sa sakit ng tama nito. Napahawak ako sa aking tiyan habang nilingon kung sino man ang sumuntok sa akin




"Come on Nicah! Don't lose your focus!" sigaw sa akin ni Zhen kaya naasar na talaga ako ng sobra. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Nagsanib pwersa silang apat maliban kay Riza kaya tinitigan ko lang si Riza






Bakit? May nagyari ba? Bakit walang akong naramdaman? Humina ang aking mga tuhod at naramdaman kong bumagsak ako. Sinubukan kong imulat ang aking mga mata ngunit malabo ang aking nakikita. May naririnig akong mga yapak na papalapit sa akin, sigaw at mura.



















Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon