Chapter II : New Friends

7.6K 337 45
                                    

Blaire's POV

Nagsimula na akong maglakad. Kahit nasa malayo pa lang ako ay kitang-kita ko na kung paano sila nakatingin sa akin. Psshh... I don't care kung ano man ang sasabihin nila.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa makarating na ako sa mga grupo ng mga estudyante.

" Girl, may transferee?" rinig kong sabi ng isang babae na may makapal na make-up. Duh, buti alam mo. Tsk

"Kaya nga girl. After all these years, meron ulit," sabi rin ng kasama niya na hindi pa masyadong nakapag-ayos ng buhok.

"I wonder kung ano ang power niya," sabi ng isang babae na nakaeyeglass at may hawak na libro.

"Uy pare, mag bagong babae oh," sabi rin ng isang lalaki na may kulay ang buhok. Geez... ano ba ang meron sa mga ito. Hindi manlang nila kayang ayusin ang kanilang mga sarili.

Ipinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa nakapasok na ako sa loob. Wow, ang lawak. That's all I can say. Asan na ba sila Mom?

Wala naman sila rito, akala ko ba'y hihintayin nila ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Mom.


"Sweetie, sorry ah hindi ka na namin nahintay. Dumiretso ka na lang sa office ng tita mo."

"Huh? Tita? Hindi ko pa nga alam na may tita pala ako rito. I don't know where, Mom," irita kong sagot at napabuntong-hininga na lang ako.

"Deretso ka lang sa hallway sweetie then makikita mo ang isang brown na door. Makikita mo naman ang isang template na "Headmistress". Bye," sabi ni Mom at binabaan na niya ako agad. Great just great, kung hindi ko lang love si Mom baka ibinato ko na ang cellphone ko.

Well, easy lang naman. Deretso lang naman pala eh. Habang naglalakad ako, pinagmasdan ko ang loob school, may garden sila, well malawak din. I'm sure hahanap ako ng oras para tumambay rito.

Nasa tapat na ako ng pintuan. Binuksan ko ito at sumilip sa loob, nakita ko si Mom at Dad na nakaupo at kinakausap ang headmistress. Nang tumunog ang pintuan ay napatingin sila sa akin.

"Oh there you are," sabi ni Dad at nagsmile. Malawak din ang office, maraming books.

"Hi," tipid kong bati at umupo rin sa vacant chair na nakaharap sa mga parents ko.

"Blaire, meet your Tita. Queen Lorraine of Frizen," pagpapakilala ni Mom sakin. Tumayo naman ako at nakipagshake hands.

"Finally, I can meet you. Just call me tita," sabi niya at nagsmile. How come hindi ko siya nakikita?

"Well, it is because nakastay lang ako rito sa academy. Wala kasi akong time na lumabas at bumisita," dugtong na sabi ni tita. Wait, nabasa niya utak ko? Impossible. Pagkatapos niyang sinabi iyon at nagsmile siya.

"Blaire, there is only one thing that we're going to say," sabi ni Mom at tumingin kay Dad.

"What is it?" tanong ko at itinaas ang kilay ko

"You're not going to use your real name. In this school, I want you to become an ordinary." Napatayo ako agad dahil sa narinig ko mula kay Dad

What the heck? Bakit?

"Why?"

"Well, para naman walang bias. Kung malalaman nila na isa kang royal, walang lalapit sayo. Gusto namin na magkaroon ka ng fresh start," paliwanag ni Dad at may iniabot na papel.

"Yan muna ang gagamitin mo. Don't worry sweetie, we will introduce you soon as our daughter," paliwanag din ni Mom.

Yeah, since noong bata pa lang ako ay hindi ako pinapalabas ng bahay. Palagi akong nasa loob at kinakausap lang ang sarili, pero hindi naman ako nabaliw.

Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon