Chapter XXII : Crystal-like

3.4K 157 38
                                    


Riza's POV




"Riza, gisingin mo na si Nicah para makapag-ayos na siya para pupunta na tayo," utos ni Denise sa akin habang nag-aayos







Pumunta na ako sa kwarto ni Nicah at kumatok ng tatlong beses ngunit walang sumasagot.






"Nicah, wake up. Pupunta na tayo," sabi ko at wala pang limang segundo at bumukas na ang pinto. Nakapag-ayos naman na pala siya. Nakauniform na at nakaayos ang buhok.

"Ready ka na ba?" tanong ko at tumingin siya sa akin pagkatapos niyang ayusin ang slingbag niya.

"What the hell?!" Napasigaw ako. Totoo ba ang nakikita ko?

"Let's go. I'm ready," sabi niya at nilagpasan na niya ako. Ang lamig ng mukha niya at ngayon ko lang nakita ang mukha niya na talagang ang seryoso, ang lamig.

"Denise, you need to see this," sabi ko habang hinahabol si Nicah at nakita ko si Denise na lumaki ang kaniyang mga mata dahil na rin sa gulat.






Kakaiba si Nicah ngayon. Lumapit ako kay Denise at bumulong sa kaniya





"Tama pala ang sinabi ni ate Lauren. Maybe that thing is connected to her powers," sabi ko habang itinuro ang mata niya at tumango siya.






Nicah's left eye is different. Iba ang kulay at itsura niya Hindi kaya magcocontact lens lang siya at nakalimutan niyang ilagay ang isa?





"Nicah, nakacontact lens ka ba?" tanong ko sa akaniya at tinitigan niya ako. Nakakatakot.

"No," tipid niyang sagot sa tanong ko.






Confirmed. It is her power. 






"Paano na yan?" bulong ko kay Denise.

"Let it be. It is time," sabi ni Denise at ngumiti siya.






Maybe Denise is right. Nicah's eyes are so beautiful. Grabe siya, girl crush ko na ata. Crystal-like ang mata ni Nicah. It is so mesmerizing. Ang gandang titigan pero wait, safe bang titigan?


(A/n : Nasa taas po ung pic. Parang ganun po ung left eye ni Nicah. MWHEHE)






Lumabas na kami sa room namin. Habang naglalakad kami papuntang gymnasium ay napansin kong kakaiba ang mga kilos ni Nicah.



Nakatingin ang mga estudyante kay Nicah. I knew that this will happen and I have a vision na may something na mangyayari mamaya kaya nag-aalala ako. Hindi ko sure kung related ba ito kay Nicah.





"Hindi niya ata natapos ang paglagay niya ng contact lens. Pffft," sabi ng isang babae

"Kaya nga. Hindi manlang sinabi ng mga kaibigan niya na nakalimutan niyang ilagay ang isa," sabi naman nung kasama niyang may makapal na make-up.






As always, hindi namin sila pinapansin hanggang sa makarating na kami gate ng gymnasium at may biglang humarang sa amin.





Well, namiss ko ang mga mukha nila, namiss kong umirap sa kanila.





"Oh my dear. May nakalimutan ka ata," sabi ni Gabby kay Nicah





Hindi pinansin ni Nicah ang sinabi ni Gabby at nilagpasan niya lang si Gabby kaya napansin kong umukyat na naman ang dugo ni Gabby sa ulo niya.





Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon