Chapter VI : Task

4.9K 251 36
                                    

[A/n] I dedicate this chapter to ate eixelbee09 Thank you ate for supporting me. Read her stories especially 'Mistaken Identity' lahat ng mga mystery lovers diyan. Magugustuhan niyo yun. Lovelots 💖.

Anddddddd......

I also dedicate this chapter to ate aki. Akiru_Sakibara. Read her stories also especially 'Mystical University'. Thank you ate for your Support. 🤘 Fantasy on the way.

Thank you po for supporting me, for supporting us.

🌻's

..........................

Nicah's POV

Kumatok si Jerome sa pintuan ng office ni tita at pumasok na kami. Naabutan naming nakaupo si tita sa upuan niya at may binabasa.

"Headmistress, pinapatawag niyo raw kami," sabi ni Clark at ibinaba ni tita ang libro binabasa niya.

"Ah, yes. Alam kong maaga pa kung ibibigay ko na ang task niyo. Kayo kasi ang top students sa academy na ito," sabi ni Tita. Top students? Well, sila, syempre kasi bago pa lang naman ako rito.

"Headmistress bakit kasali si Nicah? Hindi pa niya alam kung ano ba talaga ang ability niya." Sumulyap ng saglit si Riza sa akin bago bumaling kay tita.

"Nice question Riza. Gusto ko na tulungan niyo si Ms. Nicah na ma-activate sng ability niya. That will be your first task bago ko ibigay ang pangalang misyon niyo," sabi ni tita at nagkatinginan silang apat maliban kay Zhen na nakaupo at nagbabasa ng libro.

"I will only give you five days." Lumaki ang kanilang mga mata dahil sa sinabi ni tita. Makikita sa mga mukha nila ang pag-aalala at pag-aalinlangan.

"Pero headmistress---" Hindi na naituloy ni Riza ang sasabihin niya nang sumingit si tita

"Wala na tayong time. Please cooperate with me," sabi ni tita at napansin kong napabuntong-hininga na lang sila bago yumuko

"Sige headmistress, maasahan po ninyo." Tumango si tita sa wika ni Riza bago humarap kay Zhen

"Nga pala Zhen, welcome back," bati ni tita bago kami tuluyang lumabas sa opisina ni tita

"So, kailan natin sisimulan?" tanong ni Riza at napasmile siya.

"To be honest, na-e-excite na ako. Ano kaya ang ability mo?" tanong ni Riza at napahawak siya sa baba niya

"Game ba kayo this wednesday guys?" tanong ni Clark at humarap siya sa amin.

"Sure, after ng klase natin. Doon tayo sa gym," sabi Denise at ngumiti

"I'll pass," tutol ni Zhen sa plano.

"Bakit bro?" tanong ni Jerome at inakbayan siya.

"May gagawin ako," sagot ni Zhen at biglang bumalot ang katahimikan

"So tayong apat ang tutulong kay Nicah," sabi ni Riza at tumango naman na sila. sumulyap ako kay Zhen na walang emosyon ang mukha.



[Next Day ; Wednesday]




Ngayon na ang araw kung saan sasanayin nila ako. Natapos na ang klase at lumabas na ako bago pa ako tuluyang makalabas ay nakita ko si Zhen na nakaupo pa rin sa upuan niya. Talagang hindi siya sasama. Mas maganda siguro kung---. Pinagsasabi mo Nicah, hayaan mo na lang siya na mabulok diyan. Saktong napatingin siya sa akin kaya agad kong iniwasan ang titig niya.

Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon