Chapter VII : Trouble

4.6K 237 63
                                    

Nicah's POV



[2nd Day]


"Yah! Kanina ko pa sinasabi na magfocus ka," bulyaw ni Riza at umirap siya. Hindi ko kasi makuha kung ano ang gusto niya. Kahit ano pa yun ay hindi ko pa rin makuha-kuha.

"Ano muna ang gagawin natin?" Lumapit si Riza at naghalukipkip.

"Telepathy. Common yan, halos lahat ay kaya itong gawin. For us to communicate," sabi ni Clark at lumapit sila Denise at Jerome.

"Subukan natin kaya ikaw magfocus ka kahit ito lang muna matutunan mo ngayong araw na ito." Humarap si Clark sa akin habang seryoso ang mukha niya. Nagseryoso na kami ngayon. Pati ako. Well, to be honest hindi ako seryoso kanina.

"Magpapadala na kami sayo kaya sabihin mo sa amin kung ano ang iyong natanggap," seryosong sabi ni Clark. Pumikit ako para itodo na ang focus. Iminulat ko saglit  aking mga mata at sumulyap sa kanila.

"Meron?" tanong ni Riza. Wow, that fast, nakapagpadala na sila?

"None," tugon ko.

"Isa pa," sabi ni Denise.

"Meron?" tanong ulit nila. What? Wala eh


"Walaaaaaaaa," sagot ko at napabuntong-hininga na lang ako

"Teka lang, nagpadala ba kayo?" seryosong tanong ni Riza sa kanila. Umiwas naman sila ng tingin at bumaling kung saa-saan.

"Kaya pala eh," sabi ni Riza sabay irap sa kanila

"Freak, bakit ikaw nagpadala ka ba?" tanong ni Jerome kay Riza kaya napaiwas din ng tingin  si Riza.

"Eto na talaga, ako na lang," sabi ni Denise at tumingin siya sakin.


"Nicah, can you hear me?" Nagulat ako kasi may narinig ako. Nakaya ko na. Ngumisi ako ago ako humarap sa kanila.


"Yeah, I can hear you now," tugon ko kay Denise. Pero hindi ko ito ipinadala kay Denise dahil hindi ko pa kaya. Napatakip na lang ako sa aking tenga nang tumili si Riza. Masakit sa tenga, alam niyo yun?

"Now, next is, ikaw naman ang magpadala. Try to focus kung kanino mo i-sesend, just don't break that focus or else hindi ito matatanggap," sabi ni Denise at humalayhay silang apat. Try to focus now, Blaire. Huwag mong hayaang masayang ang oras na ito.

"Guys, nagugutom na ako," padala ko sa mga isip nila. Napatingin sila sa akin pero hindi ko makuha ang ekspresyon sa kanilang mga mukha. Natanggap kaya nila?


"Well, tara na," sabi ni Jerome at hinablot ang kaniyan bag. Nagtagumpay ako sa wakas.

"Congrats Nicah. You did it," sabi ni Clark at tinapik ang kanang balikat ko bago sumabay kay Jerome.

"Wahhh, Nicah. Sorry kanina ah, kailangan kasi na maging seryoso ako para masanay ka ng todo," sabi ni Riza at inakbayan ako. Sumulyap naman ako kay Denise at nagthumbs up siya.




Nasa canteen na kami, nagorder na ang mga boys ng ice cream. Wahhh, ice cream.




"Ano ag susunod nating gawin bukas?" tanong ni Riza habang kumakain ng ice cream. Nag-iisip sila habang ako, eto kumakain. Silenceeee.........


Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon