Chapter XXVI : Real Blaire

3.6K 137 6
                                    

Third Person's POV



"Anong sinabi mo?"




Nilingon agad nina Riza at Blaire si Denise na nakatayo sa likod nila. Lumaki ang mga mata ni Blaire nang marinig ni Denise ang pinag-uusapan nilang dalawa ni Riza.





"Kanina ka pa ba riyan?" tanong ni Riza kay Denise at tumango si Denise.

"Clark is your cousin?" Muling bumaling si Denise kay Blaire kaya tumango si Blaire bilang sagot niya sa tanong ni Denise.

"Ano ba yan. Magcousin naman pala kayo." Napayuko si Denise dahil sa hiya na hindi niya inakala na magpinsan pala sila at sa inasal niya kanina.

"Denise, bakit ka tumakbo kanina? Bakit hindi mo kami nilapitan?" tanong ni Blaire.

"I don't know. Jealousy, I guess." Naiiyak na sabi ni Denise kaya bigla siyang niyakap ni Blaire.

"I cant do that to my bestfriend. I am not like the others." Ngumiti si Blaire at sinenyasan si Riza na sumama sa kanila.

"Pupunta pala sina Mom at Dad dito. Kaya humanda kayo," patawang sabi ni Blaire na parang tinatakot sila.

"Ofcourse. Excited na akong makita si Queen Zelle, nagagandahan kasi ako sa kaniya tsaka siya ang paborito kong reyna," sabi ni Riza kaya tumawa si Blaire.

"Like mother like daughter talaga. Carbon copy eh," sabi ni Denise kaya tumango si Blaire at ngumiti ito bago tumawa.

"Tama na. Tulog na." Biglang pumasok si Blaire sa kwarto niya kaya nagkatinginan sina Riza at Denise.

"Anyare sa kaniya?" tanong nila sa isat-isa






[ Next Morning ]




"Ate!" sigaw ni Jack sa labas ng kwarto ni Blaire.

"Ate!" sigaw ulit ni Jack kaya nilapitan siya ni Jace.

"Gamitin mo ulit ang mahiwaga mong recorder para magising siya." Ngumti agad si Jack at nagsnap siya.

"Talino talaga ni kambal." Kinuha agad ni Jack ang bag niya at kinuha ang recorder.

"I'm sure magigising na siya dahil di--"

"You think I will fall for that?" Biglang bumakas ang pinto at bumungad si Blaire na nakapameywang kaya itinago agad ni Jack ang kaniyang recorder.

"Hirap mo kasing gisingin ate eh," sabi ni Jack habang inaayos ang kaniyang bag at hinila si Blaire papunta sa kusina.

"Kain na ate. Gusto ka nang makita nina Mom." Umupo si Blaire bago siya tumango at nilapitan ang mga pagkain.

"Sino nagluto?" tanong ni Blaire sa apat.




Nagkatinginan silang apat at sabay silang tumayo sa harapan ng lamesa. Itinaas naman ni Blaire ang isa niyang kilay at naghalukipkip



"Kaming apat, bakit?" wika ni Riza at tinaasan rin niya ng kilay si Blaire.

"Seryoso? Baka kayong dalawa lang." Sabay turo ni Blaire kina Riza at Denise at umiling naman silang dalawa.

"Kaming apat talaga. Ang galing kaya nilang dalawa at mas magaling pa ata sila kaysa sayo," sabi ni Denise kaya napatayo si Blaire. Lumaki ang mga mata nila dahil sa gulat kaya tumawa si Blaire.

Mystique: Academie For Specials [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon