Prologue ~ Si Torpe At Si Feeling

6.5K 77 10
                                    

--o--o--o--

Prologue: Si Torpe At Si Feeling

Isang araw sa Graciello Academian High School, may pinagtitilian ang mga pesteng palaka sa field.

"Oh my gash, teng! Ang gwapo ng bagong transferee ng SSC!!" Sigaw ni palaka #1.

"Oo nga teng! Tara lapitan natin!" says palaka #2.

Pshh, kung ano talaga ang pinagsisigawan ng mga Regulars sa kaklase kong si Jared. Sure, foreigner siya, may mataas na IQ, at gwapo rin, pero kailangan bang ipagsigawan ang fact na yan? Oo na, gwapo na si Jared Thomas Vines, mhkay? =_=

Ako si Clare Avery Sanchez. That dorky but still cute foreigner, that's Jared Thomas Vines, like I said. I kind of like him but I can't tell anyone since crush siya ng bestfriend ko at basically most of the girls at school, kahit hindi niya ito pinapansin at nagmimistulang manhid sa love. I don't know nga if he knows what is love, eh!

To tell you more about Jared, transferee siya mula UK pero half-Filipino pa rin siya. Dito na raw sila titira for good kaya lumipat sila ng school, at since inaanak yun ng may-ari ng Graciello High, dito siya nag-transfer as an SSC student. Naging Top 2 siya namin for the first three grading periods with my best friend as top 1.

Ako naman, nakapasok ako sa SSC ng Graciello High with luck, pero hindi naman ako nakapasok sa top ten, perhaps top 20 pwede pa. May lahing Espanyol daw si Lolo therefore meron din akong dugong espanyol. I have dark brown hair at brown eyes. Baby face daw ako sabi ng mga kaklase ko. Avery or Avy talaga ang nickname ko pero tawag parin nila sakin ay Clare. I don't know why though.

May talent ako sa art at konti sa singing, at marunong ako ng konti ng bass at guitar. Actually, may band ako with 4 other people sa school na choir members din. We're called Electric Love, but I'm not really well-known for those things. Pero parang wala naman kayo doon pakialam, for all I know.

Umiling nalang ako habang binasa ang TFIOS book ko nang tahimik. Break namin at the moment sa dance contest at since by Grade level, may mga kasamang Regulars, Athletes, SPAs at TechVocs, walang problema doon pero ang lalandi ng iba.

"Ugh, kakainis naman nila. Hindi ba nila alam akin lang si Jared?" Pabirong sabi ni Tristine Alcala, best friend ko, sakin.

"Tigilan mo si Jared, Tris. Ni hindi ka niya pinapansin eh." Sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin.

Binatukan niya ako kaya napaaray ako habang siya nakapout sakin.

"Hmmph! Ang mean mo!"  sabi ni Tris.

"Tigilan mo yan, Tris. Hindi ka cute kung gumanyan, nakakainis na nga eh." Binatukan ko siya pabalik.

Yeah, that's our friendship. Puro sakitan between me, Tristine, Szanelle, Gabriel, at Scarlet, pero lab ko parin silang lima, kaso kay Tris, more sa inis at less sa love dahil sa ugali niya.

Enough about them, it's about us. Yeah, I like him, okay. Basta may something sa kanya. Parang may gravity na naghahatak sakin papunta sa kanya, and I don't know, talagang nainteres ako sa kanya at gusto ko malaman ang mga favorite food at color niya, I know, but I can't admit that.

I know ang story na ito ay tungkol sa torpe at sa isang feeling, it is. Pero hindi yun si Tristine. Hindi si Tristine ang feeling. Ako ang feeling. Si Jared ang torpe. Si Avery at Jared ang center dito, baka nalilito kayo. Pareho kami kasing feeling ni Tristine. At Oo, nakakainis na siya as in.

Sorry readers naging defensive pa ako sa taong hindi naman akin. Sorry...

Biglang umupo si Jared sa tabi ko at parang uminit ang mukha ko.

What is Happening?

Kinuha ko ang pamaypay ko at namaypay habang tinatakpan ang mukha ko. Tinignan ko ang mukha nya and he looked away, like he was watching me.

What?

Ang sobrang lapit niya sakin! As in magkatabi talaga kami habang tumitingin siya sa wala habang hinahawakan niya ang isang bamboo stick. Tumingin ako sa lips niya na medyo nakapout. Oh my, they're so plump and red and very kissable!

Pucha ba't ako natetemp na halikan siya?!

Oh tukso! Layuan mo akoooo...

Yes, mukhang malala ang tama ko kay Jared. I can admit that to myself. I like him a lot.

Bakit naman ako hindi magkagusto? Gwapo, May dugong British, Cute, Blue-eyed, mabait, silent-type, matalino, mukhang younger version ni Jose Rizal dahil sa black hair niyang medyo kulot. Type ko most ng personality at features niya. However, hindi siya kumakanta nor tumutugtug ng gitara man lang. Pero gusto ko pa rin siya... >_<

Parang hindi ko kayang tumagal sa presence niya, nakikilig ang lola nyo kasi!

Oh MY GOSH.

SOMEBODY ANYTHING SAVE ME!

"Back to your line, Fan Dancers!" Sigaw ng dance instructor. Phew.

Tumayo ako at pumunta sa linya ko sa tabi ni Szanelle.

"Szanelle tinatabihan ako nang nobyo mo oh! Tinataksilan ka na!" Pabiro kong sumbong kay Szanelle kaya nabatukan ako.

"Hindi ko nga yun crush ang lokong iyan!" Sigaw sakin ni Szanelle.

"Let's go dancers, from the top!" Interrupt ni dance instructor sa lahat ng nag-uusap.

Nagsimula kaming magpacute with our fans in our hands and mistulang naging Chinese girls.

As I looked on the right with the fan on my nose, nagkatama kami ng tingin kaya kinabahan ako.

Shet, parang may naglalaro ng isang dubstep track sa puso ko kasi kung kumabog parang full volume na boom box! Tapos ang mukha ko umiinit at parang nanigas ang katawan ko na parang robot na may kalawang.

"Hoy Clare!" Sabi ni Gabriel sakin, katabi niya si Jared. Ngumingiti siya sakin na parang loko, na parang alam ang nasa utak ko. "Bakit ka nagbublush?"

Mukhang malala nga ang tama ko.

--o--o--o--

Si Torpe at Si FeelingWhere stories live. Discover now